Kabanata 31

203 83 23
                                    

Kabanata 31.
Mapanuri


"What's that?" Kunot-noong tanong ko kay Lilith, nang iabot n'ya sa akin ang isang invitation card.

Nagkibit-balikat lang s'ya at nilagay sa itaas ng arm chair ko ang card. Simple lang ang desinyo nito ngunit napaka-eleganteng tingnan. Dinampot ko iyon at binaliktad paharap.

Parang bigla akong na-disoriented ng mabasa ang nakasulat dito. Bigla akong pinanlamigan sa hindi ko malamang dahilan.

Thorn & Ivana
Invite you to their engagement party.
Come and celebrate with us.

Bakit wala kaming alam tungkol dito? Masyado naman yatang nakakabigla. Paulit-ulit kong binasa ang nilalaman ng invitation card dahil baka namamalik-mata lang ako. Bakit ba nagmamadali sila masyado?

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa card. Ni hindi ko napansin na bahagya na itong nalukot dahil sa higpit ng pagkakahawak ko.

"Hey, baka magunaw na 'yang invitation card. Napano ka ba?" Nagising bigla ang diwa ko ng marinig ko ang boses ni Gracen.

"Huh?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya at mukhang kanina pa pala s'ya sa harap ko.

"Kako anong meron d'yan sa invitation card?"

Muling bumaba ang tingin ko sa card na hawak at agad ko iyong inipit sa notebook ko. "Wala naman," ngumisi ako sa kanya. "Medyo nagulat lang ako."

"Kahit kami nagulat din naman. Parang kailan lang ang sabi pinaghahandaan pa lang daw, tapos ito, dalawang araw nalang, engage na talaga si Thorn." Ani Grace at sinamahan ng marahang pag-iling. Sinundan ko s'ya ng tingin hanggang sa makaupo s'ya sa kanyang upuan.

"Oh well, mukhang si Thorn ang unang matatali sa ating magkakaibigan." Sabat ni Lilith na abala sa pagbuklat ng libro.

"Hindi pa naman ikakasal. It's just an engagement. P'wede pang magㅡ" natigilan ako nang parehong tumingin sa akin sina Lilith at Gracen. Nakagat ko ang dulo ng dila ko.

Ano ba ang pinupunto ko? Parang lumalabas na hindi ako sang-ayon na magkatuluyan sina Ivana at Thorn.

Napatitig ako kay Grace ng bahagya s'yang tumawa. "Doon din naman ang punta no'n, Gem. Engagement sa ngayon, sooner or later ikakasal din sila."

Oo nga. Ano bang problema ko?

Pero kasi.. May hindi pagkakaintindihan sa pagitan naming dalawa ni Thorn. Damnit! Nababaliw na naman ako sa kakaisip. Simula't-sapul pa lang mali na talaga na hinayaan ko si Thorn sa mga kagustuhan n'ya. Kaming dalawa ni Kane tapos ngayon malapit na silang ma-engage ni Ivana.

Kung p'wede ko lang sana ibalik ang gabing 'yun. Hindi dapat ako lumabas ng rest house at nilapitan si Thorn.

I heave a sigh. What's the purpose of fussing about it, Gem? Tapos na. Nandito na. Mas mabuti pang kausapin ko nalang si Thorn para matigil itong kahibangan namin.

Nang magkita-kita kaming magkakaibigan sa cafeteria ay agad kong napansin na wala si Thorn. Mas nauna kasi sila sa amin dito kaya pagpasok ko pa lang ay napansin ko na agad. Gusto ko sanang tanungin si Nixon kasu sinalubong ako ni Kane at giniya paupo sa tabi n'ya.

"So, nasaan na ang kaibigan nating soon to be engage?" Tanong ni Gracen pagkaupo sa tabi ni Spike.

"Sinundo ni Ivana sa classroom. May pag-uusapan daw sila. Hindi pa nakakabalik." Sagot ni Gio.

So that explains why. Saka ko nalang siguro s'ya kakausapin.

"Hanggang ngayon parang ayaw ko parin paniwalaan na mai-engage na nga si Thorn. Parang ang bilis lang." Ani Lilith.

Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now