Kabanata 26

239 98 21
                                    

Kabanata 26.
Naive



Pinaglaruan ko ang ballpen sa mga daliri ko habang nakamasid sa section ng business management na naglalaro sa gitna ng field.

Each group ay binubuo ng limang miyembro kaya magkakasamang tumakbo ang Earthrust at si Kane. Nilibot ko ang paningin sa kabuohan ng field, hinati sa magkabilaang bahagi ng field ang male and female ng section nila.

Mula rito sa ikaapat na palapag ng literature department ay kitang-kita ko ang lahat ng nangyayari sa field. Natapos ko nang gawin ang seat work ko kaya hinihintay ko nalang na matapos lahat saka ipapasa sa classroom president namin.

Napakaraming track and field ang nilaro nila at halos roon ay naipanalo ng team nila. Napapangiti nalang ako tuwing nakikita ko silang tuwang-tuwa sa bawat panalo ng kanilang team.

Saktong nagdeklara ang president namin na ipasa ang seatwork namin ng magsialisan rin sila sa gitna ng field. Sinundan ko silang lima ng tingin habang naglalakad pabalik sa kanilang department. Nakakagaan sa pakiramdam ang makita silang nagkakasundo na ulit.

Pagkalabas ko nang classroom ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa. Agad akong napangiti ng mabasa ang mensahe mula kay Kane. Daanan ko raw s'ya sa locker room at sabay na kaming pumunta ng cafeteria.

"Sus, 'yong mga ngiting ganyan, alam ko na 'yan." Ani Lilith at bahagya pang sumilip sa cellphone ko. Nginisihan ko lang s'ya at binalik ang phone ko sa bulsa.

"Oo na, puntahan mona s'ya. Tanggap namin na second priority nalang kami." Inirapan ako ni Gracen at humalukipkip. Natawa nalang ako at kinawayan silang dalawa. "Babawi ako next time, 'wag na kayo magtampo. Bye bye, ladies."

Sinimangutan nila ako pareho kaya mas lalo akong natawa. Kinawayan ko pa sila ulit bago sumakay sa escalator pababa. Medyo may kalayuan pa kasi ang gym rito sa department namin.

Habang tinatahak ko ang gilid ng flat form sa gitna ng gym ay nakasalubong kona ang ilan sa mga kaklase nila. Nakapagpalit na sila ng kanilang uniform at mukhang kakatapos lang maligo. May ilan pang ngumiti at bumati sa 'kin.

Una kong nadaanan ang women's locker kaya tumuloy ako sa sunod na pinto. Akmang hahawakan kona ang doorknob ng bumukas iyon. Agad kong nalanghap ang pamilyar na shower gel.

Bahagya pang namilog ang mga mata ko ng makita si Thorn sa harapan ko. Kahit kilalang-kilala kona ang shower gel n'ya ay parang may sumikdo parin sa loob ng dibdib ko ng mag-angat ako ng tingin.

"Thorn.." I breathed. His brow furrowed but he smirked afterward. "Gem." Saglit s'yang lumingon sa loob.  "Si Kane ba? Pumasok ka nalang. Nahuli s'yang maligo kaysa sa akin." Aniya at dumaan sa gilid ko.

Gusto ko sana s'yang hawakan sa kamay para pigilan pero hindi ko nagawa. Instead na pumasok sa loob ng locker room ay tumalikod ako at hinabol si Thorn. Humarang ako sa harapan n'ya kaya natigilan s'ya.

Mukha pa s'yang nagulat sa biglaang ginawa ko pero agad rin na nakabawi.

Lumunok ako ng ilang beses habang nakatingin sa kanya. Kumunot ang noo n'ya at mataman rin akong tinitigan.

Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko. Kung bakit pabigla-bigla nalang ang desisyon ko? Parang gusto ko ng umatras ngayon pa lang, naumid na yata ang dila ko. Nasa pagitan ako ng itatanong ko ba o hindi? Pero hindi ako mapakali hangga't hindi ko naitanong mismo kay Thorn. Sapat na ang isang gabi na halos hindi ako nakatulog.

Kung bakit kasi masyado akong apektado sa nakita ko kagabi?

"I.. I saw you last night. Magkasama kayo ni Ivana. Aksidente ko rin na narinig na doon s'ya matutulog sa condo mo." Saglit akong lumihis ng tingin at huminga ng malalim. "Sinama mo ba talaga  s'ya?"

Kahit Kunwari LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon