This is the last chapter before the epilogue. Thanks for reading!
***********
Marty's P.O.V
Di niya pinansin yung panyo na inabot ko at niyakap ako. I miss everything about her, yung amoy niya, yung ngiti niya at ang pagmamahal niya. Siya na nga talaga ang krayola na nagpinta ng makukulay na karanasan sa buhay ko.
"Sor-ry...Mar-ty." Ramdam ko ang pagkabasag ng boses at panunuyo ng lalamunan niya. Pinulupot ko ang bisig ko sa katawan niya.
"Shhhh.... Naintindihan ko lahat Sophia."
Ibinaon niya ang kanyang mukha sa dibdib ko habang humihikbi parin.
"Hindi Marty eh. Mali yung ginawa ko. Nagpakababaw ako. Umalis ako sa isang maliit na rason. Alam kong mahal na mahal pa kita nun pero di ako lumaban. Ang hina ko Marty." Basag na basag ang boses niyang yun.
"No Sophia. It's not your fault. Ako dapat ang dumistansya pero di ko nagawa. Pareho lang tayo ng sinubok ng tadhana. But we can do it better again diba?" Tumango lang siya.
I felt my heart fluttered as the song started to drift down to my nerves.
There goes my heart beating
'Cause you are the reason
I'm losing my sleep
Mahangin, maamog at malamig ang gabi. Sinabayan pa ng timbre ng kanta na animo'y sumasabay sa bugso ng aming nararamdaman.
Nakapulupot parin ako sa kanya habang malayang tinatanaw ang kawalan.
There goes my mind racing
And you are the reason
That I'm still breathing
Lubos na mahirap isipin kung maibalik ang nasira naming pagsasama noon. Subalit kapag lalaban ka at susugal dalawa ang pagpipilian mo. Mananalo ka o matatalo. Pero kapag katatagan ang pinuhunan mo malaki ang posibilidad na matatagumpayan mo ito.
I'd climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fix what I've broken
Oh, 'cause I need you to see
That you are the reason
All things were made by efforts. Hindi mo lang dapat iudlot ito sa salita pero paganahin dapat sa gawa. Nagsisi ako kung bakit hindi ko nagawa lahat noon. Nagpapalunod sa emosyon at sa takbo ng buhay. Walang rason ang dapat isipin.
There goes my hand shaking
And you are the reason
My heart keeps bleeding
![](https://img.wattpad.com/cover/138033098-288-k714441.jpg)