-Kab 04-

189 12 0
                                    

******************

Sophia's POV

Pumasok na kami ni Joyce at umupo sa may pinakadulong bahagi ng room na kita ang view ng soccerfield. Rinig ko rin ang mahangin na mga salitang lumabas sa bibig ni Marty nang akala niyang siya ang tinutukoy ko.

Baka may gusto sayo dude

Banggit sa isa sa mga barkada niya.

Gwapo pre eh, wala tayong magagawa diyan.

Nabilaukan ako sa hanging nasinghap ko. Ang sama ata ng hangin ngayon.

Patuloy parin kami sa pag-uusap ni Joyce tungkol kay Bryle.

Trenta minuto na ang nakalipas pero wala parin ang teacher namin for this afternoon session.

Biglang naagaw ng grupo nila Marty ang atensyon ng mga kaklase ko.

Biglang umawang ang upuan sa likuran at tumayo si Marty.

"Tignan niyo dude, aakitin ko siya tignan lang natin kung hindi to mangatog at lumunok ng laway sa gagawin ko."

Rinig namin lahat ang sinabi ni Marty. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Kaye. Ang nerdy president namin for this subject.

Tumayo ito at umambang lapitan si Marty.

"Ano na naman ba ang gagawin mo Marty? Mahiya ka naman Chairman ka ng school huwag kang maging modelo ng kabalbagan dit---" di niya natapos ang sasabihin niya ng nilagay niya sa labi ni Kaye ang index finger niya.

"Shhh.. Huwag kang makialam nerd!" singhag niya rito. Umatras si Kaye at bumalik sa upuan niya habang si Marty ay nasa harapan ko.

"Ugh! Ang kati naman netong abs ko parang gustong magpakamot sa magandang babaeng nasa harapan ko."

Humiyaw ang lahat ng kaklase ko sa sinabi niya habang tinataas niya ang ibabang bahagi ng polo niya at nakita ang healthy niyang abs ay este korny pala.

Tumayo ako at naramdaman ko ang paghablot ni Joyce sa balikat ko. Umiling siya at kinindatan ko.

"Saan ba banda ang makati diyan Marty?" nagulat ang lahat ng mga kaklase ko sa sinabi ko."

Talaga bang gagawin niya?

Myghad ang landi niya rin pala.

Papatulan niya?

Hindi ko pinansin ang bulungan ng mga kaklase ko.

"Dito 'Sophia'." sabay turo niya sa abs niya.

Pinasok ko ang kamay ko sa loob ng polo niya habang naghihiyawan ang mga kaklase ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya.

"Dito ba? Saan pa Marty?" pasexy ang boses ko.

"Ugh! Sht Sophia!"

Bigla pang lumakas ang hiyawan nila at biglang nanahimik.

"Anong ginagawa niyo!" tinig ni Prof. Frios ang tumaginting sa loob ng classroom namin.

"We're just having a truth or dare sir." pagrarason ni Marty. Nakita kong hindi nakumbinse si Prof. at bumaling ang tingin saken.

"Ms. Dela Ricca? Totoo bang naglalaro kayo ng truth or dare?

Suminghap ako at nag crossed arms. Tinignan ako ni Marty at sinenyasan ng umuo-ka-look pero inirapan ko lang siya.

"No sir. We're not having a game. Ang totoo niyan pumunta siya sa harapan ko at pinarinig sa buong klase at nangati niyang abs." napakunot ang kilay ni prof. "And obviously gusto niyang ako ang kumalmot nito."

Napaawang ang bibig ni prof.

"At ginawa mo naman?"

"Ofcourse sir, He's the CHAIRMAN of the school and no reason para hindi ko siya sundin."

Sinubukan kong huwag mangatog. This is my first time na maharap sa ganito.

"So Marty are you trying to use your authority to control over your classmates?" seryosong tanong ni prof. kay Marty.

"Uhm.. No-sir. Naglalaro lang talaga kami kahit tanungin niyo pa sila." turo niya sa mga kaibigan niyang nakayuko.

"Bawisan, totoo bang naglalaro lang sila?" tanong ni prof. kay Kurt.

"Uhm-siguro po sir." nanginginig ang boses niya.

"Sir, try to ask some of my classmates siguro naman ipagtanggol siya nitong mga kaibigan niya." untag ko.

Napatango si prof. at bumaling ang atensyon sa mga kaklase kong nakaupo. Wala na si Joyce dahil next subject na magpapakwento na naman yun.

"Who among you here can tell me sa totoong nangyari?"

Tahimik lang ang lahat.

"Sir, ako po." nabaling ang lahat ng atensyon kay Kaye.

"Go on. Fuentes.

"First subject ay wala po kaming teacher." lumunok siya habang nakahalukipkip. " Nagtatawanan po sila Marty sa likuran habang tahimik namang nag-uusap sina Sophia at ang kaibigan niya sa gilid. Pinuntahan ni Marty ang direksyon kung saan nakaupo sina Sophia at pinarinig sa buong klase ang makati daw po niyang abs. At gaya ng sinabi ni Sophia obvious po na siya ang pinaparingan ni MR.CHAIRMAN no reason po para hindi niya sundin ito dahil CHAIRMAN naman din siya ng university na to."

Nakita ko si Marty na nakafacepalm at nangungugat sa galit.

"So you're lying Mr. Reeves. See me at my office after your last class." bumaling ito saken. "And also you Dela Ricca."

First time kong mapatawag ng teacher. At imbes na kabahan ako nakaramdam ako ng excitement sa nangyari.

Pagkatapos ng last class namin gaya ng sabi ni prof. pumunta ako sa office niya hindi kami magkasabay ni Marty at pakiramdam ko nauna siya dun.

Kasama ko ngayon si Joyce papuntang faculty.

"Sabi na eh! Paano kung bibigyan kayo ni Prof. Frios ng mabigat na parusa?" seryosong tanong niya.

"Edi tatanggapin. Tignan lang natin sinong uurong dito." ngumiti ako at nagwave ng kamay.

Wala pa si sir sa upuan niya. Pero nakita ko si Marty sa may couch habang nagbabasa ng magazine.

Naghintay lang muna ako dito sa likod. Di niya napansin na andito ako sa may likuran at wala naman akong planong ipaalam sa kanya yun.

"Take a seat Ms. Dela Ricca." untag ni sir mula sa likuran na ikinagulat ko.

Hinay-hinay akong naglakad at dumaan sa harap ni Marty. Di ko siya binalingan ng tingin pero ramdam ko ng malagkit niyang tingin saken.

"So dahil hindi naman major offense to ay hindi ko ito ipapaabot sa conference pero bibigyan ko kayo ng 5 hours community service." tumikhim siya. " At kung mauulit pa ito ay ipatatanggal na kita Marty bilang chairman ng school at mapipilitang mag conduct ng election for this semester."

Tumango kaming dalawa.

"Understand? Pwede na kayong umuwi."

Tumayo na kami.

Sabay kaming tumayo, sabay kaming lumabas at sabay naming sinabi na,

"Di kita uurungan."

Hinila na ako ni Joyce palabas ng gate at kinuwento ko lahat ng sinabi ni sir at tungkol dun sa community service.

Sumakay na ako ng jeep habang nakatayo parin sa may gate si Joyce at naghihintay sa sundo niya.

Nagwave ako at yun rin ang ginawa niya.

Nag umandar na ang jeep umupo ako ng tuwid at nagulat sa katabi kong malaki ang ngiti at nasilayan ang malalim niyang dimple.






Si Bryle Anthony Dela Costa.


*****************

End.



The Love to Reign  ✔COMPLETEDWhere stories live. Discover now