Kabanata 17

257 127 20
                                    

Kabanata 17.
Paninikip




"In our life, there are three lessons we should learn: first, not everyone you love will stay. Second, not everyone you trust will be loyal, and third, some people only exist as examples of what to avoid."

Napangiti ako habang pinapakinggan ang boses ni Syden. She's 2 years younger than us, but her mind-set is quite matured. Nakakaproud na kapatid s'ya ng best friend namin.

"Good morning, everyone. This is yours truly, Syden Aphrodite Alcante."

Sunod na tumunog ang isang malamyos na musika. I'm not familiar with it, pero mukhang nakikibagay s'ya sa sitwasyon naming dalawa ni Kane.

Pareho kaming tahimik habang nakaupo sa isang bench, malapit sa department ng literature. May ideya na ako sa pag-uusapan namin. Pero buo na ang desisyon ko, hindi naman yata tama na iwasan ko si Thorn para sa kanya.

"Sorry, Kane." Panimula ko at yumuko. "Hindi ko kaya ang hinihiling mo sa akin. Hindi ko kayang iwasan si Thorn. Kaibigan natin s'ya."

I heard him sighed.
"You don't need to say sorry, Gem." Napaangat ako ng mukha. Naramdaman ko ang paghawak ni Kane sa aking kamay.

"Actually, nasa akin ang mali. It was a childish act. Nadala lang siguro ako sa selos ko." He chuckled and slightly bit his lower lip.

Napaawang ang labi ko habang nakatingin sa nakangiti n'yang mukha.

Did i heard him right?

He's jealous..

"Y-you what?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Baka kasi namali lang ako ng rinig.

Mas lalong napangiti si Kane at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"I'm jealous. Nagseselos ako sa inyong dalawa ni Thorn. Though, alam ko namang magkaibigan talaga kayo mula pagkabata pero hindi ko parin maiwasan." He slowly rubbed his nape at bahagyang nag-iwas ng tingin.

Unti-unti akong napangiti habang nakatingin kay Kane. Nagseselos s'ya, ibig sabihin may nararamdaman s'ya sa akin.

"Naiintindihan ko na ngayon, alam kong ako ang gusto mo at kaibigan lang ang tingin mo sa kanya."

Napansin kong humugot ng malalim na hininga si Kane bago ako deritsong tinitigan sa mga mata.

"Let me court you formally, Gem. You deserve to experience it. Kung dati ikaw ang gumagawa ng efforts sa ating dalawa, pagkakataon ko naman ngayon para bumawi." Seryosong sabi ni Kane. Pansin ko ang pagkislap sa kanyang mga mata.

Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Nawalan ako ng sasabihin. Para akong na blanko. I've never anticipated this. Sobra-sobra yata ang mga nangyari ngayong araw.

Bahagyang nanginig ang mga labi ko sa excitement. Ngumiti at tumango ako kay Kane, dahilan ng muling paglawak ng kanyang ngiti.



"Ang bilis ng panahon. Isang linggo nalang, semestral break na." Ani Gracen habang nakasandal sa puno.

Kakatapos lang namin kumain at napagkasunduan na tumambay muna dito malapit sa open field. Nakaka-relax kasi ang hangin. Kakaunti rin ang mga estudyanteng pumupunta rito.

"Finally, after 3 days. Makakapagpahinga na rin ako." Nakangising sabi ni Spike at humilata sa damuhan.

"Wag mong kalimutan na mayroon pa tayong pupuntahan next wednesday." Sabat ni Nixon.

Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now