Kabanata 29

231 97 32
                                    

Kabanata 29.
Kahit Kunwari Lang



Nagising ako kinaumagahan dahil sa musikang hindi ko alam kung saan nanggagaling. Sinundan pa ng malakas na tunog ng kampana.

Gumulong ako sa kama at tinakpan ng unan ang tainga ko, pero naririnig ko parin ang malakas ng musika. Damn, i'm still sleepy.

Bumalikwas ako ng bangon at papikit-pikit pa ang mga matang tumingin sa kabilang kama. Napansin kong wala na si Gracen sa kama n'ya, samantalang si Lilith naman ay halatang naistorbo rin ang tulog dahil sa musika.

"Ang ingay naman, ano ba 'yan?" Reklamo ni Lilith at sumandal sa headboard ng kama.

Napatingin kami sa gawi ng banyo ng bumukas iyon at lumabas si Gracen na kakatapos lang maligo.

"Ang aga mo namang gumising." Puna ko.

"Magsisimba kasi ako, mukhang pagod kayo eh. Kaya naisip kong hayaan nalang kayong matulog." Ani Gracen at lumapit sa tukador.

"Bakit ang ingay? Saan ba nanggagaling 'yan?" Tanong ni Lilith.

"Sakop kasi itong resort namin sa fiesta na gaganapin ngayon. Pwedeng-pwede ngang lakarin mula rito patungong bayan." Sagot ni Gracen habang bino-blower ang buhok.

"Oh, talaga? May fiesta pala dito ngayon?" Bigla akong naexcite. Matagal-tagal na rin simula nang hindi ako nakadalo sa mga ganyang selebrasyon.

"Oo, tradisyon na iyan dito sa isla. Ngayon ipagdiriwang ang araw ni St. Francis de Assisi."

"Gusto kong sumama. Anong oras ba ang misa?" Tanong ko at bumaba sa kama.

"Alas nuwebe, may higit isang oras pa tayo para mag-ayos." Ani Grace.

"Sasama na rin ako. Alangan namang maiwan ako dito." Sabat ni Lilith at bumaba na rin sa kama.

"Ikaw nalang ang bahala Grace sa mga lalaki sa kabilang kwarto. Tanungin mo sila kung gusto nilang sumama." Sabi ko habang kumukuha ng towel sa closet at dumiretso sa banyo.

"Sure, puntahan ko lang sila."

Dalawa ang banyo rito sa loob ng kwarto kaya hindi na abala ang paghihintay. Halos magkasabayan lang kaming natapos sa pagligo ni Lilith.

Pinili kong magsuot ng tight jeans at long sleeve na tinupi ko hanggang siko. Mas madali kasing kumilos kapag ganito kaysa dress. Isa pa, sobrang init ng panahon at talagang mahirap bagayan ang maputla kong balat.

Pagkababa namin ni Lilith ay himalang nandoon na silang lahat at nakabihis na rin. Mukhang kami na nga lang ang hinihintay.

Natawa ako ng makitang muntik ng malaglag si Spike sa upuan dahil nakatulog. Actually, halata naman sa kanilang lima na inaantok talaga sila at paniguradong may hang-over din.

Tumayo si Kane at pinaghila ako ng upuan. "Good morning." Nakangiting bati n'ya sa akin. Nginitian ko s'ya pabalik at umupo. "Good morning rin, how's your head?"

"Medyo namimigat lang at medyo inaantok. Pero uminom na kami ng gamot para sa hang-over." Aniya at pinaglagay ng pagkain ang plato ko. Tumango ako sa kanya at nagpasalamat.

Tahimik lang kami sa hapag kainan habang kumakain. Paminsan-minsan ay nagtatanong kami kay Gracen tungkol sa fiesta.

Gaya ng sabi ni Grace ay nilakad lang namin mula sa kanilang resort papuntang bayan. Nag-iingay na ang kampana ng dumating kami. Namangha ako sa nakita, hindi ito tulad ng mga fiesta na napuntahan ko sa city. Maliit lang ang bayan nila pero mukhang masayang-masaya ang mga tao at nagkakasundo.

Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now