Innocence 17

67.4K 1.5K 61
                                    

Ilang araw na magmula ng mangyari ang masasabi niyang kahindik-hindik na nangyari sa buong buhay niya ngunit masyadong nakapagkit na ito sa isipan niya. Palatandaan ang nanlalalim at nangingitim na mga mata niya. Napangiwi siya habang nakatitig sa Papa niya. Kunot na kunot kasi ang noo habang tinitingnan siya. Noong isang araw kasi ay nagulat siya nang magtext ito na kailangan nilang magkitang dalawa. Siyempre excited siya dahil matagal-tagal narin magmula ng umalis siya sa bahay nila. Namimiss na niya ito at nagpapasalamat siyang nasa maayos itong kalagayan.

"Bakit nangangalumata ka, Katarina? Hindi kaba nakatulog?"

"Po?"Napaayos siya ng upo pagkarinig sa sinabi ng Papa niya. "Hindi naman po, Papa."

"Baka naman may nobyo kana kaya ka ganyan?" Walang kangiti-ngiting saad nito. Halos panlamigan siya nang hindi siya nito nilubayan ng tingin. Napalunok siya at halos maiyak nang maalalang may ginawa siyang kasalanan. Malaking kasalanan na ang makita ang pinakatago-tagong pag-aari ng boss niya. Hindi niya naman iyon sinasadya but still, ang hirap talaga yun kalimutan. Perstaym niyang makakita niyon. Nakakatakot pala!

"Wa-wala po,Papa." Pilit ang ngiting saad niya bago inisang lagok ang tubig na nasa harapan niya.

"Hindi naman sa pinagbabawalan kitang magkaroon ng nobyo, anak. Kaya lang masyado pang komplikado ang lahat sa ngayon."

Tumango siya. "Naiintindihan ko po, Papa."

Halos tahimik sila habang kumakain maliban sa panaka-nakang pangangamusta nito sa kanya. Sinabi naman niya lahat ng pinagkakaabalahan niya sa halos isang buwan na pagkakawalay niya dito. Kung saan siya nagtatrabaho at kung saan siya kasalukuyang nanunuluyan.

"Is that an apartment, Katarina? The one where you're staying?"

"Hindi po,Pa. Boarding house lang po siya. But I'm renting the whole room."

Napatango-tango ito habang nakakunot parin ang noo. Inaabsorb pa ata ng utak nito ang katotohanang nangungupahan lang siya.

"Kamusta naman kayo,Pa? Nanggugulo parin ba si Brandon?Hinahanap parin ba niya ako?" Sunod-sunod na tanong niya na nagpaigting ng bagang nito. Kumuyom pa ang kamao nito na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

"He's still searching for you, Katarina. Kailangan mong mag-ingat, anak. He's very determined to get you but I won't let him. Uubusin ko ang pera ko masigurado lang na hindi ka niya makukuha."

Lalo lang siyang nakaramdam ng takot dahil sa narinig na sinabi ng kanyang Papa. Brandon is too powerful than her father. Kaya alam niyang mahihirapan silang kalabanin ito.

"Paano po kayo,Papa?Baka saktan ka po ni Brandon. He's into drugs, Papa. Delikado po siya." Naiiyak na napakagat-labi siya habang nakatitig sa Papa niyang may pag-aalalang nakaguhit sa buong mukha.

"Don't worry about me, Katarina. Hindi niya ako masasaktan. Magpapadala ako ng mga taong magbabantay sayo." Ginagap nito ang kanyang kamay at masuyo siyang nginitian. "Babantayan tayo ng Mama mo Katarina. Huwag kang mag-alala,okay?"

Napatango nalang siya at ipinagpatuloy ang kanyang pagkain kahit nawalan na siya ng gana. Lampas alas otso na ng gabi nang ihatid siya ng kanyang Papa sa tinutuluyan niya. Iyak lang siya ng iyak habang mahigpit na nakayakap dito. Alam niyang matagal pa bago sila magkitang muli ng kanyang Papa. At natatakot rin siya sa posibilidad na masaktan ito ni Brandon.






Nagising siyang tulala at parang wala sa sarili nang makarinig siya ng ilang katok mula sa kanyang pinto. Saglit na pinasadahan niya ng tingin ang kanyang sarili bago nagpasyang lumabas.

"Hi Ate! Good morning!" Malaki ang ngiting bati ni Annie habang katabi ang nakangiti ring kaibigan.

Tipid na ngumiti siya sa mga ito pabalik at niluwangan ang bukas ng kanyang pintuan para makausap ang mga ito ng maayos.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now