Kabanata 13

264 150 17
                                    

Kabanata 13.
Mahal




Kasalukuyan akong naghahalo ng pintura na gagamitin sa pagpipinta, nang maramdaman kong may kumalabit sa akin.



"Oy, Gem! Totoo ba?"

"Ang alin?" Takang tanong ko kay Jess.


"Fiancee raw ni Thorn si Ivana Clemente, Kalat na kalat na eh."


Natigilan ako nang marinig ulit ang pangalan na binanggit ni Jess. Ilang araw na akong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa nangyari sa amin ni Thorn. Tapos dumagdag pa ang balitang si Ivana ang fiancee n'ya. Sa dami ng babae sa mundo, bakit s'ya talaga?



Magkasama na silang dalawa, ibig sabihin pumayag na si Thorn sa kasunduan.

"Hello to earth, Gem? Naririnig mo pa ba ako?" Gulat akong napatingin kay Jess nang bahagya s'yang sumigaw at nagsnap ng kamay sa harap ko.


"Huh? Ano ulit 'yon?"

Umiling s'ya habang nakatingin sa akin.
"Lately, napapansin namin na lagi kang wala sa sarili. Ayos ka lang ba talaga? Nag-away ba kayo ni Kane?"

Ako naman ngayon ang napailing at nag-iwas ng tingin. Hindi si Kane ang dahilan kaya ako nagkakaganito.

"Jess! Patulong naman sa arrangement ng mga bulaklak." Narinig kong sigaw ni Harlyn.

"Yeah! Yeah! Coming!" Sigaw pabalik ni Jess. Tinapik ako nito sa balikat bago patakbong pumunta sa p'westo ni Harlyn.

Ito na ang huling araw para sa preparation ng masquerade ball. Bukas na gaganapin ang event.

"Gem, naayos ko na ang hagdan. Sure ka bang aakyat ka?" Nag-angat ako ng mukha nang marinig ko ang boses ni Royce.


"Oo, pakiabot nalang ng pintura at tubig sa akin pagkarating ko sa itaas. May sabitan naman sa gilid ng hagdan 'di ba?" Ani ko at nag-stretch ng braso.


Sinadya kong magsuot ng jeans ngayon dahil alam kong kakailanganin kong umakyat.
Isa pa, marami ang mga estudyanteng nandirito sa loob ng auditorium para tingnan ang mga ginawa naming desinyo.


"Sure, no problem. Ingat ka lang ah." Paalala ni Royce.

Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Basic lang 'to." Pagbibiro ko.

"Sabagay, ikaw pa ba." Sakay n'ya at natawa.

Paakyat na ako sa hagdan nang pigilan ako ni Royce.


"Wala ka bang jacket? Puti kasi ang blouse mo, for sure madudumihan 'yan." Aniya.

Umiling ako at napatingin sa suot ko. Hindi talaga maiwasang makagawa ng katangahan sa buhay. Dapat sana dark color ang sinuot ko today.

"Baka si Kane may jacket, hahanapin ko ba s'ya?" Tanong ni Royce.

"Naku 'wag na!" Mabilis kong sagot at alanganin na ngumiti. "Busy 'yon sa pag-iinspect ng mga estudyante. May extra shirt naman akong dala sa locker."


"Okay, sabi mo eh." Saad ni Royce at ngumisi.


Sinimulan ko na ulit ang pag-akyat sa hagdan. Si Royce naman ang sumusuporta rito dahil baka mawalan ng balanse at matumba. Mapahamak pa ako ng wala sa oras.

Inabot n'ya rin sa akin ang pintura at baldeng may laman na tubig pagkarating ko sa taas. Sinabit ko ang mga ito sa sabitan sa gilid ng hagdan bago sinimulan ang pagpipintura.


Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now