Kabanata 22

245 86 23
                                    

Kabanata 22.
Anong laban ko?



Hindi naman kalayuan ang pinagdalhan sa akin ni Kane, around the city lang. Sa tantiya ko ay mahigit kalahating oras lamang ang biyahe. Marami-rami rin ang nag-enroll sa art special class na pinasukan ni Kane. Mostly sa mga naririto ay mga teenagers at couples.

Nakakamanghang pagmasdan ang iba't ibang paintings na nakasabit sa loob ng silid. Sure, i may be good at paintings but there's something about these paintings that will surely caught your attention. Habang hinihintay ang instructor nila ay pinagmasdan muna namin ni Kane ang mga paintings sa malapitan.


"I can see na talagang namamangha ka sa mga ito. You can paint way better than this, Gemini." Ani Kane dahilan upang mapatingin ako sa kanya. "Hindi naman, ang gagaling ng mga gumawa nito. Kakaiba ang mga ideya nila and the way they blend colors, it's quite peculiar." Nakangiting sabi ko.

"You're really passionate, when it comes to painting." Parang namamangha na sabi ni Kane. Nagkibit-balikat lang ako at mas lalong lumawak ang ngiti. "Can't help it."


Bata pa lang ako, ito na ang hilig ko. Habang nag-aaral ako noon ng alpabeto kasabay ko namang pinag-aralan ang paguhit at pagpinta. Isa sa mga pangarap ko ang maging tanyag na artist at writer. Kapag dumating ang araw na magkaroon ako ng solo exhibit at makapag-publish ng sariling libro. Doon ko lang masasabi na tuluyan ko ng naabot ang mga pangarap ko.

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang instructor nila Kane. Tinulungan ko s'yang mag-isip ng ideya at maghalo ng mga kulay. Saglit pa kaming nakapag-usap ng instructor nila at nagulat ako ng sabihin nitong kilala n'ya ako. Minsan na daw s'yang nakadalo sa exhibit ni tita at iilan sa mga pininta kong larawan ang nakakuha ng atensyon n'ya. I felt proud and overwhelm, knowing na isa nang instructor ang humahanga sa mga gawa ko.


Nag-enjoy ako ng sobra habang tinuturuan at tinutulungan si Kane. May mga iilang tips din akong natutunan. Kaya napagkasunduan namin ni Kane na sasamahan ko ulit s'ya sa susunod na class session nila.


Nagkukulay-kahel na ang langit ng matapos kami. It's one of the quite amazing experience.


"Nag-enjoy ka naman ba?" Nakangiting tanong ni Kane habang naglalakad kami patungo sa parking lot.

Nakangiting tumango ako. "Oo naman, sobra. Thank you bringing me here."

"Anything for you. It's my pleasure." Ani Kane at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse. Nginitian ko lang s'ya at pumasok. Sobrang caring at gentle ngayon ni Kane. Buong araw na yata akong nakangiti. Kakaiba iyong feeling na ang taong matagal mo ng gusto ay nakakasama mo na ng matagal.

Tumuloy kami ni Kane sa isang kilalang restaurant malapit sa sea side. Maganda ang ambiance. Hindi gaanong matao at nakakarelax pa sa pakiramdam ang malamig na dampi ng hangin.

Abala ako pagmamasid sa magandang tanawin ng magpaalam sa akin si Kane na pupunta s'ya saglit sa comfort room. Tinanguan ko lang s'ya at muling binalik ang atensyon sa papalubog ng araw. God's creation is really breathtaking.


"Hey, we meet again. What a coincidence." Bahagya akong nagulat ng bigla nalang may nagsalita mula sa kung saan. Kumunot ang noo ko ng makita ang lalaking nakangisi sa harap ko. He's a bit familiar pero hindi ko maalala kung saan ko ba s'ya nakita.

"Do i know you?" Kunot noong tanong ko. Mas lalo s'yang napangisi. Gwapo s'ya pero halatang napaka-arogante. "Sigurado akong hindi mo ako kilala pero nagkita na tayo."

Pilit kong inaalala kung saan ko nga ba s'ya nakita. Sigurado rin akong nagkita na kami. Unti-unting nagsalubong ang kilay ko ng mapagtanto na s'ya ang lalaking nakasuntukan ni Thorn kamakailan lang.

Kahit Kunwari LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon