Kabanata 21

247 92 26
                                    

Kabanata 21.
Tupak


Do you know that.. Swans only have one partners for their whole life, if their partner dies they could pass away from broken heart.

Geez. What am i talking about? Gumulong ako sa kama ko at hinarap ang natutulog na si Thorn. Kanina pa ako gising pero hanggang ngayon ang himbing parin ng tulog n'ya. Mataas na ang sikat ng araw at hindi na ako inaantok.

"Thorn, gumising kana. Ang unfair mo naman. Laging ako lang ang nagluluto, kahit samahan mo lang ako sa baba." Nakasimangot na sabi ko at tinusok ng isang daliri ang pisngi n'ya. Tulog mantika talaga.

"Katulong mo ba ako? Ilang sleeping pills ba ang kinain mo? Asawa mo ba ako para maging tagaluto mo?"

"Hindi pa sa ngayon but soon." Namilog ang mga mata ko at biglang napalayo kay Thorn. Napalunok ako nang dumilat ang namumungay n'yang mga mata.

"K-kanina ka pa gising noh?" Nang-aakusa na tanong ko. Bakit ba parang natataranta ako? Jusko, Gem! Si Thorn lang 'yan. Lately, parang nagiging weird ako masyado.

"Paanong hindi ako magigising? Ang likot mo na, ang ingay mo pa." Masungit na sagot ni Thorn. Napairap ako. "So, kasalanan ko pa? Sorry ha? Unfair kasi sa'yo na ikaw lang lagi ang nagluluto, tapos ako gigising lang kung kailan ko gusto." Sarkastikong sabi ko. Nagkatitigan kaming dalawa hanggang sa bigla nalang s'yang natawa.

"Agang-aga lumalabas ang sungay mo. Putulan natin 'yan mamaya ha? Sa ngayon, matulog ka nalang muna ulit. Inaantok pa ako." Natatawang sabi n'ya at hinila ako palapit sa kanya para yakapin. Isinubsob n'ya ang mukha ko sa dibdib n'ya pero agad rin akong tumingala at sumimangot.

"Hindi na nga ako inaantok eh." Reklamo ko. Niyuko n'ya ako saglit at hinilamos sa mukha ko ang palad n'ya. "Thorn!" I hissed. Bastos talaga! Tumawa lang s'ya at bigla nalang ako binalot sa kumot hanggang leeg. Ugh! Gagawin pa yata akong lumpia ng loko!

"Thorn, naman! Hindi ako makakilos. Tatamaan ka talaga sa akin." Naiinis na sabi ko, pero imbis na patulan ako ay nakangiting pinisil n'ya ang ilong ko at agad akong niyakap. "Ingay mo, Gem. Gusto ko pang matulog. Now sleep with me." Paos na sabi n'ya at hinigpitan ang pagkakayakap n'ya sa akin. Magrereklamo pa sana ako pero ng matitigan ko ang napakapayapang mukha ni Thorn habang nakapikit ay natahimik nalang ako.

Napanguso ako at bumuntong hininga. Ano pa nga bang magagawa ko? Inaliw ko nalang ang sarili ko sa pagtitig sa mukha ni Thorn.

Bakit kaya may tulad n'ya na ganito kaperpekto ang mukha? Kahit saang angulo tingnan, talagang wala kang maipipintas. Mula sa kilay n'yang bumagay sa hugis ng mukha n'ya. Mapupungay na mga mata at mahabang pilik-mata. Maliit at sobrang tangos na ilong. Manipis at natural na mapulang labi. I never thought such thing is possible.

Hindi ko namalayan na hinila na rin ako ng antok habang pinagmamasdan s'ya.


Nagising ako na wala na si Thorn sa tabi ko. Agad kong inabot ang alarm clock sa bedside table ko at tiningnan ang oras. Namilog ang mga mata ko ng makitang lagpas alas dose na nang tanghali. Mabilis akong bumaba sa kama at hinanap ang tsinelas ko. Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos. Wala namang ibang tao dito sa bahay maliban sa amin ni Thorn.

Tanging ang malaking white shirt lang ni Thorn ang suot ko na umabot sa gitna ng hita ko. Nagmukha s'yang dress sa akin. Hindi na nga kita ang maikling shorts na panloob ko.

Napakamot ako sa ulo ng hindi ko mahagilap ang tsinelas ko. Nakakainis! Kung kailan naman hinahanap, saka nawawala. Wala na akong choice kundi ang bumaba ng nakayapak lang. Baka naiwan ko sa kusina o sa sala.

Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now