Kabanata 3

350 204 28
                                    

Kabanata 3.
Precious


We were in 6th grade ng maging kaibigan ko sina Gracen at Lilith. Magkaklase na kami simula grade 4 pero hindi ko sila nakakausap. Para kasi sa akin noon, sapat na si Thorn bilang kaibigan. At the same year naging kaibigan din ni Thorn sina Nixon at Gio.

Grade 8 kami ng magtransfer sa school namin sina Spike at Kane. Napag-alaman namin na kababata pala silang dalawa ni Nixon. Doon nagsimulang mabuo ang pagkakaibigan naming walo.

Unang kita ko pa lang kay Kane ay agad na akong naattract sa kanyang personality. Masyado s'yang engrossed sa pag-aaral at sa kanyang mga responsibility bilang SSG officer.

Iyon ang unang pagkakataon na may nakilala akong lalaki na tulad n'ya, kaya siguro ganito na lang ang pagkahumaling ko sa kanya.

I promised to myself na s'ya lang ang lalaking gugustuhin ko at lalaking makakatuluyan ko.

Maayos naman ang pagkakaibigan namin. Halos nagkakasundo kami sa lahat ng bagay, hanggang sa kumalat ang rumor sa eskwelahan na nililigawan daw ni Kane ang anak ng principal namin.

Her name is Ivana. Ahead s'ya ng one year sa amin. Top 1 sa klase. Laging nananalo sa kahit anong patimpalakan.


Ni minsan hindi ako na-insecure sa ibang tao pero no'ng mga panahong iyon ay nakaramdam ako ng inggit sa kanya.

Siguro nama'y normal lang iyon. Kahit sino hindi maiwasan ang magkaroon ng insecurities sa buhay. Pero ang labis na ikinakasama ng aking loob ay ang katotohang malapit nga sila ni Kane sa isat-isa.

Ivana is way too much compared to me.

Doon na ako naglakas ng loob na mag-confess ng totoong nararamdaman ko kay Kane. Natatakot akong baka maunahan ako ni Ivana at tuluyan ng mahulog sa kanya si Kane.

Pero sana pala, hindi ko na lang ginawa. Mula ng malaman ni Kane na may feelings ako sa kanya ay naging distant na s'ya sa amin.

Mas lalo s'yang nagfocus sa pag-aaral at mga responsibilities n'ya.

Naguilty ako dahil pakiramdam ko, ako ang sumira sa masayang pagkakaibigan namin. Maging sa Earthrust ay halos hindi na s'ya sumasama para lang maiwasan ako.


Umiyak ako sa harapan nila Lilith at Gracen nang sabihan ako ni Kane na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya n'yang ibigay sa akin.

Marami pa s'yang gustong abutin at patunayan sa buhay. Gusto n'yang manatili lang kami bilang magkaibigan. Ayaw n'ya ng distraction.

Nasaktan ako sa mga sinabi n'ya. Dahil para bang sinasabi n'ya na magiging distraction lang ako sa buhay n'ya. Pero ewan ko kung ano ba talaga ang nakita ko sa kanya at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sumusuko.




"Hindi ka pa ba tapos sa pagre-reminisce ng past mo? Gutom na ako." Napabalik ako sa huwisyo ng marinig ko ang boses ni Thorn.

Lumingon ako at nakita ko s'yang nakasandal sa hamba ng pintuan at tamad na nakatingin sa akin.

Sinamaan ko s'ya ng tingin at binalik ang atensyon sa niluluto kong sisig.

"Lakas magreklamo, hindi naman ikaw ang nagluluto." Inis na sabi ko at nilagay sa plato ang sisig. Nilapag ko iyon sa mesa at inayos na rin ang iba ko pang niluto.

Tiningnan ko si Thorn at tinaasan ng kilay.
"I thought you're hungry? Now eat."

"You want me to eat that food, pagkatapos mo akong sumbatan na hindi ako nagluluto." Nakasimangot n'yang sabi at tinitigan ako. "You're unbelievable." Dagdag n'ya at umiling pa.

Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now