Kabanata 7

289 170 20
                                    

Kabanata 7.
Umalis




"So ano? Naabutan mo si Thorn kagabi?" salubong na tanong ni Lilith sa akin pagkaupo ko.

Nilingon ko s'ya at tumango.
"Oo, naghihintay naman s'ya sa labas."

"Sus! Anong problema n'ya? Nagwalk out tapos maghihintay naman pala sa labas." Mataray n'yang sabi na ikinatawa ko ng bahagya.

"Alam n'ya kasing susundan naman s'ya ni Gem kaya ang lakas ng loob mang-iwan." Ani Gracen bago sunod-sunod na sumubo ng piatos.

"Kalma naman, may galit ka sa piatos?" Natatawang awat ni Lilith.

"Nasasabik lang ako, 'wag kang ano." Sagot ni Gracen at tinuloy lang ang pagkain.

"Edi wow! Nga pala, may takda na kayo sa history?" Tanong ni Lilith. Umiling ako, ganoon din si Gracen.

"Wengya! Ang sisipag n'yo. Ang mahal pa naman magpaggawa ng monumento n'yong dalawa sa tabi ni Rizal." Sarcastic n'yang sabi dahilan ng pagtawa ko. Binato naman s'ya ng piatos ni Gracen.


Kawawang piatos, nadamay pa.


"Oo na, ikaw na masipag. Nakakahiya naman sayo." Sarcastic din na sagot ni Gracen.


"Anong konek?" Pabalang na sabat ni Lilith.


"Connect? To join two or more things together. Oh 'diba? Pwede na akong pamalit kay Merriam. Gracen dictionary." Proud na sabi ni Gracen at pumalakpak pa. Natawa naman si Lilith samantalang ako ay napa-facepalm.

Naiiling akong tumayo at niligpit ang mga gamit ko. Hindi ko sila kilala. Wala akong kaibigan na abnormal.

Mas mabuti pang gumawa nalang ako ng takda sa history. Strict pa naman iyon si panot na kamag-anak ni Noynoy Aquino. "No assignment, automatically absent" Feeling n'ya, s'ya nagbabayad ng tuition namin. Hay naku!



Tinatahak ko na ang kahabaan ng hallway patungo sa library ng matanaw ko si Kane. Binagalan ko ang bawat hakbang. Halata naman na sa akin s'ya papunta.

Baka may kailangan sabihin o ipagawa. Hindi naman iyan lalapit sa akin, kung wala sa dalawang pagpipilian.


"Nagpaikot ng memo si Ms. Isabel kanina. Starting today, exempted na tayo sa klase." Mahinahon n'yang sabi pagkahinto sa harap ko.

My lips twitched. Sabi na nga ba. Ano pa ba ang aasahan ko? Pero hindi ba masyadong napaaga?


"Bakit? Magsisimula na ba ang preparation?" Takang tanong ko.


He nodded.
"Probably. For now, samahan mo muna akong mamili ng materials." Aniya.

Kumabog ang dibdib ko. Bakit ako talaga? Ang dami kaya naming officers.

"Okay. Marami ba ang dapat bilhin?"
Gusto kong batukan ang sarili ko. Dapat sana tumanggi ako eh.

Pinapahirapan mo lang sarili mo, Gemini. Aish!

May hinugot s'yang papel mula sa bulsa ng kanyang pants at binuklat iyon.
"Medyo, pero uunahin natin ang mas kakailanganin."

Tumango ako. Set aside mo muna ang feelings mo, Gemini. Magfocus ka sa mga responsibilities mo.

Pareho lang kaming tahimik ni Kane habang na sa biyahe. Paminsan-minsan naman ay nagtatanungan pero related lahat sa gagawin naming preparations. Hindi rin kami gaanong mahihirapan sa mga bibilhin dahil dala n'ya ang kotse n'ya.

Sa hindi ko malamang dahilan ay nakisabat ang inner self ko. Buti hindi siya nabigatan, nakaya niyang dalhin ang kotse.

Kahit Kunwari LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon