Kabanata 37

143 15 30
                                    

Kabanata 37.
What ifs'





Para akong nabingi sa lakas ng impact. Napahawak ako sa pisngi ko. Ramdam ko ang pamamanhid nito. Gulat na napatingin ako kay Ivana.

"You should have stay away from him! Sabi ko na nga ba eh. Wala talagang magandang mangyayari ang paglapit niya ulit sa'yo. Ang kapal ng mukha mo!" Hindi ako nakapagsalita habang nakatitig sa nagpupuyos sa galit na si Ivana.

"I warned him but he didn't listen. You aren't good for him. You're like a poison that will destroy him. Look what you've done!" Natulala ako kay Ivana. Hirap akong magsalita. Mabuti nga lang at dito niya ako dinala sa walang mga estudyante.

"S-sorry.." Napayuko ako. Nag-iinit ang gilid ng mga mata ko. Tama naman kasi lahat ng mga sinabi niya.

"Sorry? You think your simple sorry can lessen the pain you've cause on him? You should have think twice! You're too impulsive. You're selfish. Sariling emosyon mo lang ang importante sa'yo! Alam mo ba, kung ano ang pinalabas ni Kane? Sinabi niya na siya ang nakipaghiwalay sa'yo, na wala kang kasalanan. When infact, you cheated on him. Ayaw niyang mapahiya ka kapag nalaman ng mga tao na namangka ka sa dalawang ilog. You're too great, Gemini! Saludo ako sa galing mong maglaro." Parang patalim ang bawat salita ni Ivana. Dama ko ang bigat at sakit. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may pagtingin siya kay Kane. Nasasaktan siya para dito.

"Nagparaya ako dahil ikaw ang mahal niya kahit mahal na mahal ko rin siya. Masaya na kami noon eh. Simula pa lang, alam niya nang naguguluhan ka lang. Na darating ang araw at magigising ka na si Thorn talaga ang totoong mahal mo. Pero anong ginawa mo? Pinagpilitan mo ang sarili mo. Sinira mo ang mayro'n kami dahil sa pagiging makasarili mo. Hindi mo naman pala kayang panindigan. Hindi mo naman pala kayang ipaglaban. Kane doesn't deserve to be cheated on. He doesn't deserve this pain. He's too good for you." Mariin at matalim na sabi ni Ivana. Kasabay nang pagpatak ng luha sa mga mata niya ay tumulo rin ang mga luha ko.

Napahikbi ako. "S-sorry.. Sorry talaga. Kung p'wede ko lang ibalik. A-alam ko kasalanan ko lahat. Inaako ko lahat. Kung p'wede lang na ako nalang masaktan para kay Kane. I'm.. I'm really sorry." Sunod-sunod ang paghikbi ko habang nakayuko. Ang sama ko. Dahil sa padalos-dalos ko na desisyon. Ang dami kong nasaktan. Nasira ang masaya naming pagkakaibigan.




"What the hell, Ai? What did you do to Gem?" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Thorn. Salubong ang kilay niya at mabilis ang hakbang patungo sa amin.

Mabilis kong pinunasan ang mukha ko at yumuko. Naamoy ko ang pabango ni Thorn. Ayaw ko man na makita niya ako sa ganitong kalagayan pero wala na akong nagawa nang iangat niya ang baba ko.

Mariin na nagdikit ang mga labi niya nang makita ang mukha ko. Pinunasan niya ang natitirang luha sa mga mata ko. Kinabig ako ni Thorn payakap sa kanya.

"Anong mga sinabi mo kay Gem?" Seryosong tanong ni Thorn. Hindi ko makita ang mukha niya, ganoon din ang kay Ivana dahil nakasubsob ako sa dibdib niya.

"Sinabi ko lang ang mga dapat niyang malaman, Thorn. Hindi siya magigising kung walang magsasabi sa kanya. Kung gaano siya nakapanakit. Kung gaano siya ka-selfish. Kung paaㅡ"

"Stop it, Ai. 'Wag mong pinagsasalitaan ng ganyan si Gemini. Hindi siya ang may kasalanan. Ako ang puno't-dulo ng lahat. Sa akin ka dapat magalit. Ako dapat ang sisihin mo. Tigilan mo na si Gemini habang nasa isip ko pa ang pagkakaibigan natin." He said with firmness.

Ai? May nickname pala si Ivana sa kanya. Kahit simpleng bagay lang iyon ay parang may pait na umahon sa sistema ko.

Binalot kami ng katahimikan. Walang nagsalita. Tanging paghinga at pintig lang ng puso ni Thorn ang naririnig ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now