Kabanata 15

252 132 36
                                    

Kabanata 15.
Naiintindihan ko na




"Hoy! Okay ka lang? Kanina ka pa tulala." Napapitlag ako ng tapikin ako ni Lilith sa balikat.


"Huh? Ano ulit 'yon?"

Humalukipkip s'ya at naiiling akong tiningnan.


"Sabihin mo nga! May nangyari kanina habang nagsasayaw tayo ano? Sino ang last dance mo?" Mapanuring tanong n'ya.

Agad akong nag-iwas ng tingin at napalunok. Ayaw kong mapansin n'ya na hanggang ngayon ay naghuhuramentado pa rin ang sistema ko. Muling nag-init ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kanina. Gusto kong batukan ang sarili ko kung bakit nangyari 'yon.

Sanay akong mahalikan ni Thorn sa noo, ulo at pisngi. Pero iba ngayon.
That's my first kiss for heaven's sake! Normal lang naman na magkaganito ako 'di ba?

Matapos n'yang tanggalin ang mask ko kanina at gano'n rin sa kanya ay basta n'ya nalang akong iniwan. Kasunod no'n ay bumukas na ulit ang maliliwanag na ilaw sa kabuoan ng hall. Doon ko lang napansin na lahat kami ay wala ng suot na mask kaya agad din kaming nagkita nila Gracen at Lilith.



"Hey, i've been looking for you anywhere. Nandito ka lang pala." Bahagya akong natigilan nang marinig ang boses ni Kane mula sa likuran ko.


Binigyan ko s'ya ng alanganing ngiti.
"H-Hi."

Kumunot ang kanyang noo na para bang may kakaibang napansin sa akin. Inilang hakbang n'ya ang pagitan naming dalawa at hinawakan ako sa pisngi.

"You look flushed. Are you okay?" Mahinang tanong n'ya.


Umiwas ako ng tingin at nagtagpo ang mga mata namin ni Lilith. Bahagya n'ya akong tinaasan ng kilay at mapanuksong ngumisi.

"Napansin ko rin iyan, Kane. Hindi ba ikaw ang huli n'yang nakasayaw?" Tanong ni Lilith at mas lalong napangisi.

Kunot-noong nilingon s'ya ni Kane at umiling. "No, hindi ko s'ya nakita. I tried to find her but i failed. Nagsisisi nga ako na hindi ko inalam ang susuoting gown ni Gemini."

"Talaga?" Bakas ang pagtataka sa mukha ni Lilith at kumunot ang noo. "I thought ikaw ang naging last dance n'ya."

Medyo nakaramdam ako ng kaba ng pareho silang dalawa ni Kane na tumingin sa akin. Samantalang si Gracen ay tahimik lang sa tabi ni Lilith at nakikinig.

Akmang magsasalita na sana si Kane nang biglang nagsalita ang host sa itaas ng stage. Nabawasan ang kabang nararamdaman ko at napabuga ng hangin.



Saved by the announcement.

Hindi ko talaga alam ang sasabihin sa kanila kapag tinanong pa nila ako. Mahihirapan akong lumusot dahil masyadong obvious sa mga kilos ko.

Mabuti na lang at hindi na rin pinahaba pa ng host ang event. Matapos magbigay ng announcement at saglit na pahinga ay pinauwi na lahat ng mga estudyante. Nag-insist pa si Kane na s'ya ang maghahatid sa akin pero hindi ako pumayag dahil naghihintay sa akin si kuya Marco sa labas ng university.




Tinanghali ako ng gising ng sumunod na araw. Tama ngang nilagay namin sa friday ang masquerade ball dahil alam naming mapapagod at aantukin ang lahat.

Naligo muna ako bago bumaba para kumain. Kanina pa kumakalam ang tiyan ko.

Naabutan ko sina mommy at daddy sa sala habang nanonood ng TV. Kusa akong napangiti ng mapansin na naglalambingan pa sila. Isa ito sa mga bagay na nagugustuhan ko sa kanila. Kahit nasa mid 40's na ay halatang mahal na mahal pa rin nila ang isat-isa.

Kahit Kunwari LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon