Kabanata 16

249 131 33
                                    

Kabanata 16.
I hope





"I heard from Gracen may gagawin daw kayong thesis, nagawa mo na ba?" Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain nang marinig ang tanong ni Kane.

Tiningnan ko s'ya at umiling.
"Hindi pa eh. Baka today ko pa sisimulan." Sagot ko at tinuloy ang pagkain.


"Samahan na kita. Plano ko rin kasing simulan na ang paggawa sa FS namin." Tumango ako at hindi na sumagot pa.



Medyo napaaga ang paggawa nila ng feasibility study ngayon. Akala ko kasi next semester pa nila iyon sisimulan.


Lumingon ako sa kabilang table at naabutan ko na parehong nakatingin sa amin sina Lilith at Gracen. Inirapan ko sila bago uminom ng tubig. Pero binigyan lang nila ako ng makahulugang tingin at mapang-asar na ngisi. Kainis.


Bakit ba ayaw na nilang sumama sa amin ni Kane? As if naman na mag-on na talaga kami ni Kane para humiwalay sila.

We were just dating. Sinusubukan lang, kung talaga nga bang madedevelop ang friendship na nararamdaman ni Kane sa akin.

Ang Earthrust naman ay busy sa pagre-rehearsal. Nalaman kong magpeperform sila sa debut ng anak ni mayor Cuevas. Kaya laging kami na ni Kane ang magkakasama.




"Ilang chapters ang FS n'yo?"

Papalabas na kami ng canteen. Hindi ko na inaya ang dalawa dahil alam kong hindi naman sila sasama.

"Chapter 8. Pero isang libro talaga ang gagawin namin." Sagot ni Kane.



"Ilan ba kayo sa grupo?" Tanong ko.


"Lima."tipid na sagot n'ya.
Saglit akong natigilan at napatingin kay Kane.


"Kasama mo ang Earthrust?"
Paniniyak ko. Silang lima ang magkakaibigan eh. Isa pa, madalas sa groupings ay by friends naman.


He nodded.
"Yeah, i know they're busy kaya sinisimulan ko ng mag-isa." Napangiti ako sa sagot ni Kane.


Napaka-responsable n'ya talaga. Kahit noong high school pa man kami ay madalas si Kane lang ang gumagawa ng mga projects ang reports nila.

Patawid na kami ni Kane sa corridor patungong library nang mapansin kong may nagkakagulo sa kabilang bahagi. May iilang estudyante rin doon na nanonood.


Kumabog ang dibdib ko ng mamukhaan ang tatlong lalaki na umaawat sa dalawang nagsusuntukan. Agad kong nakilala ang itim na bag ng gitara na nasa lapag.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko lalo na ng makita kong dehado na ang isang lalaki at bumagsak iyon sa sahig.



"What the fvck?! Ano nanaman 'tong nangyayari sa kanila?" Mariin na sabi ni Kane at nagmamadaling lumapit sa nagkakagulo.


Napatakbo na rin ako papunta roon. Nakita kong inaawat na nila Nixon at Spike si Thorn, samantalang si Gio naman ang pumipigil sa lalaking kasuntukan nito.


"T*ng-ina! Bakit ba hindi mo na lang tanggapin, Alcante?! Where's your balls man? Kung ako ang nasa katayuan mo, siguradong akin na s'ya!" Mariin na sabi ng lalaki habang nakaukit ang mapang-asar na ngisi sa labi. Mas marami itong sugat at pasa kumpara kay Thorn.

"Shut the fvck up! Bitawan n'yo nga ako! Babasagin ko ang mukha ng gagong 'yan." Nagpumiglas si Thorn mula sa pagkakahawak nila Spike at Nixon kaya mas binilisan ko ang takbo.

Bago n'ya pa man masugod ulit ang lalaki ay hinarangan ko na s'ya at niyakap para pigilan.


Ano bang problema nila?!

Kahit Kunwari LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon