Kabanata 35

114 27 31
                                    

Kabanata 35.
Deserve




"And here we go again." Nakangising sabi ni Nixon habang kumakain kami ng snacks. Nagpalipat-lipat ang mga mata nito sa amin at napailing.

Tumikhim si Gio at tinukod ang dalawang siko sa mesa. "Ako lang ba? O talagang may kakaiba sa atin ngayon? Mayro'n ba kaming hindi alam?"

Nang magtagpo ang mga mata namin ay agad akong yumuko at tinuon ang atensyon sa kinakain kong lasagna. Tingin ko ay tanging si Nixon lang ang may alam sa pag-uusap namin nila Gracen at Lilith kahapon.

Naramdaman ko ang paglapit ni Kane sa akin. "What happened?" Malumanay niyang tanong. Saglit ko siyang tiningnan at umiling. "You sure? You can tell me."

Napabuntong-hininga ako at hindi sumagot. Paano ko sasabihin sa'yo kung ikaw mismo ang problema ko? Kapag sinabi ko na sa'yo, siguradong masasaktan ka.

Matapos kong pag-isipan at intindihin ang mga sinabi ni Gracen kahapon ay saka ko lang napagtanto ang mga kasalanan ko. Kung gaano ako nagkamali sa padalos-dalos kong desisyon. Kung ano ang mga p'wede kong masira at kung sinu-sino ang mga masasaktan ko.

Nahihirapan man ako. Hindi man kayang tanggapin ng pride ko ngunit kailangan. Dahil bukod sa akin may dalawang taong mas nahihirapan.

Hindi ko pa alam kung paano sisimulan. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Kane. Hindi ko rin nakausap pa si Thorn. Hindi ko nga alam kung magaling na ba talaga siya o baka nilagnat ulit. Gusto ko man siyang puntahan at kamustahin ay hindi p'wede. May mga bagay na mas dapat kong unahin at ayusin.

Napatingin ako kay Kane nang maramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko. "You're spacing out. Ayaw mo ba talagang sabihin sa akin?"

Napatitig ako sa mukha ni Kane na puno ng pagsuyo. Humapdi ang puso ko. Paano ko ba sasaktan ang taong 'to? Pinilit kong ngumiti sa kanya. "Wala.. Walang problema."

Nagulat kami at napatingin kay Gracen nang malakas nitong ibagsak ang kutsara sa mesa. Nakatitig siya sa aming dalawa ni Kane at umiling. Marahas siyang tumayo at mariin akong tinitigan. Para bang tinatanong kung kailan ko pa sasabihin kay Kane ang lahat?

Tumayo rin si Nixon at hinawakan si Grace sa balikat. "Kumalma ka nga, Grace. ano bang nangyayari sa inyo?"

Hindi natinag si Gracen at nanatiling nakatitig sa akin. Marahas siyang bumuga ng hangin. "I can't believe this." Aniya at winaksi ang pagkakahawak ni Nixon sa kanyang balikat. Dumiretso siya palabas ng cafeteria.

Saglit kaming binalot ng katahimikan. Ano bang gagawin ko? Hindi pa talaga ako handa. Tumayo ako para sundan si Gracen ngunit natigilan din agad dahil sa paghawak ni Kane sa kamay ko.

"Where are you going?" Kunot-noong tanong nito. Halatang naguguluhan sa nangyayari.

"Susundan ko lang si Grace. May dapat kaming pag-usapan. Saka na tayo mag-usap, Kane." Ani ko at tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Mabilis akong naglakad palabas. Hindi pa naman tuluyang nakakalayo si Gracen. Hinabol ko siya at sinubukang kausapin ngunit hindi niya ako pinansin.

Nakarating kaming dalawa sa likurang bahagi ng auditorium. Sa wakas ay huminto rin siya at hinarap ako.

Nameywang siya at muling bumuga ng hangin. "Hanggang kailan, Gem? Kailan mo balak sabihin kay Kane?"

I shook my head while looking at her eyes, trying to make her understand na hindi madali para sa akin ito. "G-gusto kong dahan-dahanin muna, Grace. Hindi ko pa alam kung paano sisimulan. Hindi pa ako handa. Sana maintindihan mo ako."

Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now