Kabanata 27

244 98 26
                                    

Kabanata 27.
Heartless




Natigilan ako sa paglalakad at nanliit ang mga mata ng makita ko ang kotse ni Thorn na pumarada sa tapat ng university. Kakahatid lang din sa akin ni kuya Marco, nauna lang ako ng kaunti sa kanya.

Papasok na sana ako sa gate ng mahagip ng paningin ko ang babaeng bumaba mula sa kotse ni Thorn. Nagsalubong ang kilay ko at kumurap pa ng ilang beses, baka sakaling dinadaya lang ako ng paningin ko.

Nang bumaba din si Thorn mula sa driver seat ay napagtanto kong totoo lahat ang nakikita ko. Napatitig ako sa mukha ni Thorn habang nag-uusap silang dalawa ni Ivana.

Lies.

May kung anong pait ang umusbong sa sistema ko. Sinabi n'yang hindi s'ya nagdadala ng kahit sino sa unit n'ya. Pero magkasama silang dalawa ni Ivana. Ang aga pa at nakasakay mismo si Ivana sa kotse n'ya. Bakit ka nagsisinungaling,Thorn?

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang makitang nagbiruan pa silang dalawa ni Ivana. Nang magsimula na silang maglakad patungo sa direksyon ko ay gusto ko ng umalis agad, pero parang nabato ako sa kinatatayuan ko.

I was just standing there, staring at them. Kahit anong pilit ko sa sarili ay ayaw sumunod ng katawan ko. What the heck is your problem, Gem?

Napalunok ako nang magtagpo ang mga mata namin ni Thorn. Napansin kong medyo nagulat din s'ya ng makita ako. Samantalang agad namang napangiti sa akin si Ivana. Mas nauna s'yang nakalapit sa akin at nakasunod naman sa kanya si Thorn.

"Hi, Gem. Good morning." Masiglang bati n'ya at malawak na ngumiti. Sinubukan kong ngumiti pabalik sa kanya pero ang hirap pala kaya tinanguan ko nalang s'ya. "You're waiting for us? or mas tamang sabihin na hinihintay mo ang bestfriend mo?"

Wala akong karapatan na magalit sa kanya. Halata namang genuine ang pinapakita n'yang emosyon. Ako ang may problema. Hindi ko magawang ngumiti.

Lumipat ang paningin ko sa lalaking nakatayo sa likuran ni Ivana. Mataman s'yang nakatitig sa akin at walang emosyon ang mukha.

Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko kay Thorn. Gusto kong ipakita sa kanya na alam ko na ang pagsisinungaling n'ya. Dati-rati ay nagkakaintindihan na kami agad sa simpleng tinginan lang, pero ngayon parang wala na s'yang pakialam.

Iniwas ko ang paningin ko at lumunok. Baka sakaling mawala ang bikig sa lalamunan ko.

Right. Wala nga pala akong karapatan na magreklamo sa mga ipinapakita ni Thorn. Ako ang may kasalanan kung bakit kami nagkaganito. Ako ang naglagay ng harang sa pagitan naming dalawa. Pero hindi ako ang unang sumira sa pagkakaibigan namin.

"Hey, magsalita naman kayo d'yan. Nag-away ba kayo?" Nagpalipat-lipat ang paningin ni Ivana sa aming dalawa ni Thorn.

Nanatili lang na nakatikom ang mga labi ko. Walang pumapasok sa isip ko. Ang gusto ko lang ay lumayo sa kanila dahil naninikip ang dibdib ko. Hanggang ngayon ay hirap na hirap parin akong tanggapin na hindi na tulad ng dati ang pagkakaibigan namin ni Thorn.

"Let's just go, Ivana." Malamig na sabi ni Thorn. At nauna ng pumasok sa gate ng academy. Ramdam ko ang pagdaan ng presensya n'ya sa tabi ko.

Napansin kong medyo nag-alangan pa si Ivana sa gagawin pero sumunod rin kalaunan kay Thorn. "Una na kami, Gem." Paalam n'ya at patakbong hinabol si Thorn. Nakasunod lang ang paningin ko sa kanila. Lumingon pa ng ilang beses sa akin si Ivana pero inakbayan s'ya ni Thorn para pumirme.

Humugot ako ng malalim na hininga at pilit na kinalma ang pait na nagsisimula ng lamunin ang buong sistema ko. Ginalaw-galaw ko muna ang mga paa ko bago nagpatuloy sa pagpasok sa gate.

Kahit Kunwari LangDove le storie prendono vita. Scoprilo ora