Kabanata 14

305 142 39
                                    

Kabanata 14.
Normal




"Ano sa tingin n'yo?"
Nakangiting tanong ni Lilith pagkalabas ng dressing room.


Kasalukuyan kaming na sa isang botique para mamili ng cocktail dress na susuotin mamayang gabi.


"Well, i like it. Saktong-sakto ang sukat sa curves ng katawan mo." Nakangiting komento ko at tumingin kay Gracen na nakahawak sa sariling baba habang pinagmamasdan si Lilith.

"It's good, silver color suits you well. Sa lahat ng sinukat mo, 'yan ang pinakanagustuhan ko." Saad ni Gracen at sinabayan pa ng pagtango.

Napatango rin ako bilang pagsang-ayon. Bumagay sa medyo tanned na balat ni Lilith ang kanyang beaded halter dress.

Sa aming tatlo, Gracen has the most  fairer skin. Samantalang si Lilith ay medyo may magpaka-tan ang balat, na madalas kong hilingin na sana ay ganoon din ako. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang kulay ko, sobrang puti na para bang namumutla na.


Sunod na nagsukat ng cocktail dress ay si Gracen, which is napakadali namang bagayan dahil sa kanyang balat.

"I prefer that one. Simple yet elegant." Nakangiting sabi ni Lilith. "Di ba, Gem?" Baling n'ya sa akin na mabilis ko rin na tinanguan.

"Really? How about the purple?" Tanong ni Gracen habang tinitingnan 'yong dress na kakahubad n'ya lang.

"Maganda rin naman sya, pero mas gusto ko 'yang suot mo ngayon. That looks classy compared to the other one." Ani ko.

She's wearing a white cocktail dress with black floral appliqued on top and one shoulder strap. It's really simple but elegant.


"See? I told ya! Maniwala ka na lang kasi sa amin." Saad ni Lilith at nagflip hair. Natawa naman ako.

"Okay, I'm done then. Ikaw na ang sunod, Gem." Sabi ni Gracen at pumasok ulit sa loob ng dressing room.

Tinulungan nila akong pumili ng dress pero sadyang mahirap talaga bagayan ang maputla kong balat. Una kong sinukat ay kulay blue.

"Mas lalong tumingkad ang balat mo, hindi 'yan." Komento ni Grace.

Sunod kong sinukat ay kulay white na mayroong golden lace sa bewang.

"You look a bit scary. Baka mapagkamalan ka ng kaluluwa n'yan, Gem." Nakangiwing sabi ni Lilith at nagpeace sign.

Napabuga na lang ako ng hangin at pumasok ulit sa loob ng dressing room. Ito ang ayaw ko sa tuwing may mga event na kailangang magsuot ng dress dahil napakahirap hanapan ng kulay na babagay sa balat ko.

Walang gana kong inabot ang kulay mint green na cocktail dress. Peacock inspired ito at si Gracen mismo ang pumili.

Pinakatitigan ko ang sariling repleksyon sa salamin, pagkatapos kong maisuot ang dress. Kahit papano'y bumagay sa maputla kong balat ang kulay mint green.

"Whoa! Sabi na nga ba, babagay sa'yo ang kulay mint green." Malawak ang ngiti na sabi ni Grace pagkalabas ko. Lumapit pa s'ya sa akin at sinuri ako ng malapitan.


"Kahit naman mahirap bagayan ang balat mo, Gem, bawing-bawi ka naman sa katawan." Nakangiting ani Lilith at lumapit din sa akin.

"Hindi ah! Mas sexy ka kaya. Look at your curves." Sabat ko. Totoong mas makurba ang katawan ni Lilith kumpara sa aming dalawa ni Grace. Pero ewan ko kung bakit mas madalas nilang purihin ang katawan ko.

Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now