Kabanata 18

246 122 18
                                    

Kabanata 18.
Problema



Gumulong ako sa kama nang maramdaman ang mainit na tumatama sa mukha ko. Tumingin ako sa gawi ng bintana at napanguso. Nakalimutan ko palang ibaba ang kurtina.

Nag-unat ako ng katawan at sinulyapan ang wall clock sa itaas ng study table ko. Lagpas alas-nuwebe na. No wonder na masakit na ang sikat ng araw.


Pinalipas ko pa ang ilang minuto bago napagpasyahan na bumangon. Hindi na ako nag-ayos pa at diretsong bumaba sa sala. Natigil ang paghihikab ko nang maabutan ang maleta nila mommy at daddy sa sala. Kumunot ang noo ko lalo na nang makita na nakabihis silang dalawa at kagagaling lang sa kusina.


"Mom, dad, ano 'to? Bakit nakaimpake kayo? Saan kayo pupunta?" Sunod-sunod na tanong ko. Ngayong araw magsisimula ang sembreak ko tapos mukhang aalis naman sila.

"Chill anak. Isang linggo lang naman kaming mawawala. Nagkaproblema kasi ang isang branch natin sa ilo-ilo kaya mananatili muna kami roon ng daddy mo hanggang sa maayos ang problema." Mahinahong sabi ni mommy.

Bigla akong nanlumo, so mag-isa lang ako sa buong linggo? Ito dapat ang mga panahon na nakakabonding ko sila.

"One more thing, kasama namin ang tito Henry at tita Krystal mo, kaya dito muna si Thorn sa bahay hanggang sa makabalik kami para may kasama ka." Nakangiting sabi ni Mommy at tinapik ako sa balikat.


"Po?!" Gulat kong tanong. Napalunok ako.


Nagtatakang lumingon sina mommy at daddy sa akin. Napasobra yata ang reaksyon ko.

"Oh bakit? May problema ba anak? Lagi ka namang sinasamahan ni Thorn tuwing umaalis kami ah." Ani daddy.

Umiwas ako ng tingin. Oo nga naman, ano bang problema ko?

"Wala po, medyo nagulat lang. Sige po, ingat kayo mom, dad." Hilaw akong ngumisi at lumapit sa kanilang dalawa para humalik sa pisngi.

"You too anak. Mag-ingat kayong dalawa ni Thorn dito. Kapag sakaling nagkaproblema ay tumawag kayo agad sa amin." Bilin ni mommy na agad ko rin na tinanguan.

May iilan pa silang inihabilin sa akin bago tuluyang umalis. Inihatid ko sila hanggang sa gate ng bahay saka muling pumasok para maligo at kumain.

Mga ilang oras rin akong tumunganga sa loob ng kwarto ko bago napagpasyahan na lumabas ng bahay.


Agad akong napasimangot nang mapansin ang mga damong humahalo sa mga bulaklak namin sa garden. Ilang linggo na rin kasing naospital ang hardeniro namin dahil naaksidente.

Masama ang loob ko na lumapit sa mga damo para bunutin sila. Nakakasira sa tanawin kapag maraming matataas na damo.

Napamura ako nang maputol lamang ang mga dahon nila. Ang tigas naman kasi bunutin gayong tuyo ang lupa. Matigas pa yata 'to sa damdamin ni Kane sa akin noon. Tss!


Tagaktak ang aking pawis nang matapos ang pagbubunot sa damo. May iilan pang naiwan pero hindi ko na kaya, feeling ko pagod na pagod ako kaya pabagsak akong humiga sa damuhan.

Pinagmasdan ko ang asul na asul na kalangitan. Nakakagaan sa pakiramdam tuwing pinagmamasdan ko ito. Tanghaling tapat na. Masakit ang sikat ng araw sa balat at nakakasilaw. Muli kong tiningnan ang mga damo na may puno pang naiwan.

"Masyado n'yo akong pinahirapan. Kapit kayo ng kapit wala namang dahilan. Ano? Masaya na kayo?" Sinamaan ko sila ng tingin, as if naman na tatablan sila.


Kahit Kunwari LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon