-Kab 07-

163 12 0
                                    


***********************

Sophia's P.O.V

Saktong pagdating ni Marty ay siya ring pagmartsa palayo ni Joyce.

Sobra parin akong naiilang sa mga mata ng tao sa paligid. Kahit paman nakadamit na siya di parin mawari ang dahilan kung bakit nila kami tinatapunan ng mga malalagkit na titig.

"Marty! Hoy Marty!" pabulong kong tawag sa kanya habang nagsisimula na siyang lumamon.

"Bhgakit bagsh? utas niya na puno parin ang bibig ng pagkain.

"Alis ka muna dito, baka anong sabihin nila, kanina pa tayo pinagtitinginan. Baka akalain nilang isa lang ako sa mga fling mo."

Umirap lang siya at uminom ng tubig.

"Hindi. Dito ka lang. Tsaka kumain ka na nga! Dami mong satsat!"

Huminga ako ng malalim at umambang tatayo.

"Uupo ka o hahalikan kita? Kilala mo'ko Sophia kaya kong gawin lahat ng sasabihin ko."

Napalunok ako sa sinabi niya. Dahil ayaw ko rin naman ng isa pang kahihiyan ay padabog akong bumalik sa upuan.

"Pagbibigyan kita ngayon Marty, tandaan mo ngayon lang." utas ko sabay subo ng kanin.

"Anong ibig sabihin ng pagbibigyan? ng kiss ba?

Nabilaukan ako sa sinabi niya. Sht! pati ba naman habang kumakain pinapairal niya parin ang kamanyakan niya? Damn this guy!

"Gusto mong masapak? O ipalamon ko sayo tong kutsara at plato sa harapan ko." utas ko sa kanya.

"Chill. Eto na kakain na." kinindatan niya ako. Bakit parang nawala ata ang inis ko sa lalaking to? Tss

Unti-unti ng nagsi-alisan ang mga estudyante dahil malapit narin mag time. Inubos ko muna yung ice tea ko atsaka tumayo para pumuntang cr at magbihis.

"Oy Soph! Wait lang sama ako." di ko siya binalingan ng pansin at binilisan ang paglakad. Nararamdaman ko paring sumusunod siya saken.

"Ano ba? Bakit ba ang kulit m--"

Di ko natapos ang sasabihin ko.

"Hi."

Kumalabog ang puso ko. Hindi si Marty ang nasa harapan ko ngayon kundi si.

"Bryle? Right?" tanong ko sa kanya na kahit alam na alam ko ang buong pangalan niya.

"Uhm Oo Sophia." utas niya.

"Bakit ka pala andito?"

"Kasi-----

"Bryle let's go!" sigaw ng isang babae mula sa likuran.

"Punta na muna ako Sophia. Bye" kumakaway siya habang tumatakbo. Kakaway din sana ako sa kanya pero nakatalikod na siya.

Nakangiti habang naglalakad papuntang cr. Shems! Ang gwapo niya talaga. I think crush ko na siya kyaaaaah!

Ngiting ngiti ako hanggang nakaabot ako sa pintuan ng cr at tumambad sa harapan ko ang nakasandal at nakapamulsa na si Marty.

"Oh? Anong ginagawa mo diyan?" untag ko ng makita ko siyang nakataas ang kilay.

"Hinihintay ka, di ba halata tss." tumalikod siya at umambang papasok sa cr.

"Hoy bawal ka diyan! Manyakis!" sigaw ko sa kanya. Nagtitilian ngayon ang mga babae sa loob ng cr at may umuungol pa. Shocks lakas naman ng dating ng pervert nato.

Pagpasok ko sa cr nakita ko siyang nakipag usap kay Allaisa. The bitch queen kumbaga ng univesity na to.

"So kailan ka available?" rinig kong tugon nito kay Marty na hinihimas ang katawan nito nilampasan ko lang sila at pumasok sa isang cubicle. Seriously? May ganon? Sa harap ko pa talaga? Peste naman oh! Di ba niya mapigilan ang kati niya?

"Tonight at my condo." ang husky voice ni Marty ang tumaginting sa tenga ko. Sht! I don't want to hear their conversation napaka laswa napaka SPG. Not for my age.

"Ok see you there." rinig ko ang pagmartsa ni Allaisa palabas. Si Marty din kaya umalis na. Matapos kong magbihis binuksan ko na ang pinto at inayos ang buhok ko.

"Tapos kana?"

Nagulat ako sa paglitaw ni Marty sa harapan ko. Inirapan ko lang siya at naghugas ng kamay.

"Don't talk to me. Yucks Marty! I hate talking to perverts." untag ko at umambang lalabas na sana pero naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko.

"Owh, nagagalit kana naman. Inaakait mo na naman ako." nasampal ko siya ng wala sa oras. Tumakbo ako palayo sa kanya at pumasok na sa room at useless lang din yung pag takas ko sa kanya dahil magkaklase pala kami ngayon.

Wala namang issue masyado tungkol sa parusa namin ni Marty. Katulad nga nung sabi ko madali lang nila yun nalilimutan.

~

"Ok Class next month will be our Aquaintance Party so find your partner for the promenade."

Just like what the hell! I hate promenade coz I feel it's just a humiliation. Siguro nga ako lang ang nakakaramdam nun since rarely lang ako nagsusuot ng mga gown or dresses. I prefer shirts or Jeans.

"So your partner will be your date also."

Naghiyawan ang mga kaklase ko sa sinabi ni Teacher Jess.

Tss. Wala akong planong maghanap ng partner. Minsan nga di ako pumupunta ng mga party na yan dahil nakaka offend lang ako sa sarili ko.

Psst

May napansin akong sumisitsit sa likuran ko. Tss as if I care.

Sophia!

Alam ko kung sino yun kaya I don't mind na pansinin siya. Gusto ko ng peaceful mind ngayon dahil sa promenade na yan. 30% of our grades ay nakabase sa attendance sa prom. Ugh!

Umurong ang isang upuan mula sa likuran ko at pansin ko ang hininga niya sa may leeg ko.

"Sophia Dela Ricca, can you be my date sa promenade?"

Tumaginting ang sinabi niya sa sistema ko. What? Ano daw? Ako yung gusto niyang maka partner eh halos lahat ng babae dito sa room gusto siya yung date.

"May iba diyan Marty, huwag ako." utas ko sa kanya habang nakatalikod parin.

"Pero ikaw ang gusto ko."

Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Kahit paman alam ko kung ano ang tinutukoy niya pinapahulugan ko parin yung ako yung gusto niya.

"Makapartner." dugtong niya.

Wala akong imik. Wala nga akong plano pumuntang party eh kung hindi lang dahil sa grades na yan!

Napalundag ako sa kinauupuan ko ng may kumiliti sa leeg ko gamit ang isang ballpen. Sht! Tigilan mo'ko Marty!

"Papayag na yan."

Dahil sa sobrang inis ko sa kanya umurong ako ng upuan. Pero sa kasamaang utak nito yun din yung ginawa niya. Ugh! Dammit!

Lumingon ako sa kanya.

"Ano ba Mart----."


!o_0?!


Nanlaki ang mga mata ko. Ohmy! What should I do? Napansin ko ring nagulat siya.






My First Kiss is gone, with the Pervert.

SHT!

*************************

The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now