Innocence 18

65K 1.4K 32
                                    

"Now,tell me.Who's chasing you, Katarina?"

Tigmak ang luha sa kanyang pisngi habang napapailing na napatitig siya kay Tristan. Nakaigting naman ang panga nito habang nakatitig sa kanya pabalik.

"Wa-wala. Kakilala ko lang,boss." Nanginginig ang boses na napasiksik siya sa gilid ng kotse nang angilan siya nito.

"Kakilala?What the fvck,Katarina?! Huwag mo akong gawing tanga! Who the fuck is that man, Katarina?!"

Lalo siyang napahagulgol dahil sa pagsigaw nito sa kanya. Nakakatakot tingnan ang inosente nitong mga mata na sobrang dilim na habang nakatitig sa kanya.

"Bakit ka umiiyak ha?! Is he your ex-boyfriend? What? Bullshit!"

Hindi! Hindi pwede! Hindi siya pwedeng magsalita. Ayaw niyang madamay pa ito sa problema nila ng kanyang Papa.

"You wouldn't really tell me,huh? Fuck! Fine! Bahala ka sa buhay mo!"

Galit na hinampas nito ang manibela at agad na binuhay ang sasakyan at pinaharurot ng mabilis paalis ng basement ng mall. Nahihintakutang napakapit siya sa dashboard habang kinakabit ang kanyang seatbelt. Tanging mga hikbi niya lamang ang maririnig sa loob ng sasakyan sa buong durasyon ng kanilang byahe. Padabog na binuksan nito ang pintuan ng sasakyan nang pumarada ito sa harap ng isang matayog na gusali. Agad siya nitong hinila pababa at kinaladkad papasok sa building. Tinanguan lang nito ang mga nakasalubong nito at agad na tinungo ang elevator.

"Ba-bakit tayo nandito? Uuwi na ako,Tristan." Hinila niya ang kanyang kamay ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak niyon. Tinitigan siya nito ng masakit. Napaatras siya sa bandang likod na bahagi ng elevator. Walang imik na sumunod siya dito nang makapasok na sila sa penthouse. Napakaganda niyon but she's too tired to appreciate the place. Nagugutom narin siya dahil sa sobrang pag-iyak.

"Gutom kana?" Nakaigting parin ang panga na saad nito.

Tumango lang siya at piniling maupo sa sofa. Ipinikit niya ang mga mata habang pigil-pigil parin ang luha na gustong kumawala sa mga mata niya. Bakit ba kasi napakaiyakin niya? Bakit ba ang hina niya?

Narinig niya ang pagbukas-sara ng pinto ngunit nananatiling nakapikit ang kanyang mga mata. She then blinked a couple of times when she smelled the sweet aroma of the food. Napangiwi siya nang marinig ang nag-aalburuto niyang tiyan.

"Tss. Ubusin mo yan." He hissed as he placed the food in front of her.

"I-ikaw? Hindi ka kakain?"

"Wala akong gana." Agad rin siya nitong tinalikuran bago tinungo ang terrace. Napangiwi siya nang matanaw kung paano nito hithitin ang sigarilyong nasa daliri nito. Napailing nalang siya at ibinaling nalang ang pansin sa pagkaing nasa harap niya. Tapos na siyang kumain at maghugas ng pinggan ngunit nananatiling nasa terrace parin ito. She heaved a deep sigh as she walked closer towards him. Mukhang malalim ang iniisip nito dahil hindi siya nito napansin. Napatikhim siya sapat para balingan siya nito ng tingin. She almost cowered at the intensity of his stare. Nakakapanghina talaga ng tuhod ang inosenteng mga mata nito.

"What?!" He growled at her. Agad na napaatras siya sa takot na saktan siya nito.

"Ahm -salamat sa pagkain Tristan pero kailangan ko na talagang umuwi." Pilit tinatapangan ang loob na saad niya. She's now fidgeting as she waits for his decision. Napalunok siya nang ngisihan siya nito at hiniklas palapit sa dibdib nito bago yakapin ng mahigpit.Nanlalaki ang matang nagpumiglas siya ngunit sadyang malakas ito kumpara sa kanya.
Nag-iinit ang pisnging umiwas siya ng tingin nang bumaba ang mukha nito sa kanya.

"Sa tingin mo pauuwiin pa kita, Katarina?"

