Kabanata 19

255 117 22
                                    

Kabanata 19.
Ayaw paawat



"Ang pangit ng pinapanood mo."

Napabuntong-hininga ako at hindi na tiningnan pa si Thorn. Magkatabi kaming nakaupo ngayon sa isang couch.

"Narinig ko na 'yan for the nth time, ang dami mong reklamo." Nakasimangot kong sabi.

Ano bang problema n'ya sa Inuyasha? Ang cute kaya ni Inuyasha, tsaka ang gwapo rin ni shesshomaro. Plus na kinikilig ako sa lovestory nila Inuyasha at kagome, same as Miruko and Sango.

"Ano bang nagustuhan mo d'yan?" Bagot na tanong ni Thorn.

"Ang story malamang, tsaka ang cute ni Inuyasha." Nakangiting sagot ko.

I heard him "tsked" pero hindi ko na iyon pinansin pa. Nasa TV lamang ang atensyon ko.

Maya-maya pa'y naramdaman kong sumandal ang ulo ni Thorn sa aking balikat. Bahagya akong natigilan nang hawakan n'ya ang isang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin.

Hinayaan ko lang s'ya. Hanggang sa naramdaman kong pinaglaruan n'ya na ang mga daliri ko. Saglit ko s'yang tiningnan at parang gusto kong matawa nang makita ko ang nakabusangot n'yang mukha. Halatang bored na bored na.

"Precious." He murmured.
Napatingin ulit ako sa kanya. Anong precious?

"May sinasabi ka?" Kunot-noong tanong ko. Umiling s'ya. Hindi manlang ako tiningnan, kaya ibinalik ko nalang ulit ang atensyon sa pinapanood.

Nahigit ko ang sariling hininga nang biglang isiniksik ni Thorn ang kanyang mukha sa leeg ko. Muntik ko ng mabitawan ang remote na hawak ko sa kabilang kamay.

Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga n'ya sa leeg ko at halos mapapikit ako.


"Precious." He whispered again. Kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Muntik na akong mapatili ng maramdaman kong kinagat ni Thorn ang leeg ko. WTH?!
Mabilis akong lumayo sa kanya at napahawak sa aking leeg. Hindi s'ya masakit pero.... Damn! I felt something strange.

"Ano ba?! Bampira ka ba?" Asik ko sa kanya pero ang loko-loko tumawa lang at relax na relax na sumandal sa couch. Para bang tuwang-tuwa pa s'ya sa naging reaksyon ko.

Napatingin ako sa TV at mukhang malayo na ang nangyayari sa huling napanood ko.

"Hindi na tuloy ako nakapanood ng maayos dahil sayo." Inis na sabi ko at padabog ulit na umupo sa tabi ni Thorn.

"Hindi ko naman kasalanan." Painosente n'yang sabi at nagkibit-balikat pa. Sinamaan ko nga ng tingin pero tumawa lang s'ya ulit.


Pasaway!


Halos mawalan na s'ya ng mata sa kakatawa at ang lalim na rin ng dalawang dimple n'ya sa pisngi. Sa totoo lang, ang sarap sa pakiramdam na makitang ganito kasaya si Thorn.

Pinatay ko ang TV, total hindi na rin ako makapanood ng maayos. Hinagis ko ang remote papunta sa kabilang couch at matalim ang tingin na binalingan ulit si Thorn.

Dahil hindi na ako nakapanood, might as well na gumanti nalang. Tinaasan n'ya ako ng kilay nang mapansin ang titig na ibinibigay ko sa kanya.

Unti-unti akong napangisi at mabilis s'yang kiniliti. Hindi n'ya iyon napaghandaan kaya hirap s'yang makawala. Halos nakapatong na ako sa kanya pero hindi ko 'yon pinansin ang mahalaga ay makaganti ako sa kanya.

Napuno ng tawa n'ya ang sala at halos malaglag na kaming dalawa sa couch.

"Ya! Shit! Stop it, Gem. Fvck!" I won't Thorn. Ito ang consequences ng panggugulo mo sa akin.

Kahit Kunwari LangTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang