Kabanata 2

362 211 48
                                    

Kabanata 2.
Sasamahan




"What are you doin'?" Nag-angat ako ng mukha nang marinig ko ang boses ni Gracen. Pareho silang nakadungaw ni Lilith sa ginagawa ko.

Umiling ako at tiniklop ang notebook. "I was just checking the tentative expenses for masquerade ball."

"Medyo matagal pa 'yon ah! Nagpaplano na." Ani Lilith at humila ng isang upuan para umupo sa harap ko. Ganoon din ang ginawa ni Gracen.

Sumandal ako sa backrest ng upuan at napapout.
"Mahirap na kasing kapusin kami sa time. The earlier the better."

Ayoko ng mangyari ulit ang nangyari noong nakaraang program. Masyado kaming naging kampante na kayang-kaya namin kaya ayon, kinapos kami sa oras at sobrang naging rush ang preparations namin. Napagalitan tuloy kami ng program coordinator.

Tumango-tango si Gracen.
"Sabagay."




"Gemini!" Napatingin ako sa pinto nang tawagin ako ng isa sa mga kaklase namin.


"Yes?" Kunot-noong tanong ko.


"Pinapatawag ka raw ng SSC president."

Agad na kumalabog ang dibdib ko nang marinig ang sinabi nito. Magkaiba kasi kami ng course ni Kane kaya hindi rin kami madalas magkita at magkasama. Pare-pareho silang business management na lima. Kane, Nixon, Thorn, Spike at Gio.

Nagmadali ako sa pagpaalam kina Lilith at Gracen saka tinungo ang SSC office. I know Kane, he hates to wait.




Seryosong mukha ni Kane ang naabutan ko, pagkabukas ko ng pinto. May suot s'yang reading glasses habang nakaharap sa computer.

"Magpiprint tayo ng cards para sa masquerade ball." Aniya ng hindi manlang tumitingin sa akin. "It's 85 copies overall, including the guests."

Nanatili lang akong nakatayo sa pinto habang nakatitig sa kanya. Mas lalong nakadagdag sa appeal n'ya ang kanyang reading glasses.

He looks more dashing.

Kunot-noo s'yang nag-angat ng tingin sa'kin at bahagya akong tinaasan ng kilay.
"Ano pang ginagawa mo d'yan? Tulungan mo ako dito." Napabalik ako sa huwisyo nang mapansin ang pagkabagot sa boses n'ya.

Mabilis akong naglakad palapit sa tabi n'ya at naupo. Tiningnan ko ang ginagawa n'ya at nakita kong tapos na s'ya sa pagta-type ng programme. Naglalagay nalang ng designs.

Nakapagtatakang pinatawag n'ya pa ako gayong tapos narin pala s'ya. Magpiprint na lang after n'ya pumili ng designs sa card. Pero instead na magtanong ay pinili ko na lang na manahimik at tinulungan s'ya.

Pagkatapos naming magprint ay dinistribute namin sa mga professors ang cards. Maliban sa may mga ginagawa at naiwan din ang para sa mga guests.




Naglalakad na kami pabalik sa office nang mapatingin ako sa kabilang corridor. Bahagyang bumagal ang mga hakbang ko nang makita ang nakangising mukha ni Thorn habang may kausap na babae.

Obvious na may lahi ang babae base sa features ng mukha nito. Half-Brazilian i guess. Tanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang paglitaw ng dimples ni Thorn.

Nanliit ang mga mata ko ng makita ang pasimpleng paghampas ng babae sa katawan ni Thorn. Ang landi!

Mukhang tuwang-tuwa din si Thorn dahil mas lalong lumakas ang tawa n'ya. May bago na namang kalampungan.


Napasinghap ako nang bigla na lang ako hatakin ni Kane palapit sa kanya. Mabuti na lang at mabilis kong naiharang ang palad ko sa dibdib n'ya dahil kung hindi ay nauntog ako sa kanya.

Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now