Kabanata 20

267 105 24
                                    

MythicalWinter want to says: Sorry for the long wait. It's just that-- i have to deal with my own difficulties. Thank you for waiting.

Kabanata 20.
Late



Palipat-lipat ang paningin ko sa mga frame na nakasabit sa living room ng bahay namin. Pilit kong iniiwasan ang makahulugang tingin na ibinibigay nila Lilith at Gracen sa akin. Gusto ko na silang pagbabatuhin ng tsinelas at sigawan dahil sa sobrang pagkailang. Mula ng madatnan nila kami rito ni Thorn sa sala ay bigla nalang sila natahimik.

Pasimple kong tiningnan ang pwesto ng tatlong earthrust at nakita kong may kanya-kanya silang mundo. Si Nixon ay abala sa kanyang cellphone. Si Gio naman ay naglalaro ng rubics cube, samantalang si Spike ay nagsimula ng lantakan ang pagkaing hinanda ko.

Mahinang pagtikhim ni Kane ang bumasag sa katahimikan namin. Napatingin ako sa kanya at mukhang kanina pa pala s'ya nakatingin sa akin.

"So.. Kailan ang uwi nila tita at tito?" Tanong ni Kane habang diretsong nakatitig sa mga mata ko. Mas lalo akong nakaramdam ng pagkailang kaya uminom muna ako ng juice bago sumagot.


"Uhm. Baka after four days nandito na sila ulit. Isang linggo lang naman ang itatagal nila do'n eh." Sagot ko at sinamahan pa ng pilit na ngiti.

Mahinang napatango si Kane nang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin. Binalot kami ulit ng katahimikan. Mabuti nalang at biglang nagsalita si Spike, kaya nalipat sa kanya ang atensyon namin.

"Kanina ko pa napapansin. Bakit halos hindi na humihiwalay iyang daliri ni Nixon sa cellphone n'ya, anong meron?" Ani Spike saka sumubo ng chips. Lahat kami ay napatingin kay Nixon na agad namang binaba ang cellphone at inayos ang pagkakasuot ng beanie sa ulo.

"What?" Medyo iritado na tanong ni Nixon.

"Ah, i knew the reason." Nakangising sabi ni Gio. Saktong nasolve na nito ang rubik's cube at binigay kay Lilith. Nang-aasar na tumingin si Gio kay Nixon na agad naman s'yang sinamaan ng tingin.

"The girl in nursing department. She's the one you're texting with, right?" Mas lalong lumaki ang ngisi ni Gio nang mag-iwas ng tingin si Nixon.

"Uhuh. Mukhang magkaka-lovelife na tayo nito." Ani Gracen sa nang-aasar din na tono.

"Ingay niyo! Tumahimik nga kayo." Masungit na sabi ni Nixon habang namumula ang magkabilang tainga.

Mas lalong natawa sina Gio at Grace. Nakisali na rin sa pang-aasar sina Spike at Lilith.

"Janiya, that woman?" Biglang sabat ng lalaking katabi ko. Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong itinukod ni Thorn ang siko niya sa kanyang tuhod at diretsong tumingin kay Nixon.

Pumitik ang daliri ni Spike sa hangin at humalakhak.
"Nakuha mo dude, 'yun nga."

"Para kayong mga babae. Too nosy, tss!" Inis na sabi ni Nixon. Pero hindi manlang natinag ang apat at mas lalo pa siyang inasar.

Natatawang tinapik siya ni Gio sa balikat.
"Okay lang 'yan dude. Ikaw ang pangalawa sa magseseryoso sa ating apat kapag nagkataon." Ani Gio at sumandal sa sofa.

Kumunot ang noo ko at diretsong napatingin sa gawi nilang dalawa. Bago pa man ako makapagsalita ay may nauna na sa akin na nagtanong.

"What do you mean na pangalawa sa magseseryoso?" Takang tanong ni Lilith. Eksakto ang mga salitang binitawan niya sa gusto ko rin na itanong.

Mukhang hindi iyon inaasahan ni Gio kaya napatuwid s'ya ng pagkakaupo at lumikot ang paningin.
"Ano iyon, Gio? Sino ang may girlfriend sa inyo ngayon? As far as we have known, lahat kayo ay single at wala pang siniseryoso." Taas kilay na sabi ni Lilith.

Kahit Kunwari LangNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