-Kab 12-

129 10 0
                                    

****************

SOPHIA'S P.O.V.

"Joyce gising bilis! Bumangon kana diyan may prayer meeting pa tayong pupuntahan diba?" untag ko nang makitang sarap ng tulog ng bruhang to.

"Just give me 10 minutes." napacrossed arms ako at binilang talaga yung ten minutes na yun.

"Five..Four..Three..Two..One. Hoy bangon na bilis." hinatak ko siya mula sa kama.

"Naman eh, bakit ba ang atat mo? Matagal pa naman ah?" utas niya habang nakahandusay sa sahig.

"Alam mo, alam ko kung bakit ka nagmamadaling pumunta ng simbahan, gusto mo lang ata makita si Bryle eh." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pwedeng Oo pwede ring hindi. Yung libro ang kailangan ko .

"Shut up! Tara na naghihintay na si Kuya Josh dun."

Tumayo naman siya at kumuha ng damit sa dresser niya. Kung may biglang papasok siguro dito mahihinalaan siyang ginahasa ng sampung demonyo dahil sa suot niyang lustay at buhok na buhaghag pa sa nakamotor na naka full speed. Tsk.

"Nako naman, May Marty ka na nga. Gusto mong sayo din si Bryle? Ano to buy one take one?"

"Hindi-ko-gusto-si-Marty."

"Eh ba't ka nagpahalik?"

Sht.

"Tss." ayaw ko ng patulan pa siya dahil alam kong wala namang patutunguhan to at paulit ulit nalang binibigyan ng kongklusyon.

"Sabi na nga eh, ayaw mong umalma kasi totoo?"

"Bahala ka diyan kahit pa isali mo pa si batman diyan wala akong pakialam sa pinagsasabi mo." utas ko saka naunang lumabas.

Si Marty? Na gusto raw ako? Eh sa'n na yung sinabi niyang gagawin ang lahat mapatunayan niya lang na mahal ako? Owws.

Playboy sucks!

Kumuha ulit ako sa ref ng maiinom.

Bonga rin itong ref nila Joyce ah andaming pagkain at siguro nga yung iba paexpire na.

*Beeeeeep!*

Nabilaukan ako sa iniinom kong juice nang marinig ang malakas at talinis na busina ng isang sasakyan.

Buset naman oh! Anong problema nitong taong to?

Lumabas ako para tignan ko sino ang bumubusina.

Speaking of the Devil.

Paano niya nalaman ang address ng bahay nila Joyce? At bakit siya andito abeer?

Pumula ang pisngi ko nang makitang iniwagayway niya ang bulaklak sa harapan ko.

"Bakit ka andito? Paano't napadpad ka dito? Nalipasan ka lang ata ng gutom Marty mabuti pang umuwi ka na."

Lumabas siya sa kotse at humalimuyak ang pabangong pang playboy. Playboy nga talaga. Ewan ko kung bakit naging redundant na saken ang salitang Playboy.

"Oh playbo--No I mean Marty, sagot?"

"Nais ko lang bigyan ka ng flowers. Eto."

Sheeeet! Traydor na pusong to.

"Ano yan? Buhay pa ako. Ayoko niyan."

"Kahit na ika'y titibo-tibo ang puso ko ay titibok tibok parin sayo🎶"

Kumanta pa ang mokong shems!

"Hindi Marty, umuwi ka na."

"Isang halik mo lang at ako ay tinatablan at ang aking pagkalalaki ay nabubuhay--"

Napatigil siya nang marealize ang lyrics ng kanta.

"Omyyghad! To the O to the M to the G! Anong kalaswaan ito?" nagulantang kaming dalawa sa matulis na sigaw ni Joyce mula sa bintana.

"Ayaw kasing tanggapin ni Sophia yung flowers. Sayang naman special pa naman ito." tugon niya kay Joyce na todo naman kung tumili.

"Marty tumigil ka! Ano bang nakain mo? Nahalikan lang kita nagkakaganyan ka na?" tinakpan ko ang bibig ko nang hindi ko napansing iba na pala ang lumalabas sa bibig ko.

Napansin ko rin ang pagkagulat niya sa sinabi ko na hindi niya iniexpect na marinig yun mula saken.

"May Definisyon ba ang Gusto kita? Mahal kita?"

Naramdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko. Langyaa!

"Marty, cliche' is always a cliche'. Kung ano ang sinasabi mo sa kanila yun rin ang sasabihin mo saken malamang. Ayoko maging isang laruan. May dignidad ako. Ayokong masira yun.

"Sus naman maarte pa, tanggapin mo na para namang wala kang gusto kay Marty."

Laglag ang panga ko sa sinabi ni Joyce na nasa likuran ko na pala.

"Totoo ba yun Sophia? Uhh nakakatunaw naman ata ng puso yun."

Napa face palm nalang ako at naglakad palayo sa kanila.

"Sige na Marty may lakad pa kami, akin na yan."

Rinig kong suhestyon ni Joyce sa kanya.

"Ah yun ba? Hatid ko na kayo."

"Huwag n-"

"Sure." putol ni Joyce saken.

Ugh! Lupa kainin mo na'ko ayoko na.

"Tara na Sophia, may hahatid na satin oh. Sayang naman kung gagastos pa tayo ng pamasahe."

"Joyce! Ako naman magbabaya--"

"Tara na nga!"

I have no choice dahil nakasakay na siya. Alangan naman kaladkarin ko siya palabas eh totoo naman ding sayang ang pamasahe.

Bumuntong hininga ako at dahan-dahang bumalik.

Binuksan ko ang likurang bahagi ng kotse kung saan nakasakay si Joyce.

"Wala nang ibang uupo, akin lahat ng space sa likod. Sa frontseat ka nalang." utas niya na nagpapainit pa lalo ng dugo ko. Mapapatay talaga kita Joyce. Kahit kailan talaga tong babaeng to.

"Oo nga, dito ka oh. Tabi tayo." tugon naman ni Marty na nagboboses bata. Yucks! Hindi bagay sa kanya.

Pagkaupo ko napansin ko ang paglapit niya saken. Sobrang lapit. Ano to? Gosh! Hahalikan niya ako?

Napapikit ako sa kaba at naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. Naramdaman ko ang hininga niya sa may mukha ko.

"Huwag kang assuming, yung seatbelt mo inayos ko lang."

Nakaramdam ako ng hiya na nanlatay sa buong sistema ko. Oo nga no. Ba't diko naisip yun.

"Wala akong pinagpahulugan."

"Di nga."

Bumuntong hininga nalang ako puwes, hihintayin ko nalang na makaabot kami sa simbahan.

Nakita ko ang isang pangalan sa may dashboard na nasa heart shaped sticker na nakadikit dito

Grace

Naalala ko tuloy si Ate Grace. Miss ko na talaga ang kapatid ko.

Hindi ko nalang binalingan ng pansin yung sticker kasi baka isa lang yun sa mga toy niya.

Ilang sandali pa'y nakarating na nga kami dito sa may simbahan. Maraming tao kaya hindi ko masyadong makita kung puno na ba ang simbahan.

Una akong lumabas atsaka sumunod naman si Joyce.

Tumalikod na ako. Napansin kong bumukas din yung isang door ng frontseat.

"Sama ako."

Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Binalingan ko siya ng masamang tingin at siya naman tung nakangiting halos mapunit na ang mukha.

I can't deny it.

Gwapong playboy.

*********************

End.





The Love to Reign  ✔COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin