-Kab 22-

102 8 0
                                    

****************

Sophia's P.O.V

One week na ang nakalipas nang magsimula ang oplan ligaw ni Marty. Araw-araw nga siyang naghahatid ng flowers at chocolate at minsan nga ay hinahatid pa niya ako sa school. Same school nga lang pala kami.

Weekend ngayon pero andito ako sa school para sa prepations of activities para sa palaro nextweek. Kasama ko ngayon si Joyce na kasalukuyang gumugupit ng mga tela para sa torch. Ang iba naman ay busy sa mga booth nila at mga pakulo ng mga SSG.

Love Knot

Blind Date

Wedding Booth

Kami naman ay mga ComElec o Commission on Election na siya'ng magtatally ng scores during sa mga game ng iba't ibang courses.

Sa di kalayuan ay napansin ko ang isang lalaking naka white short at naka pink polo shirt na papalapit dito bitbit ang isang gitara. Hindi paman siya nakalapit ay kabisado ko na lahat sa kanya, puwera nalang yung iniisip niyo ha.

Nandito yung President!

Nataranta sila at dali-daling linigpit ang mga ginupitang tela sa paligid. Kami lang ata ni Joyce ang chill na chill lang na nakaupo dito at pinatuloy ang ginagawa.

"Andito na yung lalaki mo." untag ni Joyce. Shocks! grabe naman yung term niya para namang higad ako sa mga gwapong lalaking katulad niya.

Malapit na siya dito sa stage. Bakat sa balikat niya ang kanyang halos puputok na biceps.

"Goodmorning." bati niya saken. Kahit na madalas naman kaming nag-uusap ay di ko parin maiwasang mangisay kapag naririnig ko ang boses niya. Lalo na yung kumanta pa siya. Kung pwede lang sanang pakantahin ko siya ulit ay gagawin ko, kung close lang sana kami.

"Goodmorning Mr.PRESIDENT." giit ni Joyce sa salitang president. Kinuha niya yung bakanteng upuan sa unahan at humarap saken. Kinurot naman ako ni Joyce sa tagiliran na nagdahilan ng pagmura ko. Buti di niya narinig.

Napansin ko ang pag-igting ng mga panga ng mga babaeng kasama ko dito. Siguro they expected na mag-iinspect lang si Marty dito pero suddenly umupo siya sa harapan ko at nakipag-chikahan.

"Diba may practice kayo?" untag ko sa kanya. Bumaling ang tingin niya saken.

"Diba sabi mo sa tabi mo lang ako?" sabi niya na nakapag-palaki ng mata ni Joyce. Yes, one week na siyang nanliligaw pero kahit paman palagi siyang nakabuntot saken ay wala siyang ideya tungkol rito kaya ganon nalang ang pagtataka niya siguro.

"So may ganito? Ba't di ko to alam?" utas niya habang nginangangat ang hawak niyang dried mangoes.

"Joy-- putol ni Marty saken.

"Malalaman mo naman kapag kami na."

Nalaglag niya ang supot na dala niya kanina. Bago paman ako makapagsalita ulit ay nagsalita ulit siya.

"Sama ka? Practice kami, tara!" sabay hila niya sa kamay ko at napalundag naman ako sa stage. Gusto kong kumawala pero bakit ayaw sumunod ng katawan ko. Parang gusto kong sabihin na dalhin mo'ko kahit saan mo'kong gustong dalhin. Hinila ko rin si Joyce pero ang bruha ay winaksi ang kamay ko at nagpa-iwan.

Lahat ng estudyanteng nakasalubong namin ay nakatitig saken. Yung iba nga parang sasabog na sa galit. Ganito nila pinupuri ang president nila but correction ang gwapong president ayy chos! laswang mind. Erase..erase.

Pinaupo niya ako sa gilid habang kinandungan ang bag niya. Napatayo narin yung mga members ng team niya. Naghuramentado ang puso ko ng makita ang isang Marty Shawn Reeves na naka Jersey na may printang  'Dela Reeves' ayoko mang pangahulugan yun pero alam kong apelyedo namin yung dalawa ng pinagdugtog.

Bumaling siya saken at kinindatan ako. Sht! natutunaw ako ghadd! Kung sana'y di ko lang nalaman yung tungkol sa dare eh sinagot ko na siguro siya. Biglang kumirot ang puso ko dahil sa iniisip ko. Paano kung totoo yung sinabi ni Joyce? Na mabitag sa sariling pain? Paano kung ako yung iibig at siya ang mang-iwan?

Uminit ang gilid ng mata ko dahil sa pagbadya ng luha ko. Kumaway ulit siya saken at nginitian ako.I waved back at ngumisi kahit na blurry ang paningin ko dahil sa luhang nagbabadyang tumulo. Kumikirot ang puso ko sa tuwing nakikita siya. Naisip ko rin na sana totoo nalang to lahat, wala ng dare, wala ng laro. Ang hirap na sa isang iglap di mo namalayang natatalo ka na pala.

Kumaripas ako ng takbo patungo sa Comfort Room at dun ibinuhos lahat ng mabibigat na pakiramdam. Humagulgol ako ng malakas at inilock yung door. I can't resist but to cry. Im so young for this. Hindi para magmahal pero dahil sa pagdanas ko nito.

Namugto ang mga mata ko habang nakatingin sa salamin. Binuksan ko ang pintuan at nagulat ng makita ang isang lalaking nagbigay saken ng lubos na hinanakit.

"Bakit ka andi---" di ko natapos ang sasabihin ko dahil sa pagyakap niya ng mahigpit saken. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at binuhos ulit ang luhang siya lang ang makapagpatahan.

Mahal ko na ata siya pero kasisimula pa lang. Kasisimula pa lang ng plano ko na malaman ang maaaring gawin  niya pero naiinis ako sa sarili ko dahil sinasabi nitong itigil na.

"Stop Crying, bakit andyan ka sa comfort room, dito ka saken ang totoong mag cocomfort sayo." tugon niya habang nakayakap parin saken.

"Pasensya ka na---"

"Shhh.Alam ko kung ano ang nararamdaman mo"

Sht! Gusto kong magmura sa harap niya. He know's kung anong nararamdaman ko? Gago ka pinaiyak mo ulit ako. Sabi mong mahal mo'ko pero hindi naman pala totoo. Kung alam mo lang siguro kung gaano kong gustong tanungin sayo kung bakit ako? Matikas ako pero malambot ang kalooban ko. Madali akong maniwala sa mga salita kahit alam kong walang patutunguhan. Sana alam mo yun Marty! Sana maramdaman mo rin yun.

Tinatagan ko ang sarili ko. Ayoko ng umiyak pa ulit dahil dito. Sht Marty! Nahuhulog na ako sayo! Ano ka ba? Manhid ka ba? Sineryoso mo nalang sana ako sht!

Kumalas ako sa pagyakap niya at inunahang maglakad papasok ng gym. Hinawakan niya ang balikat ko at kinalas ko rin ito.




"Tigilan mo'ko Marty! Alam ko ang plano niyo ng mga kaibigan mo! Hindi ako tanga at malalaman ko rin lahat ng mga kagaguhan mo!" sigaw ko sa kanya ng di ko na mapigilan ang poot sa dibdib ko. Namilog ang mata niya dahil sa gulat.




"Sophia nagkakamal--"


"Alam ko diba? Ginagamit mo lang ako? Para san? Mahalaga ba ang kapalit ng pang- gagago mo saken? Worth it ba?"



Tumalikod na ulit ako nang marinig ko ang pagkabasag ng boses niya.









"Saan ka pupunta? Mawawala ka na naman ba tulad niya? Please Sophia nagmamakaawa ako. Dito ka lang please?"












Umiiyak siya at parang dinudurog ang puso sa pagkarinig ko nun.




***************

End.


The Love to Reign  ✔COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon