Kabanata 1

417 209 81
                                    

Kabanata 1.
Pinapaasa





"Shit!"

Halos takbuhin ko na paakyat ang escalator. Nasa ikatlong palapag pa nitong building ang SSC office. Alas otso magsisimula ang meeting namin today para sa nalalapit na masquerade ball. Mahigit kinse minutos na akong late, for sure magagalit na naman nito si Kane.

Almost midnight na kami nakauwi kagabi at kaming dalawa ni Thorn ang pinakahuling hinatid ng van nila, since nasa iisang subdivision lang din naman kami nakatira.

Napagalitan pa ako ni mommy last night dahil hindi daw matino para sa isang babae na umuwi ng gano'ng oras.

Huminga ako ng malalim at sinuklay-suklay ang buhok ko bago dahan-dahang binuksan ang pinto ng SSC office. Agad na sumalubong sa akin ang tingin ng mga kapwa ko SSC officers. Hilaw akong ngumiti at tumingin kay Kane na kasalukuyang nahinto sa pagsasalita sa unahan. Nakakahiya ito!

Yumuko ako at dire-diretsong naglakad sa unahang upuan. Kailangan ko pang mag-take notes sa mga magiging agenda sa meeting.

Ramdam ko ang pagsunod ng tingin ni Kane sa akin kaya halos kumabog ang dibdib ko.

"You're late." malamig na sabi nito pagkaupo ko sa harapan n'ya. Tumingala ako sa kanya at napaawang ang labi ko. Galit sya, halata naman.

Yumuko ako at kinagat ang labi ko.
"Sorry. I over slept."

Narinig kong napasinghap sya bago ulit tinuloy ang sinasabi. Nagfocus naman ako sa meeting at pagte-take down notes sa mga mahahalagang sinasabi n'ya.

Nagkaroon ng open forum at nag-suggest ng ibat-ibang mga pakulo ang officers.

Hindi ko naman maiwasan na pakatitigan si Kane habang seryosong nakikinig sa mga opinyon ng mga co-officers namin. Minsan ay nagtatagpo ang mga mata namin kaya bigla akong napapaiwas ng tingin. Nakakawala pala sa sarili ang titigan s'ya.

"So you mean, parang magiging totally mysterious ball ito?" tanong ni Kane kay Harlyn na s'yang treasurer namin.

"Yes! I find it very interesting. 'Yon bang hindi mo kilala kung sinu-sino ang mga nakakasalamuha mo sa loob ng hall. Walang dapat may magsabi ng totoong pangalan n'ya. kung may kasama kang best friend, depende na 'yon sa inyo pwede kayong magtawagan through codenames. Magsisimula ang sayawan bandang Alas onse y medya at pagpatak ng 12 midnight kung sino 'yong huling makakasayaw mo, tatanggalin n'yo pareho ang maskara ng bawat isa." tahimik kaming nakinig sa suggestion ni Harlyn.

Medyo.. Cliche pero alam ko hindi pa nasubukan ang ganyang pakulo dito sa VSU.

"Isn't that too corny?" natatawang sabi ni Ellis.

"Corny but exciting." sabat ni Jessamy at tumingin kay Kane. "I like that idea. How about you pres?"

Napatingin kami kay Kane na nakasandal sa white board at parang nag-iisip. Pinaglaruan n'ya ang marker na hawak at saglit na tumingin sa akin. Tumikhim s'ya at tumango.

"It's kinda interesting." Malumanay n'yang sabi at umayos ng tayo. "But i need to propose this first to Ms. Isabel which is our program coordinator kung papayag ba s'ya."

"She'll approved this, i'm sure." ani Harlyn ng nakangiti. She's confident. Sabagay, malaki ang chance na papayag nga si Ms. Isabel, this is a new one.

Sunod naming tinalakay ang tungkol sa preparations. Kung ilang araw ba ang kakailanganin para makapaghanda. Next is Materials and budget. The estemated expenses. So far, nagkasundo naman kaming lahat sa bawat plano kaya walang naging problema.

Kahit Kunwari LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon