Kabanata 6

314 187 40
                                    

Kabanata 6.
Stay



Ang inaasahan naming Formal Birthday celebration ni Spike ay hindi nangyari. Pare-pareho yata kaming nadismaya dahil sa kanyang naging desisyon.

Instead na sa bahay nila ganapin ang selebrasyon ay sa bar na pagmamay-ari ng kanyang kuya idinaraos.


"Ugh! So loud." Reklamo ni Lilith ng magsigawan ang mga manonood pag-akyat ng Earthrust sa stage.

Actually, hindi lang mga ordinaryong fans ang nandito. Lahat ng mga nandirito sa loob ay may invitation card. Mga anak mayaman, anak ng business partners ng parents ni Spike, models, professors and school officers.

"No hard drinks please." Narinig kong sabi ni Ellis.

Tumingin ako sa gawi nila at nakita kong binibigyan s'ya ng inumin ni Harlyn. Na sa katabing mesa lang namin sila.

Lima naman kaming naiwan rito sa table since umalis muna ang Earthrust para magperform. Ako, Gracen, Lilith, Syden and Kane.

Nang marinig kong sinimulan na ni Nixon ang pag-strum ng gitara ay napatingin ulit ako sa kanila. Sumunod naman sina Gio at Thorn. Samantalang nanatiling nakaupo lang si Spike. Hindi pa naman kasi kakailanganin ang drum sa intro ng musika.




Nagtatanong
Nagtataka
Sa nararamdaman
Pag tayo'y magkasama..

Nanindig ang balahibo ko sa ganda at lamig ng boses ni Thorn nang simulan n'ya ng bigkasin ang liriko ng kanta. Kahit ang mga manonood na sobrang wild kanina ay biglang nanahimik at pinakinggan ang kanyang boses.


Nahihiya
Nagiisip
Kung pano ba kita mapapangiti
Higit sa kaibigan ang turing
Ikaw ba'y mayron ding pagtingin..

Pinanood ko ang pagpikit ni Thorn na para bang dinadama ng mabuti ang musika. Wala sa sariling napangiti ako dahil talagang nag-iiba s'ya tuwing kumakanta. Para bang punong-puno s'ya ng emosyon.


Naghihintay
Nananabik
Nababaliw
Nagwawala
Natatawa
Nagpipigil
Nagsasaya
Lumulungkot
Nalilito
Nagmamahal
At umaasa...


Napatingin ako sa gawi ni Kane dahil pakiramdam ko ay bigla akong tinamaan sa nilalaman ng musika. Gusto ko tuloy isipin na parang na nanadya si Thorn.

Humataw ang dibdib ko nang magtagpo ang mga mata naming dalawa. Uminit ang aking pisngi nang mapagtanto na kanina pa s'ya nakatingin sa akin. Gusto kong mag-iwas ng tingin pero hindi ko magawa.

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa mga nakikita kong emosyon sa mata ni Kane. Lutang na yata ako dahil nakikita ko sa kanya ang pagmamahal, pangungulila at lungkot.

Damn. Am i hallucinating? Impossible ang mga nakikita ko sa kanya.


Nagmamasid
Nag-aalinlangan
Na sabihin sa'yo
Ikaw ang aking mundo
Nanghihina
'Di magsasawa
Sa'yong mukha ugaling kay ganda
Higit sa kaibigan ang turing
Ikaw ba'y mayron ding pagtingin..

Kahit nahihirapan ako ay pinilit kong alisin ang atensyon kay Kane at muling tumingin sa itaas ng stage.

May kung anong kumislot sa loob ng dibdib ko ng makitang nakadilat na si Thorn at diretsong nakatitig sa akin.

Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now