Simula

571 216 60
                                    

Simula.
Earthrust


Inayos ko ang pagkakasuot ng jacket sa balikat ko. Ang kabang nararamdaman ko ay mas lalo pang nadagdagan dahil sa malamig na ihip ng hangin. Parang gusto ko bigla pagsisihan na ngayon pa ako nagtapat. Sana pala tinimbang ko muna kung kaya ko na bang marinig ang kasagutan n'ya, kung sakali.

Habang tumatagal ang katahimikan na bumabalot sa amin, ay mas lalong lumalakas ang kabog sa loob ng dibdib ko.

Narinig ko ang malalim na paghugot ng hininga ni Kane. "Magkaibigan tayo, Gem. Kung ano man ang gusto mong iparating sa mga sinabi mo. Mas mabuti ng manatili lang tayo bilang magkaibigan. Ayokong dumating ang panahon na pati ang mga kaibigan natin ay maapektuhan dahil sa atin."

Bigla akong na-blanko sa narinig ko. Nahirapan akong huminga. Biglang sumikip ang dibdib ko. Kahit hindi n'ya diretsong sabihin, alam ko kung ano ang ibig n'yang sabihin. Ayaw n'yang humigit pa sa pagkakaibigan ang namamagitan sa aming dalawa.

Nahihirapan man ay pinilit ko s'yang titigan sa mga mata. "P-paano iyong mga pinakita at pinaramdam mo sa akin? You treated me differently. You are way sweeter to me. Y-you also told me that you cared for me." Biglang namaos ang boses ko.

First time ko lang magkagusto sa isang tao. First time ko lang magtapat ng nararamdaman ko. At mukhang ito rin ang magiging first heartbreak ko.

Nakita ko s'yang saglit na pumikit. Para bang nahihirapan din s'ya sa sitwasyon namin.

"Yes, Of course, i cared for you. We're friends for almost 7 years pero hanggang doon lang. Walang ibig sabihin lahat ng 'yon, Gem. Kasalan ko dahil hindi ako nag-ingat sa mga kilos ko." Mariin n'yang sabi at diretso akong tinitigan sa mga mata. "Pero malaki ang pagkakaiba ng kaibigan sa pagmamahal. I hope it doesn't confuse you."

Parang piniga ang puso ko. So, all this time, ako lang pala ang nagbibigay ng ibang kahulugan sa mga ipinapakita n'ya. Ang tanga mo, Gemini!

Mapakla akong napatawa sa isip ko. Naramdaman ko ang pagpatak ng mainit na likido sa mga pisngi ko.

"W-wala ba talaga tayong pag-asa? Ayaw mo ba sa akin?" Naging tanga na rin lang ako, lulubusin ko na. Ang hirap tanggapin na ang kauna-unahang taong ginusto ko ay wala pa lang gusto sa akin.

"Gem, please, 'wag mo ng ipilit ang gusto mo. Masasaktan ka lang. Ayokong mas lalo ka pang mahirapan." He looked away and sighed loudly.

Umiling ako at hinawakan s'ya sa balikat. Pinihit ko s'ya ulit paharap sa akin.

"Im not asking for more, Kane. I just want you to give me a chance. Gano'n ba kahirap gawin 'yon? Malay mo, magustuhan mo rin ako kalaunan." Pinunasan ko ang pisngi ko at pilit na hinuli ang mga mata n'ya.

Saglit kong nakitaan ng paglambot ang mukha n'ya habang nakatingin sa akin pero mabilis din iyong nawala. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakita ko o baka namalik-mata lang ako.

"Im sorry, Gemini." He almost whispered it. Mas lalong sumikip ang dibdib ko. "Friendship is the only thing i could offer."

That's it. Friends.

Kung alam ko lang ganito kasakit ang ma-reject, sana pinaghandaan ko. Kung bakit kasi ako umasa sa mga pinapakita n'ya? Kung bakit naniwala akong pareho ang nararamdaman namin?

Minsan na nga lang ako magtapat, rejected pa. Minsan na nga lang ako magkagusto, sa kaibigan pa.


Look at how fate playful is.


***

"Goddamnit!" malutong na mura ni Lilith. Naitulak s'ya ng mga babaeng naghihiyawan sa paligid. Halos mahilo ako sa dancing lights at sigawan.

Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now