-Kab 19-

101 9 0
                                    

*****************

Sophia's P.O.V

"Good Couple"

Napabalikwas ako at pati rin si Bryle nagulat. Sabay kaming humarap sa likod at nakita si Marty na nakahalukipkip.

"Yes? Tignan niyo yung nasa labas oh." tinuro niya yung nasa labas ng bintana na kita ang soccerfield."Good Couple right?ha-ha-ha"

Parang ako ang nahiya sa inasta ni Marty. Parang kahit anong oras ngayon ay pwede akong sasabog. Kahit na galit na galit ako ay di ko parin maiwasang purihin ang pagkatao niya. Marumi man sa loob pero bakit ganun nalang ka anghel ang mukha niya? Unlike Bryle, I think mabait din naman siya though hindi pa kaming lubusang magkakilala.

Bumaling si Bryle sa harapan. Ayon kay prof may tree planting daw nextweek at kailangang present lahat para sa documentation niya.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na agad ako sa cafeteria para hanapin si Joyce. Napansin kong may sumusunod saken kaya binilisan ko ang paglakad.

"Sophia, Teka lang." rinig kong sambit nito. Halos patakbo na ako pero naabutan parin niya ang balikat ko at hinigit ito.

"Ano ba? Tumigil ka na!" sigaw ko sa kanya ng iniharap niya ako.

"Makinig ka naman Sophia, kung hindi mo pa ako sasagutin eh pwede bang huwag ka munang sumama sa lalaking yun. NAGSESELOS AKO!"

Natawa ako bigla sa sinabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit ka magseselos? Tayo ba? Hindi naman diba? Kaya tigilan mo na ako Marty, wala kang mapapala saken." untag ko. Mas bumabaw ang tingin ko sa kanya simula nung gabing yun.

"Mag-usap naman tayo oh, please?" wala akong kibo. Hinila niya ako papuntang kiosk at umupo sa may bench.

"Ano pang pag-uusapan natin Marty? Wala naman tayong dapat pag-usapan. Bakit pa natin sinasayang ang oras sa walang kwentang usapang t-"

"Mahal nga kita diba? Ilang ulit kong kailangan sabihin sayo yun para maniwala ka? Yes I admit it. Playboy ako, Jerk and Casanova pero noon yun Sophia, Noong panahong wala akong makilalang taong pwedeng makapagbago saken. Pero you're here. Di mo ba napapansin? Palagi akong kumukuha ng atensyon mo, palagi nalang ako nagpapansin sayo coz it means I like you, I love you."

Medyo naantig ang puso ko. Pero yun nalang ba yun? Tatanggapin ko siya sa buhay ko na kahit pa sinisigaw ng konsensya ko na may hindi magandang mangyayari na may posibilidad na pinaglalaruan niya lang ako? Wala kaming pinagsamahan. It just a couple of months na nagkakilala kami as classmates but suddenly sasabihin niyang mahal agad ako? Ano yun sasabihin mo lang pag feel mo lang? Tanga ako kung magpapadala ako dito.

"Marty, ang hirap maniwala. I think Infatuation lang yan. Mawawala rin yan. Dahil kung true love yan di dapat noon pa diba? Pero ngayon lang? Ba't agaran?"

Bumuntong hininga siya.

"Naalala mo nung first day na inasar kita? Yung araw na pinahiya mo'ko sa cafereria? Yung araw na kinuha ko yung album at diary mo?" bumuntong hininga ulit siya.
"Dahil dun ko unang naramdamang kakaiba ka, kakaiba ka sa babaeng nakilala ko. Nagpapansin ako sayo Sophia, hindi pa ba yun sapat para mapansin mo?"

I'll give it a try Marty, malalaman ko rin ang plano mo.

"Then court me, prove me everything. I want flowers everyday, I want chocolates everyday, kung saan ako dapat andun ka rin. And last, stay away from your friends hanggat di ko sinasabi. Sabi mo mahal mo'ko diba? Then it's a deal!"

Tinalikuran ko siya. Napansin ko ang pagsunod niya. Tignan lang natin kung kakayanin mo. May plano ka? Kayo? Puwes ako rin meron.

"Starting this day?" tanong niya mula sa likuran.

"Maybe tomorrow, huwag mo'kong sundan mainit ang ulo ko sayo."

Rinig ko ang paghagikhik niya.

"Yes sa wakas!" tumakbo siya papasok ng school na parang ansaya. Pinapakita niya saken na masaya siya? O masaya lang siya dahil pag napasagot ko siya makukuha niya na ang deal niya mula sa mga kaibigan niya? Pathetic.

Napansin kong papunta si Joyce sa church kaya tinawag ko siya. Humarap naman siya at nag-iiwas ng tingin.

"Forget the plan. Ako na ang gagawa." umaliwalas ang mukha niya.

"Then what's the plan?" tanong niya.

Pinaliwanag ko sa kanya lahat.

"Pa'no kung ikaw ang mabitag sa sarili mong pa-in? I mean, baka mainlove ka sa kanya?"

Natawa ako.

"No way! Minsan ko na siyang hinangaan. Pero dahil sa nalaman at napagtanto ko. Nandidiri ako lalo."

Kumunot ang noo niya.

"Sige na, punta muna akong sacristy may kukunin lang ako." untag niya. Tumango ako at tumalikod para pumuntang cafeteria.

Pagpasok ko, same awra. Nagtatawanan sila sa kabilang table. Just I thought ako ang laman nito dahil sa pagpayag ko na ligawan niya ako. Hindi ako tanga.

Bigla silang tumahimik. Hindi ko sila pinasadahan ng tingin. Dumiretso ako sa counter at kinuha ang last na table sa likuran.

"You care if I'll join you?" humarap ako sa likod upang makita kung sino ang nagsasalita.

"Yea sure." sabay tapik ko sa upuang nasa tabi ko.

Si Gabriel Garcia, ang President ng Ministry of Music. Nagkakilala kami dahil sa mga gathering sa simbahan member kasi ako ng Youth Ministry.

"Alone?" natatawa nitong sambit.

"Yes."

"Sa'n pala si Joyce?" tanong niya.

"Nasa church, bakit miss mo na agad?"

Tumawa siya.

"Maybe, matagal narin kaming hindi nagkikita nun."

May issue noon na crush daw ni Gabriel si Joyce. Kaya naman palaging nag-iiwas si Joyce sa kanya baka daw kasi malaman ni Kuya Josh na kaibigan din nitong si Gabriel.

"Sweet naman." sabi ko sabay subo ng pagkain. Gwapo din naman tong si Gabriel kaya lang sa sobrang makadiyos nito ay natatakot ng umibig baka lang daw kasi may magawa siyang kasalanan. He has an amazing quality of voice. Siya yung substitute ni Kuya Josh kapag wala ito.

'Pare may kahati ka ata'

Rinig ko sa isa sa mga kaibigan ni Marty.

'Marty yan ba yung nililigawan mo? May iba ata'

Parang umigting yun sa tenga ko. Hindi yun napansin ni Gabriel dahil hindi naman niya alam ang tungkol dito.

"Can I join you?" hindi ko siya binalingan ng tingin. I know whose talking.

"Yes. Ofcourse Marty." sambit ni Gabriel. Lalo akong nanginit sa inis ng halos lahat ng kaibigan niya ay nakatingin dito.

'Agawan na yan'


**************

End.










The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now