Kabanata 10

267 162 32
                                    

Kabanata 10.
Stay Away




Napahawak ako sa baba ko, habang nakamasid sa mga kasamahan kong nagkakabit ng desinyo sa stage.

"Hindi ba masyadong plain, kung letter cut out lang ang ilalagay sa pader?" Tanong ko habang nakatitig doon.

"Iyon din ang unang napansin namin, kaya nga pagkatapos natin dito sa paggawa ng designs and letter cut out. Kung pwede magpinta ka ng kahit anong larawan sa pader, para naman hindi gaanong plain." Sagot ni Harlyn.

Tumango ako.
"Okay. Madali lang naman gawin 'yon." Mag-iisip na lang ako mamaya ng mga nababagay na designs para sa masquerade ball.

Kakaunti lang naman siguro ang pipintahan ko. Yung mga bahagi lang na hindi maaabot ng curtains.

"Hey!" Napatingin ako sa tabi ko nang marinig ko ang boses ni Jessamy. Kumunot ang noo ko, nang makitang bitbit pa nito ang Cartolina at gunting.


"Bakit?" Tanong ko.

"Nag-away ba kayo ni Kane? Pansin namin na kanina pa mainit ang ulo n'ya at halos ayaw magsalita." Aniya at inginuso pa si Kane na nagche-check ng mga materials sa gilid ng stage. Busangot at madilim ang mukha nito.

Umiling ako. "Hindi ko alam."

Oo nga't nagtalo kami kanina pero ayaw kong isipin na masyado s'yang apektado roon. Nakakasakit ang umasa. Malay ko ba kung may ibang dahilan ang init ng ulo n'ya.

He's unpredictable. Pabago-bago ang ugali n'ya. Minsan naiisip ko, baka may pagka-bipolar s'ya.

"Limang araw nalang, excited na 'ko." Masiglang sabi ni Ellis.

"Excited for what? Ang corny kaya ng concept na ito." Pabalang na sabi ni Gage.

Mabilis na lumipad ang isang marker papunta sa kanya.
"Duh! Nobody's asking your opinion. Ako kaya ang nakaisip nito." Sabat ni Harlyn.

"Yeah right! Kung ayaw mo, Gage, libreng lumayas." Sang-ayon ni Ellis.

"Wow! Ito ang tinatawag na discrimination. Democratic tayo ngayon, may karapatan akong ihayag ang sarili kong opinyon. Kahiya-hiya naman sa inyo." Sarcastic na sabi ni Gage.


Natawa ako. May pinanghuhugutan yata si Gage.


"Magdadaldalan na lang ba kayo o gagawa ng dapat gawin?" Pare-pareho kaming natigilan nang marinig namin ang napakalamig na boses ni Kane.

Mabilis na nagsibalikan silang lahat sa mga ginagawa. Napabuntong-hininga na lang ako at tinuloy na rin ang ginagawa ko. Gusto ko sanang sagutin si Kane, na wala namang masama sa pag-uusap namin pero ayoko ng dagdagan ang inis n'ya.


Ako na mag-aadjust.

Mula sa gilid ng mata ko ay nakikita kong nakatitig s'ya sa akin, pero ayoko s'yang tingnan. Saka ko na lang s'ya kakausapin kapag malamig na ang ulo n'ya.

Nilapag ko ang hawak kong glitter dust ng makaramdam ako ng pagkauhaw.

"I'm thirsty. Bibili lang ako ng inumin." Paalam ko sa kanila at deri-deritsong naglakad palabas ng audituriom.

Hindi ko na tiningnan pa si Kane. Kahit naman s'ya ang presidente namin, ay may kanya-kanya pa rin kaming karapatan sa mga bagay na gusto naming gawin.

Tahimik na ang buong University. Iilan lamang ang mga estudyanteng nakikita kong naglalakad at nakatambay sa paligid. Ganito na talaga kapag class hour. Mahigpit ang mga rules at policy dito compare sa ibang mga universities.



Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now