Kabanata 32

167 71 20
                                    

Kabanata 32.
Ikalawa



Hindi ko napigilan ang mapasimangot nang mapansin ang mataas na sikat ng araw. It's kind of rare na sobrang init ng panahon gayong buwan na ng disyembre.

Kailangan kong maglakad sa ilalim ng mataas na sikat ng araw bago makarating sa SSC office. Nagpatawag kasi ng meeting si Kane para sa preparasyon ng nalalapit na christmas party. At kung minamalas nga naman wala akong dala na payong o cap manlang. Ang lawak pa naman ng field na lalakarin ko bago makarating sa kabilang building.

Napapadyak nalang ako sa lupa at sinimulan ng maglakad sa ilalim ng araw. Ang hapdi sa balat. Binilisan ko nalang ang lakad ko. Hindi pa man ako nangangalahati sa lawak ng field, ay ramdam ko na ang pamumuo ng pawis sa mukha at leeg ko.

Nang hindi ko na talaga kinaya ay tinakbo ko na lang patawid sa kabilang building. Wala na akong pakialam kung nawalan ako ng poise sa bilis ng takbo ko. Gah! Para akong inihaw sa init ng balat ko.

Pinunasan ko muna ang pawis ko bago sumakay sa escalator. Kahit wala akong salamin, sigurado akong namumula ang maputla kong balat. Pero ayos na rin 'yun. Nakakasawa din ang ganitong kulay. Kung bakit kasi ang hirap gawing tan nitong balat ko.

Pagkapasok ko sa office ay halos nandito na rin lahat. Ngumiti at kumaway sina Ellis at Harlyn sa akin. Dumiretso ako at umupo sa tabi nila. Sakto namang napatingin si Kane sa gawi namin, kausap n'ya ngayon si Royce sa unahan.

Bahagyang nangunot ang noo ni Kane habang nakatingin sa akin. May sinabi s'ya kay Royce at mabilis na lumapit sa upuan ko.

"Naglakad ka sa ilalim ng araw. Wala ka manlang suot na cap o payong na dala." Naiiling na sabi ni Kane habang nakatitig sa akin. Hilaw akong napangisi. "Dapat tinext mo ako para nasundo kita."

"Maaabala pa kita. Ayos lang naman ako." Katwiran ko. Pagtatalunan pa ba namin 'to?

"Girlfriend kita, Gem. Priority kita, hindi ka abala." Mariin na sabi ni Kane. Parang disappointed sa akin.

Bigla nalang umugong ng tuksuhan at sipol ng mga kapwa namin officers, ang buong office. Nahihiyang napatingin ako sa kanila.

Kane naman, ang alam ng karamihan ay nasa 'dating' stage pa lang kami.

"Kung gano'n, totoo nga? Sinagot mo na talaga si Kane, Gem?" Nakangising tanong ni Gage.

Binatukan naman s'ya ni Royce. "Narinig mo na nga 'di ba? Girlfriend na. Sinagot na ni Gemini si pres."

Binangga naman ni Jess ang balikat ko ng paulit-ulit. Pare-parehong nanunukso ang mga ngiti at tingin nilang tatlo sa akin.

"Ibang klase, sabi na nga ba namin eh. Si pres. kasi, pa-hard to get pa no'ng una." Nakangising sabi ni Harlyn.

"I knew it. Hindi one sided ang feelings ni Gem. Iba kaya iyung mga titig at pag-aalala ni Pres." Sabat ni Jess.

"I thought, magiging sina Thorn at Gem. Mas malapit kasi sila sa isa't-isa eh." Parang bigla akong nanigas sa narinig ko. Kahit mahina iyon ay hindi pa rin nakatakas sa pandinig ko. Mabuti nalang at mukhang walang nakarinig na iba maliban sa akin.

Pasimple akong lumingon at nakita kong sina Patrick at Kaye lang naman ang nakaupo, sa likurang bahagi. Nang mapansin nila ang paglingon ko ay agad silang umakto na may ginagawa.

Huminga ako ng malalim saka ulit humarap sa mga kasamahan namin. Hindi na sila maawat sa panunukso at kakatanong. Pilit ko rin na ibinalik ang ngiti sa mga labi ko. Masyado akong apektado sa narinig ko. Lalo na't alam ko sa sarili kong, ako mismo ay may maling ginagawa.

Mabuti nalang at inawat sila ni Kane at sinabing magsisimula na ang meeting. Ayaw pa sana nilang tumigil pero mukhang na dala rin sa awtoridad ng boses ni Kane.

Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now