-Kab 02-

269 16 0
                                    






Sophia's POV





Hindi ako nakatulog buong magdamag. Hindi ko alam kung bakit nasa kanya yung diary at album ko. Nilagay ko yun sa locker ko at paano niya yun nabuksan? Ugh! Sht!


Wala naman masyadong problema kung ang diary ko lang. Wala naman kasi yung kaechosan dun. Kaso yung album ko, eh andun yung mga picture ko eh nung buhay jeje pa ako. And the fact na alam niya yung password ng locker ko.


Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang araw ko ngayon. Paano ba kung magkita kami. Ano ba ang una kong sasabihin.




Hoy! Akin na yung diary at album ko!



Para naman atang diretso yun.



Gusto mo bang basagin ko ulit yang jolens mo?




Di rin baka isipin niyang sobrang adik ako sa jolens niya. Paano kaya kung sweet nalang.



Uhmm Marty akin na yung album at diary ko *sabay puppy eyes*



Yak! Ang laswa naman ata nun.


Ugh pano ba?


Para tuloy akong baliw dito sa kwarto na kinakausap ang salamin. Ah basta! Bakit ko ba poproblemahin yun, siya naman tung kumukuha ng gamit nang di sa kanya. Siya ang may atraso saken, kaya siya dapat ang matakot.


Naligo nalang ako at blinower ang buhok ko. Naglagay lang ako ng kaunting polbo at tint. Ayaw ko namang maglagay ng over na make up dahil ayokong magmukhang palaso no!


Lumabas na ako at kumaripas ng takbo. Ayokong makita ako ni mama, kasi pag nagkataon andami na namang chika nun baka malate na naman ako.



Palagi niya kasing kinukwento saken yung ka chat niya daw na amerikano na ngayon ay nag popropose sa kanya.


Iniwan kasi kami ni papa nung bata pa ako. Sumama siya sa isang mayaman na balyena kaya si mama lang nagpalaki saken at ng sa ate kong nasa state ngayon.


Dalawa lang kami magkapatid kaya miss na miss ko na talaga si ate. Nakakuha kasi siya ng scholarship sa isang modeling school. Nakakainggit nga eh dahil talented siya ako neto ganda lang ata ang panglaban chos!


Sumakay na ako ng Jeep.



Nakakawindang lang, pagpasok ko pa lang kasi hanggang malapit na ako sa school ay may nakatitig saken dito sa loob.


Pinapasa ko na yung pamasahe ko at sakto dun pa talaga sa lalaking ang lalim ng dimple. Hinawakan niya ang kamay ko at nagkatitigan kami. Hinablot ko agad yung kamay ko at inirapan siya bago bumaba.


Ano yun? Gwapong adik? Tss.


Pagkapasok ko sa gate ng school namin pansin ko agad ang malalagkit na tinginan ng mga babaeng estudyante sakin. Nagbubulong bulongan sila pero hindi ko mapagtanto kung bakit. May dumi ba ako sa mukha? Kinuha ko yung phone ko at nanalamin. Wala naman ok naman lahat. Di ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.





Siya yung girl diba?





Napalingon ako sa babaeng nagsalita nun. Nag iwas siya ng tingin at naglakad palayo. Kita ko rin na maraming tao sa bulletin at nagtatawanan pa. Lumapit ako dun at bigla silang natahimik.


Sht! Dammit! Nakadikit sa bulletin board ang mga pictures ko nung highschool ako. At yung mga pictures na mismong laman ng album ko. Dahil sa hiya kumaripas ako ng takbo at hinanap ang taong may pakana nang lahat ng to.


The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now