Kabanata 28

219 100 24
                                    

Kabanata 28.
First Kiss

Nagbukas ako ng panibagong clover habang pinapanood kung paano mag-wrestling sina Gio at Nixon sa buhangin. Kanina pa silang dalawa ganyan. May kung anong kinukulit si Gio kay Nixon na ayaw naman sagutin ng huli. Napailing nalang ako ng makitang iritado na ang mukha ni Nixon, samantalang si Gio ay tawang-tawa.

Weekend ngayon at napagkasunduan namin na bumisita rito sa resort nila Gracen. Akala ko nga ay hindi kami makukumpleto dahil sa pag-uusap namin ni Thorn pero sumama s'ya. Tulad ng inaasahan ko ay umaakto nanaman s'yang ayos lang ang lahat. Ako lang yata ang naiilang at the same time nalulungkot tuwing nakikita ko ang mga ngiti at tawa n'ya.

Sinulyapan ko silang apat malapit sa dalampasigan. Mula rito sa kinauupuan ko sa ay rinig na rinig ko ang kulitan at tawanan nila. Nakita ko pang sinakal ni Lilith si Spike kaya natawa na rin ako. Inawat silang dalawa ni Gracen pero tinulak silang tatlo ni Thorn kaya nabasa sila ng tubig.

Napabuntong-hininga ako at uminom ng soda in can na hawak ko. Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Kane at pinahilig ako sa balikat n'ya. Nakisalo s'ya sa kinakain kong junk foods.

"Hindi kaba nilalamig?" Mahinang tanong n'ya at hinaplos ng paulit-ulit ang braso ko. Sleeveless kasi ang suot ko at maiksing fitted shorts.

Ngumiti lang ako sa kanya at umiling. Kahit medyo malakas ang ihip ng hangin ay hindi pa naman ganoon ka lamig.

Pinanood ko ang papalubog na araw. Sunset is really breathtaking. Pero kung papipiliin ako between sunset and sunrise, i'll choose the latter one. Para kasi sa akin, sunrise ang simbulo ng panibagong simula at pagbabago.

"I wish we could stay like this forever." Kane whispered.

I smiled and looked at him. "We will."

Tinitigan n'ya ako at mas lalong napangiti. Humigpit ang pagkakapulupot ng braso n'ya sa balikat ko at dinampian ako ng halik sa sentido. Napayuko ako ng maramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Hindi ko iyon inaasahan.

"I love you." Medyo paos na sabi ni Kane. Bigla akong nanigas at nahigit ang hininga. Bumilis ang paghinga ko. Bumuka ang labi ko para sagutin s'ya pero walang boses na lumabas sa bibig ko. Sh*t! Why can't i say it?

"Hoy! Lovebirds! Tama na muna 'yan. Madilim na." Napalingon kami pareho ni Kane dahil sa malakas na boses ni Spike.

Nakahinga ako ng maluwag. Thank you for saving me, Spike. Kinagat ko ang laman sa loob ng pisngi ko. Kung bakit kasi hindi ko masabi?

Inalalayan ako ni Kane patayo. Agad kong pinagpag ang buhangin na dumikit sa shorts ko.

"Hindi porket luma-lovelife na kayong dalawa, hindi kana tutulong sa amin Kane sa paggawa ng bonfire. Itatapon namin kayong dalawa ni Gemini sa dagat." Natatawang sabi ni Gio.

"Tinitingnan ko pa nga lang sila kanina, nilalanggam na ako. Sarap din tuloy maghanap ng lovelife." Ani Lilith.

"Wag kang mag-alala, Lith. Kapag nagkaanak ako, ipapaalaga ko sa'yo, para naman hindi kana mag-isa." Sabat ni Spike at malakas na tumawa.

The next thing we see is binato na ni Lilith ng tsinelas si Spike at naghabulan na silang dalawa.

"Bwisit ka talaga! Itahi mo nalang 'yang bibig mo kung sisirain mo lang din naman ang mood ko."

Natawa nalang kami habang pinapanood silang dalawa. Kulang nalang mag-alboruto si Lilith, samantalang si Spike ay tuwang-tuwa pa.

Napunta ang paningin ko sa gawi ni Thorn at biglang naglaho ang mga ngiti ko ng mapansing nakatingin s'ya sa amin ni Kane. Blanko ang mukha n'ya habang nakatitig sa kamay ni Kane nakaakbay sa akin. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now