Kabanata 5

326 199 39
                                    

Kabanata 5.
Sumabay





Naging abala ako sa nakalipas na araw sa paggawa ng mga school works at narrative report ko. Nadagdagan pa nang sabihan ako ni mom na magkakaroon ng exhibit si tita Alondra at nagdedemand ng panibagong painting. Halos hati-hatiin ko na ang oras ko sa paggawa ng school works at pagpi-paint.

Ngayong araw lang ako nakahinga ng maluwag dahil sa wakas, natapos ko rin lahat.


"Saan ka after nito?" Tanong ni Lilith.

Kakatapos lang ng klase namin.

"Pupunta ako sa exhibit ni tita Alondra."
Tumango s'ya.

"Daan muna tayo sa practice room ng apat." Sabat ni Gracen. Napatingin ako sa suot kong relo at nakitang mahigit dalawang oras pa bago magsimula ang exhibit.

"Sige." Sang-ayon ko.

Medyo may kalayuan ang building namin sa auditorium kung saan nandoon din ang practice room ng Earthrust.

Napadaan kami sa malawak na open field ng VSU at bahagya akong natigilan nang matanaw ang lalaking naglo-longboard sa gitna. Halatang nakasuot pa ito ng school uniform ngunit pinatungan n'ya iyon ng gray hoodie jacket para panangga sa mataas na sikat ng araw.

Napaawang ang labi ko nang magpakita ito ng ibat-ibang stunts. He's good. Really good. Napansin ko rin na pinapaligiran s'ya ng mga estudyante. May mga nagtitilian pa at nagsisigawan.


"Ridge Anchenta." Narinig kong bigkas ni Gracen.

"Huh?" Takang tanong ko.

Inginuso n'ya iyong lalaki sa gitna. Ngayon ko lang namalayan na pare-pareho na pala kaming huminto sa paglalakad.

"His name is Ridge Anchenta." Ulit n'ya. Tinaasan ko s'ya ng kilay. Ano ngayon?

"So what?" Pabagsak kong tanong.

"Ops! Sorry, i thought interesado ka sa kanya at balak mo ng magmove-on kay Kane." Natatawang sabi n'ya. Ang bilis talaga nilang magconclude.

"You're crazy." Naiiling na sabi ko. Mas lalo naman s'yang natawa.

"I heard malapit na s'yang maging international skater pero hindi pumayag ang daddy n'ya." Ani Lilith.

"Narinig ko rin iyon. Ang gulo rin kasi ng buhay n'ya." Sabat ni Gracen. Okay..

Mukhang ako lang yata ang walang alam dito. Muli kong tiningan iyong sinasabi nilang Ridge at patuloy pa rin s'ya sa paglo-longboard.

"Secret girlfriend n'ya pala kasi iyong Autumn Dominguez. Kaya nagkaroon sila ng malaking problema." Napatingin ako kay Lilith.

Sounds familiar. Kung hindi ako nagkakamali, Autumn Dominguez ang pangalan ng freshman na nanalo sa pageant last year.

"Paanong naging malaking problema ang relasyon nila?" Takang tanong ko. Hindi ko ugaling makialam sa buhay ng ibang tao pero hindi ko mapigilan ngayon.

Ngumisi si Gracen at tumingin sa akin.
"Well, business partner ang parents nila. Honored student si Autumn at masyado s'yang ipinagmamalaki ng daddy n'ya. Ang hindi nila alam ay patagong nagkaroon ng boyfriend si Autumn which is Ridge Anchenta. Doon nagkaroon ng malaking problema dahil nagkasundo ang kanilang mga magulang na ipakasal ang mga anak nila. Fixed marriage indeed." Pagkukwento ni Gracen.

"Oh 'yon naman pala eh. Wala na silang problema. Hindi na nila kailangang magtago pa." Ani ko.

Umiling si Gracen at biglang sumeryoso ang mukha kaya napakunot ako ng noo.
"Nagkaroon ng malaking problema dahil hindi si Autumn ang pinagkasundo kay Ridge kundi ang ate n'ya na si Fallen."

Kahit Kunwari LangOnde histórias criam vida. Descubra agora