Kabanata 36

80 15 28
                                    

Kabanata 36.
Damn hard






Pinahid ko ang mga luha ko habang sinusundan ng tingin ang papalayong kotse ni Kane. Napaupo ako sa gutter sa sobrang panghihina ng mga binti ko. Masyadong biglaan. Ang plano kong dahan-dahanin ay hindi nangyari. Gusto ko mang pagalitan at sisihin ang sarili ko nang paulit-ulit, wala rin namang magbabago. Nangyari na.



If only i could turn back the time. Hindi ko gagawin ang pagkakamaling 'to. Hindi sana naging ganito ka kumplikado. Bakit kasi ang tanga ko?!


Napahikbi ako dahil sa sobrang frustration sa sarili ko. Ngayon ko lang napagtanto at tinanggap sa sarili ko na siguro nga hindi ko totoong minahal si Kane. Nagustuhan ko lang siya. Emotion can sometimes be misleading. Pinaniwala ko lang ang sarili ko. Nakulong ako sa ideyang si Kane lang ang nararapat na lalaki para sa akin.


Hindi ko alam kung gaano ako nagtagal sa parking lot. Huminto na ako sa kakaiyak. Ano pa bang magagawa ng mga luha ko? As if it could ease the pain i have done. Nakatunganga lang ako sa mga saya kyan. Walang pumapasok na kahit ano sa isip ko. Nagkabuhol-buhol na yata ang utak ko.



Nang maramdaman kong kalmado na talaga ako ay tumayo ako. Marami pa namang pagkakataon para makausap ko si Kane at makahingi ng tawad. Tho, i don't deserve his forgiveness.


Pinagpag ko ang uniform ko at sakto naman na dumating sina Gracen at Lilith. Bakas ang pag-aalala sa mukha nila pareho.


"Anong nangyari? Where's Kane?" Tanong ni Lilith at luminga pa sa paligid.


"He left already. Pinakinggan niya naman ako kahit papa'no, pero syempre hindi niya pa ako mapapatawad." Mahinang sabi ko at bumuntong-hininga.


"He has all the right to get mad at you, Gem. We can't blame him." Ani Grace. Napatango naman ako. "I know."

"Sumunod kami rito dahil natagalan ka. Akala namin baka ano nang nangyari." Parang doon lang nagsink-in sa utak ko ang mga nangyari kanina. Ang sinabi ko..

"Si.. Si Thorn? Hindi niyo kasama?" Natatarantang tanong ko sa dalawa. Baka masyado akong nagtagal dito.

"Iniwan namin siya sa locker room ng department natin. Bakit?" Parang naguguluhan na sagot ni Lilith.


Hindi na ako sumagot sa kanya. Tumakbo ako pabalik sa department namin. Binatukan ko ang ulo ko. Muntik ko na naman siyang makalimutan. Baka magtampo na naman iyon.

Hinahapong humawak ako sa tuhod ko. My eyes scanned the whole locker room. Kinabahan ako at nanghina nang wala akong makita na bakas ni Thorn.

Sinubukan ko siyang tawagan pero walang sumasagot. Naiiyak na ako. Ayaw ko na talagang mag-away pa kami.



Pumunta ako sa department ng BA ngunit kanina pa pala natapos ang klase ng section nila. Kahit sina Gio, Spike at Nixon ay hindi ko mahagilap.



Hinihingal na naupo ako sa bench malapit sa field. Pinahid ko ang pawis at luha ko. I-dinial ko ulit ang number ni Thorn. "Thorn naman, sagutin mo na oh. Binalikan naman kita ah."

Luminga ako sa paligid. Sinusubukan kong kalmahin ang sarili ko. Natataranta na kasi ako. Ang daming negatibong bagay na pumapasok sa isip ko.


Nahagip ng paningin ko ang auditorium, sa likurang bahagi no'n ay nandoon ang lumang botany lab. Napatayo ako. Baka sakali lang naman.




Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng lumang botany lab. Nakahinga ako ng maluwag at napangiti nang makita ang lalaking kanina ko pa hinahanap. Nakaupo siya sa mesang naroon at mukhang hinihintay talaga ang pagdating ko.

Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now