Kabanata 8

293 166 31
                                    

Kabanata 8.
Guess what?





"Wala pa rin ba kayong balita sa kanya?"

Bumagsak ang balikat ko ng umiling si Nixon. Pangatlong araw na simula ng umalis si Thorn. Kahit isa sa amin ay walang balita sa kanya. Akala namin ay baka lalapit s'ya sa isa sa amin pero hindi nangyari. Hindi na rin s'ya pumapasok.



Mayat-maya ang pag-contact sa amin ni tita para makibalita pero talagang wala kaming ideya kung nasaan si Thorn.

"Sigurado ba kayong wala sa inyong tatlo nakitira si Thorn?" Paniniyak ni Lilith.

"Wala nga. Alangan naman na itago pa namin kung alam namin." Iritadong sabi ni Gio. Mukhang napapagod na rin sila sa kakahanap sa kanya.

Nanlulumo akong napaupo sa tabi ni Nixon. Naturingan pa naman akong bestfriend n'ya pero wala manlang akong kaalam-alam.

"Spike, kuha mo nga ako ng drinks." Narinig kong utos ni Gracen.

"Wow! Do i look like your maid? Sa gwapo kong 'to. Ayoko nga!"

"Wala kang silbi!" Singhal ni Gracen at padarag na tumayo.

"Disipulo ako ng sining. May naii-ambag ako sa kultura sa pamamagitan ng musika." Proud na sabi ni Spike at sumandal sa backrest ng sofa.

"Ang dami mong sinabi, nahiya naman ang libro ni Rizal sa'yo." Umirap si Gracen dahilan upang humalakhak si Spike.

"Sige magbangayan pa kayo, laki n'yong tulong. Sarap n'yo ipambala sa canyon ni heneral Luna." Asar na sabat ni Nixon.

Kusa kaming nagkatinginang anim at sabay na natawa. Atleast kahit may problema, basta ba magkakasama lang kami ay gumagaan ang sitwasyon.




"Hi mom." Matamlay kong bati kay mommy at humalik sa pisngi n'ya.

Nginitian naman ako ni mom at inayos ang medyo nagulo kong buhok.
"You look problematic, hindi n'yo pa rin ba nahanap si Thorn?"

Umiling ako at humilig sa sink.

"Baka naman nagpapalamig lang. Hayaan n'yo na lang muna s'ya." Malumanay na sabi ni mommy at muling tinuon ang atensyon sa niluluto. "Patapos na ito. Magbihis ka na para makakain."

"Wag na mom. Kumain na ako kanina kasama sina Lilith.  Magpapahinga na ako." Ani ko at tipid na ngumiti.

"Gano'n ba? Oh sige, umakyat ka na. Hihintayin ko pa ang daddy mo." Nakangiting sabi ni mom. Humalik ako ulit sa pisngi n'ya bago umakyat sa kwarto ko.

Muli kong tiningnan ang cellphone ko. Nagbabakasaling nagtext manlang si Thorn, pero malalim akong napabuntong hininga ng makitang mensahe lang ng 2363 ang nakita ko. Asar!

Tatawagan ko sana ang numero ni Thorn pero agad din na natigilan ng maalala na iniwan n'ya nga pala ang cellphone n'ya.

Wala sa sariling ginulo ko ang buhok ko sa sobrang frustration. Naiiyak na ako sa pag-aalala sa kanya. Sana manlang nagmessage s'ya kung gusto n'ya pa lang magpa-abduct sa Alien.



Minadali ko ang pagshower at pagbibihis para makapagpahinga na ako kaagad. Hindi na ako nakakatulong sa mga co-officers ko sa kakahanap kay Thorn, buti na lang at naiintindihan nila ako kahit papa'no.


Padapa akong humiga sa kama pagkatapos kong magblower. Hindi na ako nag-abalang magkumot pa dahil hindi naman malamig.




Naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagtulog dahil sa nag-iiskandalo kong ringtone. Halos hindi ko pa maimulat ang mga mata ko, nang kinapa ko ang cellphone ko mula sa bedside table.


Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now