Kabanata 33

193 68 19
                                    

Kabanata 33.
Worth


Before the clock strikes at 6 AM ay tapos na akong maligo at magbihis. Ramdam ko ang pamimigat ng ulo ko at paghapdi ng mga mata ko, pero hindi ko na iyon ininda. Hindi ko maalala kung nakatulog ba ako kagabi. Pakiramdam ko kasi, tumunganga lang ako buong magdamag.

Hindi ko rin alam kung gaano ako katagal na umiyak. Hindi ako pinayagan nila mommy at daddy na umalis kagabi, kahit anong pamimilit ko. Malakas kasi ang buhos ng ulan at ihip ng hangin. Wala akong nagawa, kundi ang umiyak. Halos buong gabi ko rin na tinawagan ang numero ni Thorn ngunit cannot be reach.

Hindi ko na alam kung paano s'ya haharapin. Kung hihingi ba ako agad ng patawad sa kanya o papalipasin ko muna ang nangyari.

Namamaga ang mga mata ko, nang humarap ako sa salamin. Hinaplos ko ang tela ng formal dress na suot ko. Bakit ngayon pa nangyari sa amin 'to? Gayong ngayong araw gaganapin ang engagement party nila Thorn at Ivana.

Hindi ko alam kung pupunta ba s'ya o hindi, dahil sinabi n'ya sa aking hindi s'ya pupunta. Pero kahit ganoon ay dapat pa rin kaming pumunta kahit walang kasiguraduhan.

Sa totoo lang ay nahihiya na akong pumunta pero pinilit ako nila mom at dad. Lalo na't imbitado din sila.

Naitukod ko ang noo ko sa vanity table. Kakatapos ko lang magmake up. Medyo kinapalan ko na para hindi gaanong mahalata na pagod na pagod ang mukha ko.

Ilang oras din akong tumunganga lang sa loob ng kwarto ko. Nag-iisip ng paliwanag sa oras na magkita na kami ni Thorn. Pero kahit anong pag-iisip ko ay walang pumapasok sa isip ko. Ano pa nga ba ang dapat kong ipaliwanag? Kinalimutan ko s'ya, sapat na iyon para magalit s'ya.

Paparating pa lang kami, ay tanaw na tanaw na ang eleganteng desinyo sa napakalawak na bakuran nila Thorn. Halos abala ang lahat sa mga gawain. Mabuti na nga lang at mukhang hindi naman uulan ngayong araw. Umaga pa lang ay maaraw na. Outdoor kasi ang napili nilang venue para sa engagement party.

Pagkababa ko pa lang sa kotse ay sinalubong na ako nila Gracen at Lilith. Parehong malawak ang mga ngiti nila. Sa pinanggalingang mesa nila ay naroon naman sina Gio, Nixon at Spike.

"Yah, you look different today." Nakangiting komento ni Lilith.

Ngumisi lang ako sa kanya at nilibot ang paningin sa kabuoan ng venue.

"It's just me o makapal talaga ang make up mo?" Takang tanong ni Gracen at nilapit pa ang mukha sa akin. Nailang naman ako sa titig n'ya. Baka mapansin n'yang namamaga ang mga mata ko.

Natatawang tinulak ko ang balikat n'ya. "Wag nga kayo, gusto ko lang subukan. Okay lang naman 'di ba?"

Good job, Gemini. Kahit nahihirapan ka na, ngiti pa rin.

Tumango-tango si Lilith habang nakatitig sa akin. "Ayos lang naman. Medyo nakakapanibago lang. Nasanay kasi kami sa'yo na walang make up."

"Anyway, wala pa si Kane dito. Baka papunta pa lang. Ganoon rin si Thorn. Hindi raw umuwi kagabi. Nag-aalala na nga sina tito Henry at tita Krystal dahil baka totohanin ni Thorn, ang sabi nitong, hindi s'ya pupunta."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa purse ko. Biglang nanlamig ang mga palad ko. Mukhang totohanin n'ya ngang hindi pumunta. Pero ang mas pinag-aalala ko ay kung nasaan s'ya. Ayos lang ba s'ya?

"Speaking of Kane, andyan na s'ya oh." Napatingin kami sa gawing inginuso ni Lilith. Mula sa kulay asul na kotse ay bumaba si Kane.

Ngumiti ito ng makita kami at dire-diretsong lumapit sa amin.

"Good morning." Bati n'ya sa akin at dinampian ako ng halik sa noo. Para naman akong natuod. Ni kahit ang ngumiti ay hirap na hirap ako.

"Hoy, Kane! Batiin mo rin kami. Nandito kami oh." Mataray na sabi ni Gracen ngunit halatang nang-aasar lang.

Kahit Kunwari LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon