Kabanata 11

276 157 25
                                    

Kabanata 11.
Wrecked



"Gem!" Gulat akong napatingin kay Ellis dahil sa malakas na pagtawag n'ya sa pangalan ko.

"Bakit?"

Naiiling s'yang naglakad palapit sa akin.
"Okay ka lang ba? Tuyo na 'yung glue pero 'di mo pa napapatakan ng glitter dust."

Namilog ang mga mata ko at ibinalik ang atensyon sa mga letter cut outs. Napasapo ako sa noo, nang makita kong natuyo na nga ang pandikit.

"Ako na nga lang dito. Pahinga ka muna o magpahangin sa labas. Kanina ka pa lutang." Aniya at kinuha ang glitter dust at pandikit sa kamay ko.

I heave a sigh and nodded.
"Salamat." Mahinang sabi ko saka tumayo.

Napatingin ako sa mga palad ko habang naglalakad palabas ng auditorium. Napakadungis nito, kailangan ko yatang maghugas. Next time, magdadala na ako ng balde na may lamang tubig sa loob ng auditorium.

Sumandal ako sa pader pagkalabas ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Kane.

Gustong-gusto ko s'ya, pero tama bang sirain ko ang pagkakaibigan namin ni Thorn para sa kanya?
Sapat ba na dahilan si Kane para layuan ko si Thorn?

Napatingala ako sa kulay asul na kalangitan. Gulong-gulo ang sistema ko. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko sisirain ang pagkakaibigan namin ni Thorn, pero ito ang unang pagkakataon na binigyan ako ng chance ni Kane para sa aming dalawa.

Kung sana ay mayroong makapagsabi sa akin ng tamang gawin. Wala sa sariling napasuklay ako sa buhok.



"Love is like a puzzle. First, it's frustrating and confusing. It sucks! Specially when you don't even know what you're feeling anymore."

"This is Syden Aphrodite Alcante. Have a nice day!"

Great, Syden. Nananadya ka ba? Mas lalo lang akong naguluhan. Napapikit ako ng mariin at dinama ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.


"You look frustrated." Mabilis akong napadilat at umayos ng tayo ng makita ko si Kane malapit sa akin.

"Kung maguguluhan ka lang, Gemini. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko." Walang gana n'yang sabi at naglakad papasok sa loob ng auditorium.

Mariin kong pinagdikit ang labi ko at humugot ng hininga. Gusto kong malinawan.

"What are we really, Kane?"
Mahinang tanong ko pero sapat na para marinig n'ya. Kunot noo s'yang lumingon sa akin.

"I don't understand you. Sometimes we're friends and sometimes I'm just a stranger to you. One minute you're talking to me as if I'm something special and the next minute you're talking to me as if I mean nothing to you. One day you pay so much attention to me, the next day you almost completely ignore me." Huminga ako ng malalim at sinalubong ang titig n'ya.

"Ano ba talaga ang gusto mo para sa'tin? I don't know what you want. Susugal ako, Kane, pero talaga bang may chance tayong dalawa?"

I sounds so pathetic. I may be stupid.
Pero mahal ko eh..

Lumambot ang ekpresyon sa mukha n'ya habang nakatitig sa akin. Masaya na ako sa kaalamang may epekto ako sa kanya.

"Binigyan kita ng pagpipilian, Gemini. Hindi kita pinipilit. Na sa sa'yo ang desisyon." Mahinahon n'yang sabi.

Pinanood ko s'yang humakbang palapit sa akin.

"May pupuntahan tayo mamaya. For now, pumasok na muna tayo sa loob." Aniya at hinawakan ako sa kamay. Magkasama kaming tumungo sa mga kasamahan namin na busy sa kanya-kanyang gawain.

Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now