-Kab 15-

110 9 0
                                    

*******************

Sophia's P.O.V

Hindi lang pangalawa, pangatlo at pang apat ako pinagalitan ng trainor kundi maraming beses. Kasalanan ko bang ipinanganak akong walang talent sa pagsasayaw at isa pa ginusto ko ba to? Hindi naman ah.

Medyo madilim na rin ako nakauwi kanina. Kami nalang ni Marty maliban kay Teacher Jess at nung trainor ang natira. Pinauwi na kasi nila yung ibang kaklase ko at kami lang ang pinaiwan.

At dahil sa nangyari feeling naman nung mokong na yun na may gusto ako sa kanya dahil sa pagbublush ko. Haaays! Di niya siguro alam na normal saken ang may pinkish cheecks.

*tok* *tok* *tok*

"Anak? May gustong kumausap sayo." boses na nangangaling sa labas ng pintuan. Si mama.

Pumasok siya bitbit yung Laptop at nilagay ito sa kama.

"Helloo Pyangg! Kumusta?"

Si Ate Grace.

"Uy Ate! Okay lang ako, miss na miss na talaga kita. Di ka ba uuwi ngayong pasko?" tanong ko sa kanya. Kahit paman madalas kaming nag vivideo call ay iba parin talaga yun nayayakap mo siya sa personal.

"Gusto ko man pero mahirap kasi dahil may catch up classes ako. Gustuhin ko man pero hindi talaga pwede." parang may kung anong lungkot sa boses niya.

Bumuntong hininga siya sa kabilang linya.

"Sayang naman, pero okay lang yun. By the way ate." humugot ako ng lakas ng loob. "May boyfriend kana siguro diyan no? Yiee" kantyaw ko sa kanya.

Walang gumuhit sa kanyang labi. Kahit ngiti man lang o bahid ng kilig.

"Nako, baka ikaw nga siguro yung nagboboyfriend na diyan no?" malungkot yung tono niya pero parang pilit niya itong nilalagyan ng sigla.

Bakit ba niya palaging binabaliktad kapag tinatanong ko siya tungkol dito.

"Ate naman eh, binabaliktad mo yung tanong ko eh. Pero ate sa totoo lang gusto ko munang mag focus sa pag-aaral. Alam mo na gusto kong makapunta diyan pangarap ko kaya yun." tumawa siya sa kabilang linya. Iniisip ko rin minsan kung hindi ba siya nahihirapan dun o di kaya na bobored.

"Kahit Crush ba wala? Imposible." namilog ang mata ko sa sinabi niya.

"Meron pero ..uhmm hindi ako sure kung crush ko siya." sinapak ako ni mama sa may batok ko. Hindi ehh ayaw ko sabihing crush ko siya naiinis ako sa kanya pero hindi ko mapigilang puriin siya.

Suplado minsan.

Mapang-asar palagi.

Manyakis.

Pero gwapo. shocks! 'yoko na.

"Kikilitasin ko muna. Ano bang pangalan niya?"

Medyo blurry na yung screen dahil siguro sa signal.

"Ang pangalan niya ay MAR--"

Biglang nawala ang signal at na off ang laptop. Nako sayang naman at nawala excited pa naman ako. Ano? Excited ako? At bakit? Dahil bang naramdaman kong crush ko si Marty? Shocks nekekeleke telege.

Akala ko si Ate Grace lang ang kikilatis pati rin pala si mama.

"Hoy Sohpeng! Sino yun Mar--?"

"Marty po." suminghap ako. Myghad! Totoo ba to? Sinabi ko sa kanilang crush ko siya?

"Ipakita mo yan saken. Nako ikaw'ng bata ka hindi nagsasabi."

Para namang siya yung apektado. At ang OA naman bakit ko dadalhin dito? Hindi ko naman boyfriend yun! Pero gusto ko? Kyaah! Hmm ayoko. Huwag muna. Gapangin niya muna ang putik ng mga karayom bago ako makuha.

Para namang ang ganda ko talaga.

"Ma naman 'wag kang over acting, crush pa naman. Hindi nga ako sigurado kung crush ko talaga. Uhm dalawa kasi--" di niya ako pinatapos.


"Anong dalawa? Aba tung batang 'to talaga kahit anong pinagsasabi. Dinalawa pa. Siguraduhin mo yan phiang ha napakabata pa tigdalawa na." putak ni mama habang papalabas ng kwarto ko.

Sht! Bakit ko nasabing crush ko si Marty eh si Bryle naman talaga. Baliw na nga ata ako kahit ano nalang ang mga pinagsasabi ko.

Pinilig ko ang ulo ko sa may unan at niyakap ito. Sobrang lambot kasi nakakawala ng stress lalo na pag iniisip mong siya to. Wait! 'Di pala 'wag ganon ang laswa 'ke babae kong tao.

~

Kinabukasan I felt my body suffering on different pains. Backpain, stiffneck at kung ano-ano pa. Sabi pa ni Teacher Jess ay whole day practice ngayon dahil bukas na ang Prom buti nalang pala at may natira si ate grace na damit dito sa cabinet niya.

I suddenly shook my head and stretch my body. Tumingala ako para matignan kung anong oras na.



0_o!?





7:30am


What the heck? Sabi ng trainor ay before seven ay andun na'ko. Sht! Napamura nalang ako at daling naligo at nagbihis. I didn't even take my breakfast.


"Ma punta na'ko sa school na ako kakain."utas ko ng makita ko siyang nakatihaya sa couch feel free siya ngayon ah.


May sasabihin pa sana siya pero kumaripas na ako ng takbo palabas. Di ako magtataxi kaya raider ang dadalhin ko. Di naman ako nakapalda kaya Okay lang. Naka faded jeans lang ako with matching strips at naka loose shirt at naka cap. Mas lalaki pa siguro akong tignan kesa kay Marty.


Pagdating ko sa may court saktong naka hilera na silang lahat with their partners. Parang piniga ang puso ng makitang iba ang kahawak ni Marty.

"Ms.Dela Ricca hurry up. Late ka kaya pinalitan ka nalang ng trainor." parang ang sakit sa dibdib nun ah. Pero okay lang. Nasiyahan naman ako ng kaunti kahit ganun.

Tumango lang ako atsaka tumakbo kay Teacher Jess. Nakita kong lumingon si Marty pero di ko siya pinasadahan ng tingin.

"Ma'am sorry po talaga." untag ko ng nakaharap ko na si Teacher Jess.

"Huwag kang mag-alala. May new enrolee siya ang magiging partner mo."

Tumango lang ako at umupo sa mat stairs. Wala yung trainor. Tinaponan
ng tingin si Marty na medyo naiinis sa partner niya. Maganda naman ito at sexy kaya di'ko ako sang-ayon kung aayawan niya yan.

Ilang minuto pa'y dumating na ang trainor bitbit ang isang malaking supot at may kasamang lalaki na nag dahilan ng pag huhuramentado ng puso ko.

"Siya yung new enrolee na magiging partner ni Sophia. And dalawa ang magiging representative niyo dito Jess." utas nung trainor. Anong ibig sabihin nung dalawang representative?

Di ako makagalaw ng tumitig siya saken. Mag-aaral siya dito? Heck! Araw araw ko siyang makikita.

"Hijo,introduce yourself." utas ni Teacher Jess sa kanya. Humarap siya at nagpakilala na naging bulung-bulongan sa buong court.

"Im Bryle Anthony Dela Costa 19 years old, From University of San Juan Vianneyo."

Napansin kong namilog ang mata ni Marty at binitawan ang partner niya. Pinasadahan niya ako ng tingin pero tinaasan ko siya ng kilay.

"Sophia and Bryle will be the second representative in your class."



*******************

End.

















The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now