Agad siyang nag-angat ng tingin nang marinig ang sinabi nito. Pilit niyang binalewala ang pagdagundong ng kanyang dibdib dahil sa sobrang pagkakalapit nilang dalawa. They're almost kissing and she could hear his ragged breathing.

"Kailangan ko ng umuwi boss."

He chuckled as he dropped a chaste kiss on her lips. She stood still feeling shocked with his action.

"And no can do, Love." Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya at mahinang itinulak siya papasok ng isang kwarto.

"Fix yourself, Love. May damit diyan sa isang closet. Kakain lang ako." Anito at iniwan siyang tulala. Kunot-noong nilapitan niya ang closet at binuksan. Napangiwi siya nang makita ang mga mahahalay na damit sa loob niyon. Kagat-labing pinili niya ang isang satin blue dress na umabot sa bandang itaas ng tuhod niya. Maayos na inilapag niya iyon sa kama bago siniguradong nakalock ang pinto.



"Corpuz." Agad na bungad niya nang may sumagot mula sa kabilang linya.

Salvatierra! Anong maipaglilingkod ko sayo,gago!"

"Fuck you, Corpuz!" He hissed na tinawanan lang nito.

Baka nakakalimutan mong may atraso kapa sa akin, Tristan.

"Ikaw ang nauna! Babayaran naman kita. I need information about Katarina Bermudez. I want it done tomorrow morning."

Sus! Babae na naman? Siguradong ikaw na ang susunod kay Hernaez! Hindi ka ba natatakot?

"Tss. Bye."

Napahilot siya sa kanyang sentido pagkatapos maibaba ang tawag. He has no time for chit chat. He's nosy as fuck. Alam niyang hindi siya nito titigilan sa pang-aasar. Parang bakla pa naman ito kung umasta. Napailing siya bago ibinuga pataas ang usok mula sa kanyang sigarilyo. His face hardened upon remembering what happened awhile ago. Kahit hindi pa sabihin sa kanya ni Katarina ay alam niyang nasa panganib ito. He saw the guy's face and he seemed quite familiar. Hindi niya lang matandaan kung saan niya ito nakita. But his face screamed danger. Hangga't nasa kanya si Katarina ay hindi niya hahayaang makanti ito ng kahit sinuman magkamatayan na.





Pinilit niyang takpan ng mahabang buhok ang kanyang dibdib na nakalitaw mula sa damit na kanyang suot. Sobrang ikli pa nito na halos masilipan na siya. Pinakatitigan niya ang sarili sa harap ng malaking salamin. Napakaganda ng damit ngunit sobrang halay talaga tingnan. She has never worn something this sexy and revealing. Noong buhay pa kasi ang mama niya ay ito ang namimili ng mga damit na isusuot niya. Ayaw kasi nitong nababastos siya.They had an image to protect. Sobrang conservative din ang kanyang Papa na kahit sa mismong paglabas niya ay dapat aprubado pa nito ang damit na suot niya. Masunurin siyang bata na kahit sa pagkadalaga niya ay nadala niya ang ugaling iyon. Kapag sinabing hindi ay hindi na siya namimilit pa.

Napapitlag siya nang makarinig ng malakas na katok mula sa pinto ng kwarto ni Tristan. Kagat-kagat ang pang-ibabang labi ay kinakabahang tinungo niya iyon. Ilang beses pa siyang napabuntong-hininga bago napagpasyahang buksan na ang pintuan. Hindi niya maiwasang mapasinghap nang mapagbuksan ang kanyang boss na halos wala ng saplot sa katawan. Kunot na kunot pa ang noo nito habang nakatitig sa kanya.

"Why did you lock the freaking door, Katarina?" May halong pagkainis na saad nito.

Parang walang narinig na nagtaas-baba ang kanyang tingin sa mukha at pang-ibabang katawan nito na natatakpan lang ng isang maliit na puting tuwalya. Padabog na isinara nito ang pinto at humakbang palapit sa kanya na nagpahulagpos ng kakarampot na telang tumatakip sa pag-aari nito. Nakangangang napatakip siya sa kanyang bibig pagkakita sa sumasaludong pagkalalaki nito. Eyes wide and face flushed, she facepalmed and made her way towards his bed. Dali-dali siyang nagtalukbong ng kumot para pagtakpan ang sobrang pag-iinit na kanyang nararamdaman. Napakuros siya at napapikit.

Diyos na mahabagin! Mahihimatay na ata siya!





~~

A/N: #wasak ang next chapter. 😱😵

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now