Kabanata 24

244 98 25
                                    

Kabanata 24.
Officially





"This ambiance is kinda familiar. What do you think, guys?" Pambabasag ni Nixon sa katahimikan namin habang kumakain.

"I think so too. Parang ganito rin noong.. " ani Gio at sinulyapan kaming dalawa ni Thorn. "Alam n'yo na, the invisible wall." Dagdag n'ya at humalakhak.

"Kumain na nga lang kayo. Ang dami n'yong napapansin." Saway ni Gracen at pinasakan ng burger ang bibig ni Gio kaya natigil ito sa pagtawa.

"Wengya ka naman, Grace. Papatayin mo ba ako?!" Reklamo ni Gio. Buong burger kasi ang pinasak ni Gracen sa bibig n'ya.

"An act of true best friend iyon, Gio. Duh.." Inirapan s'ya ni Grace at tinuloy lang pagkain. Sasabat pa sana si Gio pero pinandilatan s'ya ni Grace. Natawa nalang kami sa bangayan nilang dalawa.

Kahit papa'no ay parang gumagaan ang paligid dahil nandito sila. Natapos kaming kumain na halos asaran lang at tawanan ang nangyari. Kaming dalawa lang yata ni Thorn ang tahimik.

"Anyway, narinig ko mula kina mom na pinag-uusapan na daw ang engagement party n'yo ni Ivana? Totoo ba 'yon?" Natigilan ako sa pag-inom ng tubig ng marinig ang tanong ni Nixon. Gusto kong tumingin sa gawi ni Thorn pero pinigilan ko ang sarili.

"I don't give a damn about it. Sila lang ang may gusto no'n." Malamig na sagot ni Thorn.

"Pero papayag ka?" Sabat ni Spike.

"Wala akong plano pumunta."

"Okay, quit talking about the engagament. May mas kailangan mag-usap dito." Seryosong sabi ni Gracen at tumayo.

"Yeah, right. Mauna na tayo." Sang-ayon ni Lilith.

Gulat akong napatingin sa kanilang lima ng magsitayuan na sila. Tatayo rin sana ako pero pinigilan ako ni Gracen at pinaupo ulit. Binigyan n'ya ako ng makahulugang tingin na parang nagsasabi na kailangan na talaga naming mag-usap ni Thorn.

"Hihintayin namin kayo sa parking lot."

Kinagat ko ang laman sa loob ng bibig ko habang sinusundan sila ng tingin palabas ng practice room. Damn. Parang may nagkabuhol-buhol sa sistema ko, na hindi ko maintindihan.


Now, it's only me and Thorn.

Hindi ako makatingin sa kanya. Kung saan-saan lang napupunta ang paningin ko. Bumilis ang pintig ng puso ko habang ramdam ko titig n'ya sa akin.

"It's been 5 days, Gem. Wala ka parin bang balak na kausapin ako?" Malumanay na tanong n'ya. Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko. Wala akong maisip na sabihin.

Kung bakit kasi iniwan kami dito ng mga mabait naming kaibigan?

"Wala ka ba talagang sasabihin sa 'kin?"

Napalunok ako ng marinig ko ang mahina n'yang pagtawa. "So you're going to ignore me now? It's okay. I'm used to it anyway."

Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko s'yang tumayo ng hindi inaalis ang tingin sa akin. "Ganyan ka naman eh. Sa tuwing may problema tayo, mas pinipili mong iwasan ako. Mas pinipili mong tumahimik. Gano'n ba kahirap sabihin ang laman ng isip mo? Hindi mo ba kayang sabihin sa akin ang desisyon mo?" Bakas sa boses n'ya ang pait habang nagsasalita. Parang biglang may pumiga sa puso ko. Nanakit ang lalamunan ko sa pagpipigil na 'wag umiyak.

Akala ko kaya kona. Akala ko sapat na ang lakas ng loob ko, pero mukhang hindi ko pa pala talaga kaya.

Tatayo na sana ako para umalis pero ang bilis na nakalapit sa akin ni Thorn. Namilog ang mga mata ko sa sobrang lapit namin. Itinukod ni Thorn ang dalawang kamay sa sandalan ng couch kaya nakulong ako sa pagitan ng dalawang braso n'ya.

Kahit Kunwari LangOnde histórias criam vida. Descubra agora