Kabanata 30

217 89 23
                                    

MythicalWinter want to says: Happy 3K reads. 🎉👏 Maraming salamat po sa suporta n'yo and also this one.

Hope y'all continue reading my stories

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hope y'all continue reading my stories. It means a lot to me. Thank you very much, Mythics. God bless.

Kabanata 30.
More


Gaya nga ng sabi ni Gracen ay maaga kaming gumising kinabukasan at nag-impake ng mga gamit pabalik ng syudad.

Ala-singko palang ng madaling araw ay binulabog na kaming lahat ni Gracen sa pagtulog. Halos papungas-pungas pa akong kumilos. Hindi ko alam kung ilang oras lang ang tulog ko.

Pinakiramdaman kong mabuti ang pagdaloy ng malamig na tubig sa katawan ko. Muling bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi.

Damn. Naitukod ko ang dalawang palad sa pader ng banyo. Gusto kong batukan ng paulit-ulit ang sarili ko.

Ano bang nangyayari sayo, Gemini? Bakit mo hinayaan na mangyari 'yun? Bakit hindi ka tumanggi kay Thorn? Paano na ngayon?

Napasabunot ako sa buhok ko at mariin na pumikit. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at nakipaghalikan ako kay Thorn kagabi? Gusto kong bugbugin ang sarili ko. For pete's sake, may boyfriend ka, Gemini! Nababaliw kana ba?! Ugh.

Ano nang gagawin ko ngayon? Aakto nalang ba ako na parang walang nangyari at iiwas? Kung bakit kasi ang hina ko pagdating kay Thorn? Naiiyak na ako.

"Gem! Ano ba? Ang tagal mo naman!"

Napapitlag ako ng marinig ko ang sigaw ni Lilith mula sa labas ng pinto. Masyado yata akong nagtagal dito sa loob ng banyo.

Kahit gulong-gulo ako ay pinilit kong kumilos at tinapos ang paglilinis ng katawan. Mabilis lang din ang pagbihis at pag-aayos ko.

Sabay kaming tatlo na lumabas ng rest house. Nauna na yata ang mga lalaki naming kasama sa sasakyan. Pagkatapos naming magpaalam sa mga tauhan nila Gracen ay tumungo na kami sa van.

Sinalubong ako ni Kane at kinuha sa akin ang bagahe ko. S'ya na mismo ang nagpasok nito sa loob ng van. Ganoon rin ang ginawa nila Gio at Nixon sa mga bagahe nila Lilith at Gracen.

Nang pumasok ako sa loob ay agad na nagtagpo ang mga mata namin ni Thorn. Magkatabi silang dalawa ni Spike sa 3rd row ng van. Napalunok ako habang nakatitig sa namumungay n'yang mga mata, halatang inaantok pa s'ya.

"Dito tayo." Naputol ang pakikipagtitigan ko kay Thorn nang marinig ko ang boses ni Kane. Hinawakan n'ya ako sa kamay at iginiya paupo sa likuran ng driver seat.

Si Gio ang nagmamaneho ng Van. Katabi n'ya sa front seat si Nixon. Si Gracen naman ang katabi namin ni Kane, kaya si Lilith ang pumuwesto sa 3rd row.

Makapal pa ang hamog sa paligid kaya hindi gaanong kabilisan ang pagpapatakbo ni Gio. Napagkasunduan din naming lahat na dumaan sa drive thru at sa daan nalang kumain.

Kahit Kunwari LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon