-Kab 10-

137 11 0
                                    

*******************************

Kinabukasan pumunta ako sa bahay nila Joyce at dun nagpalipas ng araw. Since saturday and wala yung parents niya at wala rin yung kuya niya. Busy ako sa paghahanap ng libro sa shelves niya habang ang isa naman dito ay nagtitili sa pinapanood niyang Kdrama.

"Besh! Nakakatawa talaga si Aji 3" hindi niya na masyadong nabigkas ang mga pinagsasalita niya dahil sa tili.

"Ah, ganun ba. Bakit marunong ba siyang lumipad?" tanong ko habang hinahalungkat ang shelves niya.

"Anong lumipad? Hindi naman siya lumilipad." untag niya na mukhang naiinis. Haha malay ko ba kasi hindi naman ako mahilig manood ng mga Korean Dramas.

"Fine. I don't care." todo parin ako sa pagkokomento kahit hindi naman talaga ako interesado sa mga pinanonood niya.

Halos maligo na ako sa pawis sa paghahanap nung libro na binili namin ni Joyce sa mall last week.

"Tss saan ba yung libro Joyce?" untag ko nang naiinis na tono. Kanina pa naman ako dito at hindi naman niya ako tinutulungan.

"Saan ba dun?" tugon niya nang hindi ako tinatapunan ng tingin.

"Yung American Short Stories, saan na?" ang harsh naman ng babaeng to napaka kitid kailangan ko yung librong yun may inipit ako dun.

"Ay yun ba?" ngumisi siya ng nakakaloka. "Binigay ko kay Bryle, pinabigay ko kay Kuya."

"ANOO!?SHIIIT!" napalundag ako bigla sa kama. Tangna!

"Bakit ba? Napakadisturbo mo naman mag behave ka nga, B-E-H-A-V-E." lakas ng topak ng babaeng to akala niya ba kaya ko pang magbehave kung andun sa librong yung nakaipit ang maliit na papel na nakadoodle lang naman ang pangalan ni Bryle Dela Costa na with matching heart.

"Besh naman eh, bakit mo naman binigay limited edition yun. Bawiin mo nalang." sabi ko na hindi ibinubuking ang totoong rason kung bakit ako nagwawala ngayon dahil sa librong yun.

"Nako, ayaw kong bumawi ng gamit kapag naibigay na, sorry." halos mapunit ang kumot sa harapan ko dahil sa pagtorture ko dito.

Bigla akong nabuhayan ng loob ng maalala kong wala pala akong nilagay na pangalan doon pero in time malalaman niya kayang crush ko siya? Kyaahhh langya!

Paano na'to ngayon? Haays

Kung ayaw niyang bawiin yun puwes ako ang gagawa. Ewan ko ba kung bakit napaka guilty ko sa librong yun basta ang nasa isip ko lang ay makuha ulit yun sa kanya.

"Soph! May bago ka pala kayong kaklase sa Lunes, I think habulin yun ng babae kaya kung ako sayo unahan mo na sila." napakurap ako sa sinabi ni Joyce. Ugh! Kung meron man please huwag kauri ni Marty. Tama na ang presensya ni Marty please no new playboy and perverts.

"Tss. As If I care." Inirapan ko siya at lumabas ng kwarto. Kumuha ako ng tubig sa may ref at tinignan ang nakalagay sa sticky note na nilagay siguro ng kuya niya.

Joyce punta ka sa church mamaya, may prayer gathering isama mo si Sophia

This is it! Eto na yun mababawi ko na yung libro. Bahala na si batman.

Tumakbo ako papasok ng kwarto bitbit ang sticky note na nakadikit kanina sa ref.

"Joyce? Nabasa mo na to? untag ko. Sinilipan niya ito ng tingin at binaling agad ang mata sa cellphone niya.

"Basahin mo para saken."

Tss

"Sabi ng kuya mo may prayer gathering daw mamaya. Punta ka?"

Tumango lang siya at ako naman ay nabuhayan agad ng loob.

"Bakit? Dahil makikita mo na naman ba si Bryle ganon?"

Parang lumundag ang puso ko nang marinig ang pangalan ni Bryle.

"Pwede."Kyaaah! tinapunan ko siya ng unan at humagalpak naman ito sa mukha niya.

"Tss. Akala ko ba kay Marty ka?" pumula ang pisngi ko nang marinig ang pangalan ni Marty. Saya ko na nun ah, bakit ba kasi isiningit nito si Marty. Nakalimutan ko na sana yung pinagtatalak niya kahapon.

"Nagkataon nga lang yun, atsaka huwag mo na yung bigyan ng kahulugan."

Nasira ata ang mood ko ngayon dahil sa bruhildang to ah. Marty naman eh, tumigil ka na kasi sa  pagtakbo sa utak ko. Di ka ba napapagod? Puwes ako pagod na pagod na kaya please naman oh.

"Natulala ka yata?" birada niya. Bigla naman akong natauhan at umupo sa may gilid ng kama.

"Duh! Bigdeal bes?"

"Syempre! Ikaw ba naman tung nagpafall sa isang playboy."

Isang unan na naman ang sumunod na lumanding sa mukha niya. At sa pagkakataon na ito tumayo na siya at naghahamon ata ng pillow fight.

"Pag sumurrender ka Sophia, I curse you, maiinlove ka kay Marty."

Tumaas ang kilay ko sa inasta niya. Aba talaga lang ha binibugaw niya ako sa isang manyakis na nilalang.

~

Hours later..

We ended up in quits. Walang nanalo at walang talo. Ayaw bumigay eh.

"Pa'no ba yan? Di mo'ko maisusumpa." untag ko sa kanya.

"Kahit di ko isumpa, alam kong mahuhulog ka sa kanya."

Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Ilang minuto ang lumipas ay di parin nag sink in sa utak ko ang sinabi niya.

Hanggang marinig ko ang hilik niya.

*************

Just a short update:)

Finals na kasi but updates will not last a week promise :)

Prince_tosyoo
-otor.

VOTE!

The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now