Kabanata 25

246 97 22
                                    

Kabanata 25.
No one's allowed





"Ano? Nakakaaliw bang titigan ang pader?" Sarkastikong tanong ni Lilith. Tamad ko s'yang sinulyapan at bumuntong-hininga.

"Nakakaantok. Mag-iilang oras na yata tayo dito sa library pero wala naman tayong ginagawa. Ginawa pa nating props ang mga libro." Ani Gracen habang nakahalumbabang bumubuklat ng libro. Halata namang hindi n'ya binabasa.


May dalawang oras kaming vacant kaya niyaya ko muna silang pumunta dito. I just want to have a peace of mind. Kapag sa classroom kasi ang ingay naman sobra.

"Itanong mo dito kay Gemini, damay lang tayo sa gulo ng lovelife n'ya." Naiiling na sabi ni Lilith. Pinandilatan ko s'ya pero inirapan lang ako ng loka.



Itinukod ko ang isang siko ko sa itaas ng mesa at sinapo ang kanang pisngi ko. Inabot ko ang isang libro sa harap ni Grace at sinimulan na rin itong buklatin. Wala naman akong maintindihan, tanging ang mga larawan lang ang pinagmamasdan ko.


"Love for no reason. Love without doubt. Love without expectation. Love without regret. Don't ever settle for someone who doesn't value you. Look at yourself, you deserve so much more."

"Good afternoon everyone. This is yours truly, Syden Aphrodite Alcante."




Natigil ang kamay ko sa pagbuklat ng pahina. Parang biglang na-blanko ang isip ko. Mariin na nagdikit ang mga labi ko.

Naaalala kona naman si Thorn. Ilang araw ko na din s'yang hindi nakikita. Hindi na s'ya sumasama sa ibang miyembro ng Earthrust. Ang sabi ni Gio ay madalas din s'yang mag-cutting classes at hindi s'ya umuuwi sa bahay nila.

Gustuhin ko mang kausapin s'ya at itanong kung saan ang unit n'ya pero wala akong karapatan. Ako ang may kasalanan kaya nagkakaganito si Thorn. Mag-alala man ako, wala paring magbabago.

"2nd week pa lang ng pasukan, lagi ng absent si Thorn. Pag 'yon talaga nagbulakbol, naku! Makonsensya ka, Gem."

I know, Grace. Ito na nga, oh. Kinakain na ako ng konsensya ko. Nagsisimula na akong mag-alangan sa naging desisyon ko.

Ibinagsak ko ang ulo ko sa nakabukas na libro. Parang gusto kong mag-backward. Bumalik sa mga panahong ayos kaming lahat. Iyong wala kaming ibang pinoproblema maliban sa school works.





"What are you doing? May problema ba?" Agad akong nag-angat ng mukha nang marinig ko ang boses ni Kane. Nakatayo s'ya ngayon sa tabi ko at nakadungaw sa akin. Hindi ko manlang namalayan ang pagdating n'ya.

Mabilis kong inayos ang medyo nagulo kong buhok at tipid s'yang nginitian. "Wala naman, inaantok lang ako."

Tumango naman s'ya at inusog ang isang upuan palapit sa tabi ko. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya hanggang sa makaupo s'ya.

"Bakit ka nandito?" Mahinang tanong ko. Wala naman kasi s'yang dala na kahit ano. Umikot paharap sa akin si Kane at ngumiti. "Kasi nandito ang girlfriend ko. Bawal ba?" My lips parted a bit. Hindi ko inaasahan 'yon.

"Uh," umiwas ako ng tingin at tumikhim. Narinig ko ang paghagikhik ni Lilith kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Speechless." Aniya at nakipag-high five pa kay Gracen na ngayon ay nagpipigil din ng tawa. Sinulyapan ko si Kane at ngiting-ngiti din ang loko. Great! Tuwang-tuwa sila sa pagiging lutang ko.

Sinimangutan ko si Kane. "You're enjoying this." Mas lalong lumawak ang ngiti n'ya at tinaas ang dalawang kamay. "Hindi na." Aniya pero inirapan ko lang s'ya. Halata namang nagpipigil lang s'ya ng ngiti.



Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now