-Kab 38-

101 7 0
                                    


Special Chapter


*************

Marty's P.O.V

"Oh Iho, nakahanda na ba ang mga gamit mo?" Rinig kong tanong ni Dad mula sa kusina. Kakatapos lang ng graduation day namin. Wala akong naramdaman na kahit anong saya. Sabi nga ni Dad na mag celebrate daw pero naglublob lang ako sa kwarto buong araw.


Hanggang ngayon di ko parin alam kung bakit ako iniwan ni Sophia. Di ko rin alam kung saan siya nagpunta. Wala akong contacts sa kanya at maging sa mama niya and even si Joyce ay hindi niya alam. Yung facebook account niya ay deactivated.


Isa lang naman sana ang gusto kong matanggap na regalo. Ang sabay kaming aakyat sa stage at kunin ang mga diploma namin. Pero napako ang lahat nung umalis siya. Alam ko ang pinangagawa nina Allaisa. Sinabi nila ang tungkol sa dare kahit na wala na akong pakealam dun.

Mamaya ang flight ko papuntang states pero wala akong gana. Dad told me na bibigyan niya daw ako ng position sa kompanya dun. Sinabi ko sa kanya na ayoko at kung gusto niya ay si Bryle nalang pero hindi siya pumayag. Wala akong magagawa.


Napag-usapan namin ni Sophia yung pupunta rin siyang state. Pero siguro kung andito pa siya eh sabay na sana kaming pumunta. Im so dumb at hindi ko man lang ginawa ang lahat upang hanapin siya. Nagbabakasakali kasi akong babalik siya agad. Pero hindi pala at tuluyan na siyang umalis.


Hanggang ngayon nasa isip ko parin na kung pa'no nalang kung babalik siya? Pag-alis ko ay yun din ang pagbalik niya? I would rather stay than to leave. Pero di mo malalaman pag di mo susubukan.


Bago ako pumunta ng airport ay dumaan muna ako sa park kung saan namin nilagay ni Sophia ang isang bagay na as a sign of promise. Ako na mismo ang mag-uunlock hindi para sumuko kundi para sabay namin tong ibabalik dito. Mahirap ang gagawin ko. Hindi ko alam kung kailan kami magkikita ulit. Weeks?Months? Years? Maghihintay ako. Basta alam ko na mahal niya parin ako.


Im on my way to airport. At ilang minuto lang ay magtatake-off na. Dad told me na susunod siya nextweek para daw ipakilala niya ako sa mga empleyado dun. It takes time para makapag cover up sa environment. Sa mga tao dun at sa mga empleyado ni Dad.


Wala akong kaalam-alam tungkol sa pagiging CEO ng isang kompanya pero sabi ni Dad paano ako matututo kapag hindi ko sisimulan.

Nagtake off na ang sinasakyan kong eroplano. It takes hours ang biyahe kaya umidlip muna ako ng kaunti.


Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. Napamura ako ng napakalakas-lakas dahil sa gulat. Anong ginagawa ng tarantadong to dito?


"Marty." Yun lang ang sinabi niya. What a jerk? Bakit siya andito sa eroplano? Naguguluhan ako shit!


"What are you doing here?" Inis kong utas sa kanya. Nasa may likuran ko siya nakaupo. I think nag land na ang eroplano dahil tumayo narin siya kasabay nung ibang pasahero.


"A summer vacation or something?" Uminit ang buong sistema ko dahil sa presensya niya. Dad didn't told na makakasama ko siya. Ilang ulit na to ginawa ni Dad para daw mapaglapit kami. For pete's sake I hate him. I really hate to have a fake brother like him. I will become the CEO at siya? Magiging empleyado ko? Work buddy? No this Isn't happening.


"Don't talk to me." Yun nalang ang sinabi ko at bumaba na ng eroplano. This is my first time here. Wala akong pakialam kung mawala man ako o ano basta I really don't want to be with him. Acting like a child? Doesn't matter I dont have time to argue.


The Love to Reign  ✔COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant