Kabanata 4

323 199 28
                                    

Kabanata 4.
Walang dahilan




Nagising ako in the next morning dahil sa tunog ng alarm clock ko. Agad ko iyong kinapa mula sa bedside table at pinatay.


Nilingon ko si Thorn sa kabilang bahagi ng kama at nakita kong mahimbing pa s'yang natutulog. Hindi manlang nagising sa tunog ng alarm clock.



Humikab ako at bumaba sa kama. Kailangan ko pang magluto para sa agahan naming dalawa.



Naghilamos muna ako at inipit ang buhok ko bago bumaba sa kusina. Inuna ko ang pagsaing bago nagluto ng ulam. Simpleng fried chicken at bacon lang ang napili kong lutuin.


Paakyat na ako sa hagdan para gisingin si Thorn ngunit natanaw ko na s'yang pababa at magulo pa ang buhok.


Hinintay ko na lang s'yang makababa.

"Good morning." Paos n'yang bati.


Napangiti ako. "Morning din. Kain na tayo." Aya ko.


Papasok na kami sa kusina ng marinig kong tumunog ang doorbell. Nagkatinginan kaming dalawa ni Thorn at magkasamang tumungo sa pintuan. Ang aga pa ah!

"Rise and shine people." Nakangiting mukha ni Syden ang bumungad sa amin pagkabukas ng pinto.

Thorn's younger sister. Actually tatlo silang magkakapatid. Si Thorn ang panganay, pangalawa si Syden at si Brea ang bunso.

"Why are you so early, Syden?" Kunot-noong tanong ni Thorn at pinasadahan ng tingin ang kapatid. "Papunta ka na ng school?"

"Yes, kuya. Dumaan lang ako para sabihin ang pinapasabi ni kuya Nixon. Tumawag daw s'ya sa'yo pero hindi ka sumasagot kaya sa akin na lang sinabi." Sagot ni Syden.


"What is it?" Tamad na tanong ni Thorn.


"May rehearsal daw kayo ngayong umaga kaya sa practice room ka tumuloy." Ani Syden at sinulyapan ang suot na relo.

"Okay. But why are you so early?" Ulit ni Thorn sa tanong n'ya kanina lang.


Ngumisi si Syden bago sumagot. "May duty pa ako sa broadcasting team. I need to be early. So, i gotta go. I'll see you in school." Tugon ni Syden at kumaway pa bago nagmamadaling umalis.


"Uuwi kapa o dito ka na lang maliligo?" Tanong ko kay Thorn habang kumakain kami.

"Dito nalang." Sagot n'ya at tumingin sa'kin. "I have spare uniform in your closet right?" Dugtong n'ya.


Tumango ako. Lahat ng mga basic stuffs n'ya ay mayro'n dito sa bahay.




Hindi kami magkasamang pumunta ng University ni Thorn. Si kuya Marco ang naghatid sa akin. Ayaw ko na kasing makaabala pa sa kanya knowing na mayro'n silang rehearsal today.


"Gemini, here!"
Ngumisi ako ng makita sina Lilith at Gracen na kumakaway.


Umupo ako sa tabi nila. Gusto ko ang pwesto namin ngayon, malapit sa bintana.

"Nagawa n'yo na ang narrative report?" Tanong ko matapos mailapag ang mga books and notes ko sa mesa.

Kumunot ang noo ni Gracen.
"Before finals pa ang pasahan no'n ah. Excited ka?" Natatawang sabi n'ya.

Umiling ako at ngumuso. Oo nga pala, wala na silang ibang dapat pang gawin. Unlike me na may mga duties pa bilang SSC officer.

"Kailangan kong matapos agad. After kasi nito, pagtutuunan na namin ang tungkol sa masquerade ball." Ani ko.

Kahit Kunwari LangDonde viven las historias. Descúbrelo ahora