Kabanata 34

88 26 22
                                    

Kabanata 34.
Idealism


Nang niluwagan ni Thorn ang pagkakabukas sa pinto ay nag-alangan pa ako, kung papasok ba ako o hindi.

"Make yourself comfortable. I can't accommodate you well. You see, I'm sick." Paos na sabi n'ya at pabagsak na umupo sa kulay maroon na couch.

Nakita ko pang napahilot s'ya sa sentido. Masakit nga talaga siguro ang ulo n'ya.

Nilibot ko ang paningin sa kabuoan ng unit n'ya. Malinis para sa isang lalaki. Kakaunti lang ang mga gamit. Sobrang plain ng kulay. Black, white and gray ang makikitang kulay sa paligid. Simple yet elegant. Kakaiba ang interior design.

Muli akong tumingin kay Thorn. Nakapikit na s'ya habang nakasandal sa couch.


I cleared my throat trying to get his attention. I know, he isn't sleeping.

"Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong ko at binaba ang bag sa center table. Bahagya siyang dumilat pero pumikit din ulit. "I did."

Nilapitan ko siya at hinipo ang noo. I grimaced when i felt his burning skin. Ang taas ng lagnat niya at mukhang kasalanan ko talaga 'to. "Kumain kana ba?"

He remained his eyes close and sighed. "I'm not hungry." Napailing ako. Pasaway talaga. Uminom ba naman ng gamot na walang laman ang tiyan. "I told you to eat first before taking a medicine right? Bakit ba hindi nakikinig sa akin." Naiinis ako na nag-aalala. Mula pa noon paulit-ulit kong sinasabi sa kanya 'yun.

Kinuha ko ang braso niya at sinampay sa balikat ko. "Tumayo ka diyan, Thorn. Sa kwarto kana at magpahinga. Magluluto lang ako." Dumilat naman siya at tumayo. Niyakap ko ang baywang niya para suportahan. Halata kasing nanghihina siya.

Ramdam ko ang init ng katawan niya. Konti nalang p'wede na akong makapagluto ng pagkain sa kanya. Hindi na kailangan ng apoy.

Inalalayan ko siyang makahiga ng maayos at kinumutan. "You're really hot." Ani ko. I saw how the side of his lips tugged upward. "I know, Gem, matagal na."

Sinimangutan ko siya. "Literal na hot. 'Wag kang feeling." He chuckled. "Magpahinga ka lang dito. Mabilis lang ang lulutuin ko." Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako. Wala akong mabasa na emosyon sa mga mata niya pero napalunok ako. Kakaiba talaga ang epekto ng titig sa akin ni Thorn.

Tumalikod ako at hindi na hinintay pa ang sagot niya. Dumiretso ako sa kusina at naghalungkat ng mga kakailanganin ko. Lugaw lang naman at chicken soup ang lulutuin ko kaya paniguradong mabilis lang.


Habang hinihintay kong maluto ang lugaw ay kumuha ako ng basin at nilagyan iyon ng malamig na tubig. Bumalik ako sa kwarto ni Thorn. Naabutan ko siyang nakapikit at malalalim ang paghinga. Hindi ako sigurado kung tulog ba siya o gising. Pinatong ko ang palanggana sa bedside table at tinungo ang closet niya. Kumuha ako ng isang towel saka bumalik sa kanya.

Sinimulan ko siyang punasan sa mukha. Mabilis siyang napadilat at iniwas ang mukha sa akin. "It's cold, Gem. Ayoko niyan."

Pinaniliitan ko siya ng mata. "Kailangan mo ito, iho, para bumaba ang lagnat mo. Ang init mo." Pinunasan ko siya ulit ngunit iniwas niya na naman ang mukha niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Parang bata. "Isa, Thorn, sabing kailangan mo 'to."

Nang makitang seryoso nga ako ay napabuntong-hininga na lang siya at hinayaan ako. Napangiti ako. Susunod din pala eh. Kailangan pang pilitin.

Matapos ko siyang punasan sa mukha at leeg ay sinunod ko ang mga kamay niya. Dapat din sanang punasan ang katawan niya pero hindi ko na ginawa. "Wag kang matutulog ha? Kakain kapa. Babalik ako agad." Paalala ko sa kanya. Hindi siya sumagot.

Kahit Kunwari LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon