Kabanata 23

233 94 27
                                    

Kabanata 23.
Face the reality


Nagising ako kinaumagahan na masakit ang ulo. Namimigat rin ang talukap ng mga mata ko. Tanda ng sobra kong pag-iyak kagabi. Ilang oras lang din yata ang tulog ko, nakatulugan kona ang sobrang pag-iisip at pag-iyak. Gulong-gulo ako. Gusto kong isipin na masamang panaginip lang iyong nangyari kagabi. Pero alam ko namang napaka-impossible. Masyadong malinaw ang pangyayaring naaalala ko para maging isang panaginip.

Gumulong ako sa ibabaw ng kama ko at sinubsob ang mukha sa unan. Hindi ko alam kung nandito pa ba sa bahay si Thorn. Halatang hindi s'ya dito natulog sa tabi ko.

Hindi ko alam kung paano s'ya haharapin. Pagkatapos ng sobrang nakakagulat na confession n'ya kagabi at basta ko nalang s'ya tinulak at tumakbo papasok sa loob ng kwarto ko. Wala akong sinabi na kahit ano.

Nagpapasalamat rin ako na kahit papaano ay binigyan n'ya ako panahon para mag-isip. Hindi n'ya ako pinigilan o ginulo.

Pero paano naman ngayon? Paano ko s'ya haharapin? Hindi ko parin kaya. Ano ang sasabihin ko sa kanya? Napasabunot ako sa sariling buhok at sumandal sa headboard ng kama.

Thorn naman kasi.. Ano bang nangyayari sa 'yo? Alam mo namang si Kane lang ang gusto ko mula noon.

Naiiyak na sinapo ko ng dalawang palad ang mukha ko. Ayokong saktan si Thorn, pero paano ko gagawin 'yon?

Halos magtanghali na ng napagpasyahan kong kumilos at maligo. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya wala na akong pagpipilian kundi ang bumaba.

Kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko ng maabutan ko si Thorn na nakaupo sa sala at halatang inaabangan ang pagbaba ko. Magulo ang buhok n'ya at halatang hindi rin nakatulog.

Napalunok ako. Akala ko ay umuwi na s'ya.

"I already cooked the breakfast. Kumain kana." Malumanay na sabi n'ya. Agad akong nag-iwas ng tingin at tahimik na tumungo sa kusina.

Paulit-ulit akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Nakakabaliw ang ganito. Parang hindi kona kayang malapit kay Thorn. Iniisip ko palang na kailangan naming mag-usap pagkatapos kong kumain ay halos mangatog na ang mga tuhod ko. Ugh! This is frustrating!

Sinadya kong bagalan ang pagkain kahit halos hindi ko naman malasahan. Panay lang ang inom ko ng tubig.

Nang matapos kong hugasan ang pinagkainan ko ay pabalik-balik akong naglakad sa loob ng kusina. Hindi ko namalayan na napapakagat na ako sa sariling kuko. Hindi kona alam kung ano ang gagawin ko. Mas sobra sobra ang kaba ko ngayon kumpara sa nagdecide ako noon na magtapat kay Kane.



"Mahihilo ka na dahil sa ginagawa mong 'yan."

Gulat akong napatingin sa pinanggalingan ng boses ni Thorn. Muling bumilis ang tibok ng puso ko ng makita s'yang nakasandal sa hamba ng kusina at mataman na nakatingin sa akin.

"Wala ka bang balak kausapin ako?"

Imbis na sumagot ay umiwas ako ng tingin. Ano bang sasabihin ko? Ayaw kong saktan si Thorn. Mula pa man noon ay ito ang isa sa mga pangyayari na pinakaiiwasan ko. Ni minsan hindi ko naisip na mangyayari ito sa amin. Masyado akong naging kumpiyansa sa tibay ng pagkakaibigan namin pero mukhang mangyayari na ngayon ang kinatatakutan ko.

"P'wede bang bigyan mo muna ako ng sapat na panahon, Thorn? Gulong-gulo ako. Masyado akong nabigla sa mga sinabi mo." Mahinang sabi ko. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko.

Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now