Kabanata 9

279 159 26
                                    

Kabanata 9.
You Like Someone else




"He's getting what?!" Gulat na tanong ni Gracen.

"Getting married." Ulit ko at hilaw na ngumisi.


"Whoa! Napikot ba s'ya? May nabuntis na?" Hindi makapaniwalang saad ni Gio.


"Fixed marriage." Tipid kong sabi.



Hindi na kami masyadong nakapag-usap kagabi dahil medyo nakainom s'ya. Kagabi ko lang din nalaman na may sarili pala s'yang condo unit.

Nabili n'ya raw iyon mula sa na ipinamana ng grandfather n'ya sa kanya. Doon din s'ya namalagi sa mga araw na hindi namin s'ya nakita.


Gusto ko nga sanang ihatid s'ya kagabi pero nagpumilit s'yang huwag na.


"Uso pa ba 'yan hanggang ngayon? Besides, fiancee pa lang naman hindi ba? Kasal agad? 'Wag kayong advance." Natatawang sabi ni Nixon.

"Malaki ang tiwala ko na hindi nila tita at tito mapapasunod si Thorn. 'Yon pa ba, magpapatali ng maaga?" Sabat ni Spike.

Napatango naman sina Lilith at Gio.

"Obvious naman sa inasal ni Thorn. Umalis nga s'ya, tanda na ayaw n'ya talaga." Sang-ayon ni Lilith. May point s'ya, pero talaga nga bang hindi mapu-pursue si Thorn ng mga magulang n'ya? Paano kung kailangan talaga?

Malalim akong napabuntong-hininga at sumandal sa upuan.

"Lalim no'n ah! Muntik na akong tumalsik sa lakas ng hangin na binuga mo." Natatawang sabi ni Nixon.

Sinamaan ko nga ng tingin at sinapak sa braso.


"Arayko!" Malakas n'yang daing at hinaplos ang brasong nasaktan. Buti nga!
"Ang sakit mo manapak, Gem. Hindi mo naman sinabi na lalaki ka pala sa nakaraan mong buhay." Dagdag n'ya at humalakhak.


Bwiset din talaga 'to minsan. Mas lalo akong naasar ng halos lahat sila ay tumawa.


"Madala ka sa tingin Nixon, 'pag si Gemini napuno sa'yo, baka sa Capiz ka pulutin." Ani Spike sa gitna ng pagtawa.

Ang galing! Ginawa nila akong katuwaan. Sarap pilipitin ng mga leeg nila.

Padabog kong hinablot ang bag ko at nagmartsa palabas sa practice room nila.

"Oy, Gem! Biro lang, 'wag pikon. Sorry na!" Pahabol na sigaw ni Nixon pero halata namang nagpipigil lang s'ya ng tawa. Mas lalo lang akong naasar!


Kaysa naman manatili ako sa kanila mas mabuti pang pumunta na lang ako ng library para matahimik. Medyo matagal-tagal pa naman ang break na binigay sa amin ni Kane bago ulit bumalik sa auditorium.


Pagkatapos kong mag-sign in sa log book ay dumeritso na ako sa mga book shelves. Balak kong maghanap ng libro na related sa paintings, masyado akong nag-focus sa pagsusulat nitong nakaraan.

Gusto ko naman ngayon pagtuunan ang tungkol sa pagpipinta ng larawan. Natuto kasi ako sa pansarili ko lang, wala akong pinanggayahan o pinanghugutan ng inspirasyon. Namulat na lang ako na hilig ko na ang pagguhit at pagpipinta.


Napangiti ako ng matanaw sa dulo ang mga librong kakailanganin ko. Saulado ko na kung saan banda rito matatagpuan ang mga libro tungkol sa arts. Pero sa kung anong kamalasan ay bigla na lang ako nakaramdam ng isang bagay na tumama sa likod ko.


"Fvck." Mariin akong napamura ng bumalatay ang sakit sa likod ko. Hindi ko pa man natitingnan ay natitiyak kong libro iyon at mukhang masyadong makapal.



Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now