Kabanata 12

266 153 18
                                    

Kabanata 12.
Fiancee






Dalawang araw. Pangawalang araw na ngayon na hindi ko nakikita si Thorn. Ang sabi sa akin ni Gracen ay umuwi na raw s'ya sa kanila. Gusto ko s'yang kamustahin at bisitahin pero nahihiya ako.



Tanging sina Gracen at Spike lamang ang pumapansin sa akin. Pero nahihiya rin akong sumama sa kanila gayong masama ang loob ng tatlo sa akin. Guilty din ako masyado sa ginawa ko kay Thorn.





"Tama na ba?"
Nalipat ang atensyon ko kay Gage na nagkakabit ng letter cut out na MASQUERADE BALL 2018 sa pader ng stage.

Umiling ako sa kanya.
"Hindi pantay. Taas mo pa ng konti." Sabi ko.

Nang makita kong pantay na lahat ay agad ko s'yang sinabihan na idikit na.


Sunod naming ginawa ay nagkabit ng mga kurtina. Gusto ko kasing unahin ito bago ako magpinta ng larawan para malaman kung hanggang saan lang ang naaabot ng mga kurtina.


Napatingin ako sa gawi nila Kane at nakita kong naghahakot na sila ng mga upuan at mesa. Kasama nito ang iba naming mga co-officers na sina Peter, Royce at Falcon.

Nitong mga nakalipas na araw ay laging si Kane na ang nakakasama ko. Kahit papa'no ay unti-unti na ulit akong nasasanay sa kanya.


Lumingon sa gawi ko si Kane at ngumiti kaya gumanti rin ako ng ngiti sa kanya.

"Yung mga ngitiang ganyan, naku!" Nakangising sabi ni Ellis. Agad na nag-init ang mga pisngi ko.

"Wag ka ngang panira, Ellis, ganyan kapag in love. Ano ka ba?" Sabat ni Harlyn na ngayon ay nakangisi rin.


Ayoko talaga kapag tinutukso nila ako.


"Bili lang ako ng inumin." Ani ko at mabilis na naglakad palabas ng auditorium.



"Ayan umalis tuloy si Gemini, Kayo kasi eh.." Natatawang sabi ni Jessamy.



Ewan ko ba pero nahihiya talaga ako at naiilang tuwing tinutukso nila kami ni Kane. Hindi lang siguro ako sanay.


Tinatahak ko na ang corridor papuntang canteen, nang matanaw ko ang lalaking laman ng isip nitong mga nakaraang araw.


Tumambol ang dibdib ko habang pinagmamasdan s'yang nakapamulsang naglalakad at may suot na headphone.




Pumasok na s'ya. Ibig sabihin, magaling na s'ya.


Nahigit ko ang sariling hininga nang magtagpo ang mga mata namin. Blanko ang emosyon sa kanyang mukha.



Habang papalapit kami ng papalapit sa isat-isa ay mas lalong lumalakas ang paghataw sa loob ng dibdib ko.

Bumuka ang labi ko para batiin s'ya pero nilagpasan n'ya lang ako na para bang hindi n'ya ako nakikita.




Masakit.


Kasalanan ko naman. Desisyon ko ito kaya kailangan kung panindigan. Lumunok ako para maalis ang kung anong bumabara sa lalamunan ko. Gusto kong umiyak, pero para saan pa? ito ang ginusto ko.



"Nandito ka lang pala, akala ko kung saan ka na pumunta. Bigla ka na lang nawala sa loob ng auditorium."
Bahagya akong nagulat ng marinig ko ang boses ni Kane.


Ngumiti ako sa kanya ng makita ko s'yang naglalakad palapit sa akin. Sinulyapan ko ang corridor na tinahak ni Thorn pero hindi ko na s'ya nakita.

Kahit Kunwari LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon